Isang taon at anim na buwan na ang nakalipas ng napagdesisyonan ko na bumaba na sa trono ko bilang Reyna ng Great Britain.
May dalawang option kaming pinagbobotohan ang una ay buwagin ang Great Britain at bumalik sa dati ang dalawang bansa ang England at Scotland sa puntong ito ay kokoronahan bilang isang Hari ng England si Prince Edmund na siyang susunod sa trono ng asawa ko na si Edward kung meron lang sana kaming anak ay hindi na sana dapat mangyari ang bagay na ito. At ako naman ang manatiling Reyna ng Scotland at marami din akong natatanggap na mga proposal galing sa mga hari ng iba't ibang kaharian pero wala pa sa plano ko ang mag-asawa ulit.
Ang ikalawang option ay bababa ako bilang Reyna ng Scotland ng sa ganoon ay kokoronahan bilang Reyna ang kapatid ko at para mapanatili ang Great Britain ay dapat ikasal si Prince Edmund at Princess Zialliana.
At napagkasunduan ng privy council yung pangalawang option alang alang sa alaala ni Edward na siyang nagtaguyod na maging isa ang dalawang kaharian.
Wala namang problema sa akin ang pagbaba ko sa trono kasi nga naisip ko rin na kailangan ko rin ng oras para sa sarili ko.
Ngayong araw ang coronation ni Prince Edmund bilang Hari ng England.
Madami ding bisita ang nagsidatingan at marami ring nangamusta sa akin.
Sa totoo lang tanggap ko na, na wala na talaga si Edward at hinding hindi na talaga siya babalik pa. Siguro tama na yung isang taon at anim na buwan na pagluluksa ko sa kanya pero kahit ganun ay mananatili pa rin siya sa puso at isipan ko. Siya pa rin ang asawa ko at ang hari ko at hinding hindi ko siya kakalimutan.
Sumunod na araw ay lumuwas ako ng Scotland kasi nga kokoronahan na yung kapatid ko bilang susunod na Reyna ng Scotland.
Last year ay binisita ako ng kapatid ko at doon ay nakapag-usap kami ng masinsinan at humingi ng tawad sa isa't isa. She stayed with me for 2 months kaya sa loob ng dalawang buwan na yun ay naging magaan yung pakiramdam ko dahil dinadamayan ako ng kapatid ko.
At nung time na yun ay inamin niya rin sa akin na may relasyon pa rin sila ni Edmund hanggang ngayon at nagkikita lang daw sila ng patago. Noong una ay medyo nagalit ako kasi nga syempre kasal kami ni Edward at ang pangit tignan na may tinatagong relasyon ang mga kapatid namin. Ayoko naman na masira yung imahe namin sa mga tao pero kalaunan din ay tinanggap ko rin, na realize ko rin kasi na wala ng rason pa kung ipapatigil ko ang relasyon nila na hahantong rin pala sa kasalan. Atleast, they both love each other kapag ikasal na sila.
"Her Royal Highness, Princess Zialliana Duchanes of Scotoand.." address ng announcer sa kapatid ko na ngayon ay naglalakad na papunta sa altar habang suot suot yung gown niya na ako mismo ang pumili.
Napatingin si Zia sa amin ni Mommy kaya nginitian namin ito.
Nagkaroon muna ng mass bago kinorahan bilang Reyna ng Scotland ang kapatid ko.
"Zialliana Duchanes, Queen of Scotland." sabi ng Pope na siyang nangunguna sa koronasyon ng kapatid ko.
"Long live the Queen.." we said in unison, taas noo namang nakatingin si Zia sa mga tao.
Hindi naman kami nagtagal sa Scotland at lumuwas din kami sa England, minadali kasi ang pagproseso ng kasalan ni King Edmund at Queen Zialliana.

BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...