Chapter 43

2 0 0
                                    

It's been a week since I'm staying here in the Mansion de Hale. Hindi pa rin nagbabago yung pakikitungo ng mag-ama sa akin, iniiwasan nila ako na para bang hindi ako nag exist sa buhay nila.

Pero lagi namang pinapaalala sa akin ni Tita na dapat magpakatatag ako at huwag ako mawalan ng pag-asa.

Kakatapos ko lang tulungan si Tita Soleil na magtanim sa garden medyo may katandaan na rin si Tita Soleil kaya she's taking her nap now.

Hindi naman ako makatulog kaya naisipan ko na gumawa ng social media accounts wala kasi akong number sa mga kaibigan ko at lahat naman yun ay may mga account sa social media.

Gumawa ako ng Facebook at Instagram account sa phone ko syempre nilagyan ko ng profile picture.

ZoeyElle Duchanes

username : ZEMontgomery

Ng makagawa na ako ay sinimulan ko ng e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ng makagawa na ako ay sinimulan ko ng e.research yung pangalan ng mga kaibigan ko.

Kenna Alice Bree saka I add her, mag me-message na sana ako ng biglang nag pop out sa notification ko na inaccept ako ni Kenna.

"Zoey ? Is it really you ?"  -Kenna

Agad naman akong nag reply ..

"Yes, nasa Mansion de Hale ako ngayon kakauwi ko lang last week. Hindi kami in good terms ni Cohen kaya hindi ako nakahingi ng number niyo. " reply ko naman kay Kenna

"Nagkita kami ni Cohen nung isang araw hindi man lang niya binanggit na nakauwi ka na. Send mo sa akin number mo at tawagan kita since break ko naman ngayon." ani ni Kenna kaya sinend ko yung number ko agad namang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko ito.

"Zoey, sorry pala ha hindi ka namin nadamayan nung namatay yung asawa mo." ani agad ni Kenna

"It's ok Kenna, sorry din kasi sa sobrang busy ko ay hindi ko na kayo nadadalaw ulit dito sa Pinas." naiintindihan ko naman kasi nga ang layo din ng Great Britain saka ang mahal din ng pamasahe.

"Pwede ka ba mamaya ? Magpapareserve ako ng table sa Paradise sa may BGC, sabay tayong magdinner ng barkada." ani pa ni Kenna

"Sige pupunta ako.. text mo lang ako kung anong oras yung napagkasunduan ng iba.." sabi ko naman saka nagpaalam na si Kenna kasi nga ay tapos na yung break hour niya.

Wala naman din akong magawa kaya nag facebook at instagram muna ako.

Andami agad na nag friend request sa akin at tsaka message request.

Ginawa kong private yung account ko.  I'm still part of a Royal Family at hindi talaga allowed sa amin ang mga social media accounts but I only accept my friends yung kakilala ko lang talaga.

Ng maboringan na ako ay bumaba na ako para maghanda ng merienda para sa pagdating ni Noah galing sa school.

Nadatnan ko sa kitchen si Manang ...

"Anong lulutuin mo ngayon Zoey ? " tanong ni Manang sa akin

"Gagawa po ako ng carbonara .." sagot ko naman.

Agad namang inutusan ni Manang si Cynthia na apo niya na ilabas yung mga rekados sa paggawa ng carbonara.

Masaya akong nagluluto hanggang sa natapos akong magluto saktong sakto naman at nakarinig na ako ng busena ng kotse sa labas kaya hinubad ko na yung apron ko saka ako pumunta sa may pintuan at hinintay na makapasok si Noah.

Nagtatawanan si Cohen at Noah ng makita ko sila na naglalakad patungo sa gawi ko pero ng mapansin nila ako ay nawala bigla yung ngiti sa mga labi nila pero kahit ganun taas noo pa rin akong sinalubong sila.

"Noah, nagluto ako ng carbonara para merienda mo..." nakangiti kong sabi kay Noah kaya lang ay nilagpasan lang niya ako na parang hindi ako na e-exist.

Napatigil naman si Cohen sa harap ko kay nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Stop acting like you care for him.." medyo galit na sabi nito saka ako nilagpasan napayuko nalang ako at guminhawa ng malalim.

Bumalik ako sa kitchen area nadatnan ko si Cynthia na hinuhugasan yung mga ginamit ko sa pagluluto.

"Ayaw pa rin ba ? " tanong naman ni Manang sa akin na kakapasok lang din.

Malungkot akong napailing..

"Huwag kang mawalan ng pag-asa.  " ani naman ni Manang kaya tumango lang ako.

Wala naman akong magawa kaya sa may pool side nalang ako tumambay umupo ako saka inilublob ko yung mga paa ko sa tubig.

Habang naglalaro ako ng games sa phone ko ay may biglang mensahe na dumating, it's from Kenna.

Dinner @Paradise , 7pm sharp

At somehow, napangiti ako kasi makikita ko na ulit yung mga kaibigan ko.

Almost 2 years ko din silang hindi nakikita kaya excited ako.

Mga 30 minutes ko ding ibinabad yung paa ko sa pool ng magpasya akong pumasok na.

Nadatnan ko sa living room yung mag-ama at si Tita Soleil, lumapit ako kay Tita at umupo ako sa tabi nito.

"Tita, pwede po ba akong lumabas mamaya ? " tanong ko kay Tita, syempre nakakahiya na basta basta nalang ako aalis ng hindi nagpapaalam.

"Oo naman, anytime Zoey. Alam ko naman na nabo-bored ka na dito sa bahay." nakangiti namang sabi ni Tita sa akin

"Salamat po talaga Tita.  " sabi ko nalang, tumango lang si Tita napatingin ako kay Noah nag naglalaro sa PSP nito.

"Noah, natapos mo na ba yung homework mo ? " tanong ko kay Noah hindi na ako lumapit kasi nga ay aatras lang din ito.

Pero tulad kanina ay parang wala man lang narinig si Noah.

I heard Tita Soleil take a deep breath..

"Noah, tinanong ka ng Mommy.." ani naman ni Tita

"I don't have a mom, Abuela.." sagot naman agad ni Noah habang naglalaro pa rin ito.

"Yes, you have a mom. Hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung wala kang ina." mahinahon na sabi ni Tita kay Noah.

"I want Tita Yassy to be my mom.." hindi ko alam pero ng marinig ko ang sinabi ni Noah ay para akong sinaksak ng kutsilyo ng paulit-ulit.

Tita Soleil, once told me na may girlfriend daw si Cohen, Yassy ang pangalan at close na close daw yung babae kay Noah. Sa ngayon nasa US daw si Yassy at may inaasikaso na bussiness.

"Yassy is only your Tita, your father's girlfriend but Zoey is your biological mother kahit anong gawin mo hindi pa rin magbabago na si Zoey ang mommy mo." paliwanag ni Tita sa akin

"Daddy said, he will marry Tita Yassy so that Tita Yassy will be my Mommy .." seryoso namang sabi ni Noah napatingin ako kay Cohen na may binabasa na magazine.

"Is it true Cohen ? " tanong naman ni Tita kay Cohen kaya nag-angat ito ng tingin sa Mommy niya

"Yes Mom when she came back I'm planning to propose to her.." sagot naman ni Cohen hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at pighati.

"Think of it Cohen.. huwag kang magpadalos dalos sa desisyon mo." ani naman ni Tita Soleil hindi na sumagot pa si Cohen.

Nagpaalam na ako kay Tita na maghahanda na ako sa lakad ko mamaya kaya pumasok na ako sa kwarto para makapagshower na..

Naisipan ko kasi na maagang umalis since nakakawalang gana yung presensiya ko sa mag-ama.

Mukhang wala naman sioang plano na patawarin ako, duda ko kay Cohen ay brinain wash niya ng maigi si Noah para makaganti sa akin.

Kahit madami akong pagkakamali hindi pa rin magbabago na ako ang ina ni Noah.

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon