Chapter 44

2 0 0
                                    

5:30 pm ng magpaalam ako sa kanila na umalis si Tita lang yung nakinig sa akin.

"Mag-ingat ka, mag text ka lang ha kung uuwi ka na ipapasundo kita sa driver.."sabi pa ni Tita sa akin, tumango lang ako saka nag thank you.

Nagpahatid ako sa family driver ng mga Hale sa may coffee shop na malapit lang din sa Paradise.

Namiss ko ring uminom ng kape sa coffee shop na ito kaya naisipan ko na dito nalang magpalipas ng oras.

Napatingin ako sa lock screen ng phone ko, it was me and Edward.

Napatingin ako sa lock screen ng phone ko, it was me and Edward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's my favorite photo of me and my husband. I admit I always miss him minsan nga kapag madaling araw ay bigla nalang ako iiyak dahil nga namiss ko siya at naalala ko yung mga pinagsamahan namin.

I love my husband at kahit kailan ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Bakit ba kasi ang daya ng tadhana ? Bakit sa dinami dami ng tao sa buong mundo bakit sa asawa ko pa ?

Pero kahit anong gawin ko alam ko naman na hinding hindi na siya babalik pa ang importante sa ngayon ay mapatawad ako ni Noah.

Siya lang yung importante sa buhay ko ngayon..

Exactly 7pm nga ng dumating sila puro kami yakapan at iyakan.
Tears of joy kasi sa wakas ay nagkabonding kami ulit.

"Sorry for your loss ..." bulong ni Miguel sa akin ng yakapin niya ako.

Hindi naman kami nagtagal sa labas at sabay sabay kaming pumasok sa loob.

May bagong menu din pala ang Paradise, latest nila ngayon ang Samgyupsal kaya yun ang napagkasunduan namin.

Actually ngayon lang din ako makakain nito ulit.

Actually ngayon lang din ako makakain nito ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon