Chapter 6

1 0 0
                                    

"You owned this ? " di makapaniwala si Lee ng makapasok siya sa semi luxury ko na apartment actually kasing laki ito ng chamber ko sa Palace.

"Yes, A year ago.." sagot ko naman, agad na humiga si Dixie sa sofa bed na nasa balkonahe.

"Your family must be rich. Anong bussiness niyo ? " umiwas ako ng tingin kay Lee ng magtanong siya sa family bussiness namin.

"It's just a Real Estate.. " pagsisinungaling ko nalang, actually in Scotland, gold ang bussiness namin doon at tsaka Armor, such as bow and arrow, swords and etc, may war ship din kami.

"Amazing.. Just like the Hale's, pareho pala kayo ng bussiness. " ani naman ni Lee saka umupo ito sa sofa.

"Hale ?" Kunot noo kong sabi

"Yes, Cohen Kaleb Hale remember him ? " ani pa nito, tumango naman ako ng pilit

"Actually, he is in Cebu right now. Isinama siya ni Tita Soleil doon pero babalik naman 'yun sila bukas." sabi pa ni Lee

"Hayaan muna yun.. Lee magbibihis lang muna ako. Feel at home. Kung nauuhaw ko may mga stocks sa ref. kumuha ka lang may mga chips din sa Cabinet. " ani ko kay Lee

"Ok, salamat.." sabi naman nito, nilapitan ko muna si Dixie saka sinabihan ko na samahan muna si Lee para hindi maboringan.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas agad ako sa kwarto ko. Naabutan ko ang dalawa na nag-uusap.

"Anong lulutuin natin ngayon Dix ? " tanong ko kay Dixie ng makalapit ako sa kanila.

"Mag beefsteak nalang tayo at tsaka fresh lumpia at lasagna." ani naman nito, tumango naman ako. Napatingin naman ako kay Lee.

"Can I help ? Marunong naman akong magluto.." ani pa ni Lee kaya nagkatinginan kami ni Dixie at saka sabay na tumango.

Si Lee yung nagluto ng beefsteak, ako naman sa fresh lumpia at si Dixie sa lasagna.

"I texted Miguel pala na nandito ka pero sinabi ko na huwag ipaalam kay Kenna, sabi naman niya ay magdadala siya ng inumin." narinig kong sabi ni Dixie kay Lee.

Binuksan ko yung ref. ko at napatingin ako sa fresh milk ko kaunti nalang pala.

So, I texted Migs na bilhan ako ng tatlong gallon ng fresh milk at dito ko nalang siya babayaran, nag ok naman ito.

Takam na takam ako sa Ice cream kaya inilabas ko ito sa freezer.

"Who wants to eat Ice cream ? " sabi ko naman sa kanila

"You're gonna ruined your dinner with that Zoey. " ani pa ni Lee

"Don't worry kakain pa rin ako ng marami mamaya .." sagot ko naman, nakangiti namang nakatingin si Dix sa akin, alam niya kasi na buntis ako at kung ano yung gusto ko na kainin ay kakainin ko talaga.

Hindi naman nagtagal at dumating na yung mga kaibigan ko. Sobrang nabigla pa si Kenna ng makita niya si Lee. Tumakbo pa talaga itong yumakap kay Lee. Masaya naman ako para sa kanila.

"Ang sarap ng steak.." ani pa ni Bea

"Si Lee ang nagluto niyan.." sabi naman ni Dixie.

Matagal kaming natapos kumain kasi nga puro kami kwento.

Kapag talaga ako nakabalik sa Scotland, mamimiss ko sila ng sobra.

Ng matapos akong kumain ay pumasok muna ako sa kwarto ko para kumuha ng pera para pambayad sa tatlong galloon na gatas na pinabili ko kay Migs.

Paglabas ko ay nakita ko sila sa may living room at parang may ka video call.

"Zoey, come here..." ani pa ni Lee kaya lumapit naman ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung sino yung kausap nila through video call.

It was Cohen .. Napatingin ako sa mga kaibigan ko, napatitig sila sa akin.

Gusto ko sanang lumapit pa kaya lang ayoko na mas mahirapan pa ako.

"May gagawin pa kasi ako, kayo nalang.." sabi ko nalang saka ako dumiretso sa may kitchen para uminom ng tubig.
Napakapit ako sa may kitchen counter dahil parang bigla akong nawalan ng lakas.

Nasa ganoon ako na posisyon ng maabutan ako ni Kenna. Lumapit agad ito sa akin saka ako niyakap.

I let Lee stay for the night kasi gabi na at tsaka 4 hours pa ang biyahe pauwi sa kanila baka makatulog siya sa kaka drive mas mabuti na yung iwas accident.

Kinabukasan bago umuwi si Lee ay hinatid niya muna kami ni Kenna sa University.

"I bet you guys make out last night .." mahinang sabi ko kay Kenna habang naglalakad kami sa may hallway.

"Well, thanks to you I got laid last night .." ani naman nito, napangiti nalang ako dahil sa kaprangkahan ni Kenna.

Ngayong araw na ito ay it's my prenatal day at since Sabado naman ngayon ay wala kaming pasok ni Kenna so ayun sinamahan niya ako.

It turns out ok naman, wala namang problema sa pagbubuntis ko at kailangan daw na ipagpatuloy ko yung pag-inom ko ng vitamins saka masustansiya na pagkain.

Natatawa din ako kay Kenna dahil mas excited pa siya at talagang tinanong pa niya yung Doctor kung anong gender ng baby ko kaya lang ay hindi pa daw pwede kasi hindi pa fully develop yung fetus maybe in my second trimester ay pwede na daw namin malaman.

"Panigurado sobrang ganda ng lahi ng anak mo, your timeless beauty plus Cohen's handsomeness. Magiging Diyosa talaga yung anak niyo o di kaya'y magiging Prince or Princess yung figures nila." ani pa ni Kenna

"Yes, it is.." sagot ko naman, if I'm about to be a Queen and marry Prince Edward my child will address as a bastard and I don't want that to happen and I know Queen Meridith will never accept this baby in my womb so does Prince Edward too. How can I keep my baby ? If I know right now that I will lose my baby for the sake of Scotland.

My friends are here in my Apartment now, naboboringan daw kasi sila sa bahay nila kaya dito nalang daw sila tatambayan sa apartment ko, wala namang problema sa akin. They are my true friends and they always welcome here in my pad.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng movie ng may nagdoorbell, tatayo na sana ako ng naunahan ako ni Antonn kaya siya na yung nagbukas ng pintuan.

Ibinalik ko yung tingin ko sa pinanood namin na Comedy movie.

"Zoey, there are mens outside looking for you.." napatayo agad ako dahil sa sinabi ni Antonn, napatingin sa akin yung mga kaibigan ko.

Nginitian ko sila.

"Dito lang kayo guys, huwag kayong lalabas.." nakangiting sabi ko sa kanila.

"But Zoey.." pigil pa ni Miguel sa akin.

"I'm fine , I'll be fine.." ani ko naman saka ko binuksan yung pinto saka sinilip ko kung sino yung tinutukoy ni Antonn. It's from England's guards men. Kaya tuluyan na akong lumabas sa may pintuan at isinirado ito

Sabay sabay namang nagbow sa harap ko ang apat na lalaki.

"Your highness, Prince Edward sent us here to let you know that this coming Wednesday, it's his coronation day and she wants you to come to support him." ani pa ng isang guard.

"I'm afraid I can't, tell Edward I still have 2 years before I come home. " ani ko naman sa guard

"Yes, your highness but can we know whats the name of the man who opened the door ? " ani pa nito, bumuntong hininga ako

"I know what you all thinking, I'm not having an affair with your future King. It's my friend." sabi ko sa kanila saka binuksan ko yung pintuan ng Apartment ko.

"Feel free to see " ani ko naman sa head guard at sumilip ito sa loob kung saan yung mga kaibigan ko ay busying busy sa panonood .

Ng matapos na itong sumilip ay isinirado ko ulit yung pintuan.

"They are my friends. So please, tell Prince Edward that I couldn't come and I still have my 2 years left for my freedom." ani ko naman, tumango lang yung mga guards saka umalis na, hinanda ko yung sarili ko bago pumasok sa loob.

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon