Nasa labas ako ngayon ng office ni Tito Kol nasa loob din si Tita Soleil gusto ko lang kasi na makausap yung mag-asawa syempre tinanggap nila, inaruga at pinakain.
Malaki ang utang na loob ko sa mag-asawa.
I take a deep breath saka ako kumatok after a seconds ay bumukas ito.
"Oh Zoey, come in.." nakangiti namang sabi ni Tita Soleil sa akin pumasok naman ako, napatingin si Tito Kol sa akin.
"Pwede po ba kayong dalawa makausap ? " mahinahon na sabi ko sa kanila, nagkatinginan yung mag-asawa.
"Sure, sa may sofa tayo.." sabi naman ni Tito Kol saka tumayo na at naglakad patungo sa sofa.
Naglakad din kami ni Tita patungo sa may sofa umupo si Tita sa tabi ni Tito Kol ako naman ay sa kabilang sofa kung saan kaharap ko ang mag-asawa.
"Una po sa lahat, maraming salamat po at tinanggap niyo ako sa pamilya niyo kahit hindi niyo talaga alam ang totoo kong pagkatao o di kaya'y ang magulang ko. Nandito po ako dahil gusto ko po sanang magpaalam, last week tumawag yung Mommy ko at pinapauwi niya ako. Mag li-limang taon din kasi akong nalayo sa kanila." panimula kong sabi sa kanila
"Dadalhin mo ba si Noah ? " malungkot na tanong ni Tita Soleil alam ko naman na sobrang mahal nila si Noah.
Napailing ako saka nagsimula ng tumulo yung luha ko.
"Hindi ko po pwedeng dalhin si Noah, hindi alam ng pamilya ko na may anak na ako at kapag nalaman nila hinding hindi nila tatanggapin yung anak ko and I don't want Noah to feel that. Noah deserves your family. Masakit man na malayo si Noah sa akin pero kakayanin ko, kakayanin ko." iyak pa rin nasabi ko sa harap nila
"Then, what about my son Cohen ? " seryosong tanong ni Tito Kol
"I'm not the one for your son, Tito Kol, Tita Soleil. " iyak ko pa rin nasagot, malungkot na napayuko si Tito Kol.
"Maybe I can talk to your mother just don't leave Cohen and Noah.." seryosong sabi ni Tito Kol
"I'm sorry Tito pero my mother is different. And as her daughter I need to be with her. Ilang taon din kaming nagkawalay." sabi ko naman, tumango lang si Tito Kol
"When will you leave ? " tanong naman ni Tita Soleil
"Bukas po ng madaling araw.." sagot ko naman, napa angat si Tito Kol sa akin ng tingin.
"Hindi na ba namin maiiba ang desisyon mo ? " tanong pa ni Tito Kol sa akin
"I'm sorry po Tito pero buo na po ang desisyon ko.." sagot ko naman , pumikit si Tito Kol saka tumango.
"Babalik ka pa ba ... ? " tanong pa ni Tita
"Hindi ko po alam pero Tita kung sakali pong hanapin ako ni Noah pakisabi po sa kanya na mahal na mahal ko siya at gagawa ako ng paraan magkasama kami ulit." iyak na sabi ko , napaiyak rin si Tita Soleil
"Makakaasa kang aalagaan at mamahalin namin si Noah at ikaw pa rin ang ina na kilalanin niya.." napayakap ako kay Tita Soleil ng sabihin niya yun.
Ofcourse, I want Noah to know me as her mother kahit hindi ako karapat-dapat.
Pagkatapos kong makausap si Tito Kol at Tita Soleil ay ipinasyal ko si Noah sa may park.
Mamimiss ko ang mga tawa niya, ang pagtawag niya sa akin na Mommy, yung mga halik at yakap niya. Lahat lahat mamimiss ko lahat.
Hapon na ng makauwi kami ni Noah sa Mansion, nadatnan ko sa may living room si Cohen na nakapikit na nakasandal sa sofa.
"Daddy .." tawag naman sa kanya ni Noah saka naglakad si Noah palapit kay Cohen.
BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...