Chapter 42

1 0 0
                                    

Hindi pa na kuntento si Cohen at itinapon niya pa yung maleta ko sa harap ko kaya kitang kita ko ang pagkasira nito at paglabasan ng iba kong gamit.

"Huwag mong kalimutan yung basura mo ! " sabi pa nito, napatitig ako sa kanya. Ibang iba na talaga siya.

Lumuhod ako saka ko kinuha yung mga gamit ko na nagsilabasan at ipinasok ko ito sa maleta ko na sirang sira na.

"Umalis ka at huwag ka ng babalik pa ba dito.. " galit pa rin na sumbat ni Cohen sa akin kaya napaiyak nalang ako dahil sa sama ng loob.

"No one leaves the house. Manang take care of Zoey's things.." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Tito Kol agad namang lumapit si Tita Soleil sa akin at pinatayo ako.

"Don't tell me Dad, papasukin niyo ulit ang babaeng iyan ? " galit na sabi ni Cohen sabay turo sa akin

"Shut up, mag-usap tayo mamaya." matigas na pagkasabi ni Tito Kol walang nagawa si Cohen kaya pumasok na ito sa loob sumunod naman si Tito Kol saka kami ni Tita Soleil.

I saw Cohen na nasa may hagdan na paakyat siguro ay pupuntahan niya si Noah.

Pinaupo ako ni Tita Soleil sa inuupuan ko kanina saka tumabi si Tita kay Tito Kol na umupo sa kabilang sofa na kaharap ko.

"I'm sorry po Tito sa lahat ng kasalanan ko." buong puso ko akong humingi ni Tito Kol na kapatawaran.

"It's ok, I understand but now that you're here sana naman gawin mo ang tama. Ayoko na lumaki si Noah na hindi ka kasama. Sa ngayon ay baka mahirapan ka na kumbinsihin sila pero sana magpakatatag ka. I'm giving you another chance to be part of this family Zoey so please don't waste it." seryosong sabi ni Tito sa akin, tumango naman ako.

"Pangako Tito, gagawin ko po lahat mapatawad lang nila ako. Hinding hindi ko po sasayangin ang huling pagkakataon na ibinigay niyo sa akin." sabi ko naman kay Tito

"Aasa ako Zoey, dito ka na tumira sa Mansion para makasama mo araw araw si Noah. " sabi pa ni Tito

"Salamat po talaga Tito, Tita.." sabi ko sa kanila, tumango lang ang mag-asawa.

Isa sa mga guest room ako pinatuloy ni Tita malapit lang sa kwarto ni Noah , napadaan ako sa kwarto ng mag-ama kanina pareho itong sarado.

Pagod ako sa biyahe kaya pinagpahinga muna ako nila.

Madilim na ng magising ako dahil ginising ako ni Tita Soleil para daw maghapunan na kami.

Nag shower lang ako saglit at nagbihis saka bumaba na ako papunta sa Dining area, napadaan ako sa kwarto ng mag-ama pero sarado pa rin ito. Baka siguro na sa Dining area na din.

Hindi nga ako nagkamali nasa Dining area na nga sila at ako nalang pala ang hinihintay nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi nga ako nagkamali nasa Dining area na nga sila at ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Kumain na tayo .." sabi agad ni Tito na mapansin niya akong dumating, napatitig ako kay Noah nakatingin lang ito sa pagkain niya si Cohen naman ay galit na nakatingin sa akin.

"Dito ka..." nakangiti namang sabi ni Tita sa akin sabay tapik ng upuan sa tabi niya.

Kaharap ko si Noah hindi man lang ito nag angat ng tingin sa akin.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa dumating si Knoxx at nabigla pa ito ng makita ako. Tinanguan ako ni Knoxx saka ito umupo sa tabi ni Noah na tahimik lang na kumakain.

"Kailan ka dumating ? " tanong pa ni Knoxx sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya

"Kaninang tanghali lang dumiretso agad ako dito.." sagot ko naman

"You're staying here in Philippines for good ? " tanong naman ni Knoxx sa akin kaya tumango ako napansin ko naman na napasulyap si Cohen sa akin pero agad din iyong yumuko at kumsin.

Napatingin ako kay Noah ng tapos na itong kumain at uminom ng orange juice. Napansin ko na kaunti lang ang kinain nito.

