Manila, Philippines
Nandito na ako ngayon sa harap ng malapad na gate ng Mansion de Hale. Napatingin ako sa security guard na nagbabantay, iba na pala.
"Magandang Hapon po Maam " bati sa akin ng guard
"Magandang hapon din po Manong, pwede ba akong pumasok ? " sabi ko naman
"Ka anu-ano niyo po ang mga Hale Maam ? " tanong pa rin ng guard sa akin.
"Nakatira ako dito dati, ako ang ina ni Noah. Pwede ko bang makausap si Tita Soleil ? " sabi ko naman sa guard saka ito napatitig sa akin.
"Saglit lang Maam, tatawag lang po ako sa Mansion.." sabi ng guard saka pumasok sa maliit na post niya.
Ilang minuto lang ng lumabas ulit yung guard..
"Pwede na po kayong pumasok Maam, naghihintay na po sa inyo sa labas si Maam Soleil .." sabi ng guard saka pinagbuksan ako ng gate
"Salamat Manong.." sabi ko naman saka pumasok na ako dala dala yung maliit ko na maleta at sling bag ko kung saan nakalagay yung phone, wallet, ID's at passport ko.
Naglakad lang muna ako ng 10 minuto bago ako nakarating sa harap ng Mansion kung saan naghihintay si Tita Soleil sa akin sa may malapad nila na pintuan.
"Magandang Hapon po Tita .." bati ko agad kay Tita Soleil nakangiti itong lumapit sa akin saka ako niyakap.
"I'm glad you're back Zoey.." narinig ko namang bulong ni Tita Soleil sa akin saka ito bumitaw.
"I'm sorry po Tita dahil nagsinungaling ako sa inyo ni Tito Kol. " buong puso akong humingi ng tawad kay Tita
"It's ok, I understand. Ang importante ay bumalik ka.." sabi pa ni Tita saka kami pumasok na sa loob.
"Manang, pakihatid dito sa living room ang merienda ni Zoey.." sigaw naman ni Tita Soleil saka kami umupo sa sofa na magkatabi mayamaya lang ay dumating na si Manang na may dala na tray ng pagkain.
Parang hindi pa ito makapaniwala na makita ako.
"Masaya ako't nadatnan kita ulit dito Manang .." nakangiti kong sabi kay Manang, siya kasi dati yung naghahanda ng mga kakainin ko noong ipinagbubuntis ko pa si Noah.
"Hindi ka pa rin nagbabago Zoey at ang ganda mo pa rin." sabi pa ni Manang, ngumiti at nagpasalamat lang ako kay Manang saka ito bumalik na sa Kusina.
"We saw the news about last years incident in Great Britain, I'm sorry for your loss Zoey. " malungkot na sabi ni Tita sa akin.
"Salamat po Tita .." sagot ko naman hinawakan ni Tita yung mga kamay ko.
"God knows how worried we are ng mabalitaan namin ang incidenteng yun. Your husband is a great King, iniisip niya ang kapakanan ng mga tao na nasasakupan niya kaysa sa sarili niya. " sabi pa ni Tita medyo may namumuo ng luha sa mga mata ko dahil naaalala ko na naman si Edward.
"He is Tita, he really is. And I can't forget the last words that he said to me that I need to win my son's heart again. Edward is a kind hearted man, he even said to me na ipakilala namin publicly si Noah kaya lang ay tumanggi ako kasi that time ay maraming threats akong natatanggap at ayoko na madamay si Noah sa sitwasyon ko. Tita, I need your help. I need to talk to my son, please .." naiiyak na sabi ko kay Tita Soleil
"Don't worry, susubukan ko rin na kausapin sila pero sana maintindihan mo rin na hindi maganda ang pakikitungo sayo ni Noah dahil nga sa iniwan mo siya at lalong lalo na si Cohen. " nahihirapan na sabi ni Tita sa akin
"Tanggap ko naman po Tita na magagalit talaga sila sa akin pero nandito na po ako gagawin ko po yung tama, babawi ako sa anak ko sa mga oras, araw , buwan at mga taon na wala ako sa tabi niya. Kahit umabot man ng buwan o taon bago nila ako mapatawad pero pangako Tita hindi ako susuko at maghihintay ako. " sabi ko kay Tita, tumango si Tita Soleil saka ay tumingin sa relo niya.
"Baka mamaya ay nandito na sila sana maging handa ka at ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya in behalf of my son.." sabi pa ni Tita kaya tumango lang din ako.
Marami pa kaming pinag-usapan ni Tita hanggang sa makarinig kami ng magkasunod sunod na busina ng mga sasakyan kaya napatayo agad si Tita at ngumiti.
"They're here ..." sabi pa ni Tita at naglakad patungo sa may pintuan, nanatili lang muna akong nakaupo.
"Abuela ..." napatayo ako ng marinig ko ang tinig ni Noah na masaya at masiglang yumakap kay Tita Soleil
"How was your day ? " nakangiti namang tanong ni Tita sa anak ko
"Same as usual but I got lots of stars.." masigla pa nitong sagot sabay pakita sa braso niya na may mga nakatatak na stars kaya lang ay biglang nawala ang sigla at ngiti ni Noah ng mapansin niya ako.
Nag angat siya ng tingin kay Tita saka muling tumingin sa akin...
"Noah ..." naiiyak at nakangiti ko na tawag sa pangalan niya, naglakad na ako papalapit sa kanya ng biglang umatras si Noah.
"Stop, don't come near me. I don't like you, I hate you. " galit na sabi ni Noah sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad at tumulo na naman yung luha ko.
That is why Tita said na maging handa ako sa reaction ni Noah hindi ko alam na ganito pala kasakit na kamuhian ka ng anak mo.
"I'm sorry, let mommy explain everything .." iyak na sabi ko habang nakatingin pa rin ako kay Noah.
God knows how much I wanted to hug him so tight.
"No, I don't need your sorry and explanation. You left me because you don't love me." galit pa rin na sabi ni Noah sa akin napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit na.
"No Noah, I love you, I always will.." iyak ko pa rin nasagot
"No, you don't. I hate you, I hate you.." paulit ulit na sigaw nito
"What are you doing here ? " galit rin na tanong ni Cohen sa akin na kakapasok lang sa may pintuan agad itong lumapit kay Noah.
"Go to your room, susunod ako." utos pa ni Cohen kay Noah na agad namang sinunod ni Noah ng mawala na sa paningin namin si Noah ay agad na lumapit si Cohen sa akin and he grabbed my arm ..
"Ang kapal din ng mukha mong magpakita sa amin.." galit nito na sabi saka kinaladkad ako.
"Ano ba, nasasaktan ako.." sabi ko naman kasi sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"I don't care... Umalis ka at huwag kang babalik.." galit pa rin nito na sabi
"Cohen, stop that ..." saway naman ni Tita sa kanya pero hindi ito nakinig at ng nasa pintuan na kami ay binitawan niya ako saka itinulak palabas kaya bumagsak ako sa semento.
"Cohen..." sigaw pa ni Tita saka lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Sobrang lakas ng pagkatulak niya sa akin kaya sobrang lakas din ng pagkabagsak ko pero hindi ko maramdaman yung sakit mas masakit yung makita ang anak ko na kinakamuhian ako.
"Gusto ko lang naman makausap si Noah.." iyak na sabi ko kay Cohen
"Hindi ka ba makaintindi ? Ayaw ni Noah sayo kaya umalis ka na at huwag ka ng babalik pa.." galit at sigaw ni Cohen sa akin saka ito pumasok sa loob.
Humahagulhol ako ng iyak..
Pinapatahan naman ako ni Tita Soleil..
BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...