"Noah, kumain ka pa, kunti pa lang yung kinain mo." hindi ko mapigilan na sabihan si Noah pero hindi man lang ako pinansin kaya medyo napahiya ako lalo na't napansin ko na kawawa akong tinignan ng mag-asawa.

"Sabi ng Mommy kumain ka pa daw " narinig kong sabi ni Knoxx kay Noah

"Busog na po ako Tito at isa pa hindi ko siya Mommy .. " parang gumuho yung mundo ko dahil sa sinabi ni Noah napansin kong napatitig si Cohen sa akin kaya yumuko lang ako at parang anytime ay tutulo na yung luha ko.

"Daddy, can I go to my room ? " narinig kong tanong ni Noah kay Cohen.

''Sure, susunod ako.." sagot naman ni Cohen saka lang ako nag-angat ng tingin ng lumapit si Noah kay Knoxx at humalik ito sa pisngi, lumapit din ito kay Tito Kol saka humalik sa pisngi.

"I'll be in my room Abuelo.." sabi pa nito, tumango lang si Tito Kol, lumapit din si Noah kay Tita Soleil at tulad din ng ginawa niya kay Knoxx at Tito Kol ay humalik rin ito sa pisngi ni Tita Soleil, hindi na ako nag expect na lalapitan ako ni Noah at tama naman yung hinala ko naglakad na ito palabas ng dining area ng hindi man lang lumapit sa akin.

Hindi nalang ako kumibo at tinapos ko nalang kainin yung nasa plato ko kasi atat na atat na akong mapag-isa at ibuhos lahat ng nararamdaman ko.

Tumulo agad yung luha ko ng makapasok ako sa guest room na tinutuluyan ko.

Sobrang sakit isipin na hindi ako tinuring na ina ng anak ko pero kahit ganun ay hindi pa rin ako susuko, gagawin ko pa rin lahat lahat hanggang sa mapatawad nila ako.

Ilang oras din akong iyak ng iyak napatingin ako sa oras ng phone ko. It's already quarter 10 pm pero hindi pa rin ako nakaramadam ng antok kaya naisipan kong bumaba para uminom ng gatas.

Bukas na bukas din ay mag gro-grocery ako nakakahiya rin kasi na nakikikain ako tapos pinatira pa ako ni Tito Kol dito sa Mansion.

Plano ko sana na mag renta ng apartment na malapit sa mansion para mabisita at makita ko araw araw si Noah pero mas gusto kasi ng mag-asawa na mas mabuting nasa iisang bahay lang kami para daw mas madali kong suyuin yung anak ko.

I didn't turn on the switch in the kitchen kasi nga ay may liwanag naman na nanggagaling sa buwan.

Binuksan ko yung refrigerator saka kinuha ko yung fresh milk saka inilagay ko ito sa kitchen counter, lumapit din ako sa cabinet para kumuha ng baso saka sinalinan ko ito.
Saka ibinalik ko na yung fresh milk sa loob ng refrigerator.

Sinimulan ko ng inumin yung gatas ng biglang umilaw yung buong kitchen at muntik ko ng mabitawan yung baso ng makita ko na si Cohen.

Galit agad itong napatitig sa akin kaya napayuko ako at ipinagpatuloy ko na yung pag-inom.

"Ang kapal rin ng mukha mong tumira dito ..." narinig kong sabi ni Cohen lumapit ito sa mini bar ng Mansion at nagsalin ng alak sa baso niya.

"Your parents let me.." mahinahon ko namang sagot

"Edi sana tumanggi ka ! " bulyaw pa nito sa akin.

Hindi nalang ako kumibo saka inubos ko yung ininom ko saka lumapit ako sa sink para hugasan ito

"Hindi makakabuti kay Noah kapag nandito ka kaya sana naman kunting respeto lang, umalis ka.." dagdag pang sabi ni Cohen sa akin

"Gusto ko lang naman bumawi .." sagot ko saka pinunasan ko na yung baso ng matapos ko na itong hugasan at ibinalik ko na sa cabinet.

"Bumawi ? Para saan pa ? Kung hindi ba namatay yung asawa mo ay pupunta ka ba dito para bumawi sa anak mo ? Diba hindi ? " galit na sambit nito sa akin kaya napayuko na naman ako.

He's right ? Kung hindi nawala si Edward ay wala ako dito ngayon pero alam ko na hanggang tingin nalang ako kay Noah kung nangyari 'yun.

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon