Since wala naman akong gagawin ngayong araw, nagpasya akong ilibot si Cohen sa palasyo gaya din ng sabi ni Mommy , I should entertain my guest."This is the throne room where my coronation will be held.." sabi ko kay Cohen ng makapasok kami sa throne room.
Nilibot ni Cohen yung paningin niya sa paligid saka ito lumapit sa gilid kung saan nakadisplay yung Line of Successor.
Pinagmasdan ko lang siya habang iniisa isa niyang tingnan at basahin ang mga larawan na naka frame.
Napalingon ako sa likuran ko naabutan kong napatitig sa akin ang kapatid ko.
I was going to approach her ng inirapan ako at tumuloy ito sa paglalakad.
Bumuntong hininga nalang ako...
"Ok ka lang ba ? " biglang tanong sa akin ni Cohen hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
"Naiinis lang ako sa kapatid ko ..." sabi ko naman saka nagsimula na kaming maglakad at kapag may nakakasalubong kami ay nagbobow ito sa akin.
"Napansin ko nga.. hindi kayo close .." sabi naman ni Cohen
"Oo nga eh, she never treated me as her sister, naiingit nga ako sa inyo ng mga kapatid mo sobrang close niyo. " sabi ko naman kay Cohen sabay tingin sa kanya
"Let me talk to your sister .." sabi naman ni Cohen, pilit akong ngumiti
"Huwag na, hindi naman nakikinig iyon..." sagot ko naman pero kung matigas yung kapatid ko mas matigas din ang ulo ni Cohen.
"Let me try .." pilit pa nitong sabi kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang.
Lahat ng invitation card para sa coronation ko ay naipadala na lahat kabilang na sa mga kaibigan ko and Quinton also.
Nakaready na din yung plane na gagamitin para sunduin yung mga kaibigan ko.
Nakaready na din yung susuotin ko lalo na yung mga katiwala ng palasyo busying busy sa pagdedesinyo sa throne room.
Queen Meridith's secretary is the one who handled everything for my coronation.
"Thank you, Lord Lincoln.." sabi ko sa secretary ni Mommy
"It's my pleasure , your highness.." magalang naman nitong sagot tumango lang ako saka umalis na ito.
Napatingin ako sa paligid kasi hinahanap ng mata ko si Cohen kaninang umaga ko pa kasi yun hindi nakita.
Sakto naman at nakita ko si Kalem sa may hallway kausap yung ibang mga companion niya kaya lumapit ako.
"Kalem.." tawag ko agad ng makalapit ako, agad namang napatigil sa pag-uusap yung mga guards saka sabay na nagbow sa harapan ko.
"Your highness.." sabi naman ni Kalem saka niya pinaalis muna yung mga kausap niya
"Have you seen my friend ? " tanong ko naman agad ng kami nalang dalawa
"He is in the ranch with Princess Zialliana ..." pormal naman nasagot ni Kalem
"Ok, thank you .." sabi ko lang saka nilagpasan ko na si Kalem, pupuntahan ko sana sila ng harangin ako ni Philip, Lord Chancellor of Scotland.
"Your highness, the privy council is gathered in the meeting room right now with the vatican and they want you there .." sabi agad ng Lord Chancellor, wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kanya sa meeting room.
Natahimik at napatayo lahat ng pumasok kami.
One of the Lord's guide me a seat malapit sa Reyna.
As soon as I sit down, nagsimula na yung meeting.
"8 years ago, you studied about the realm finances of Scotland, I pressumed you still know that .." sabi ng vatican sa akin, seryoso naman akong tumango
"Yes, reverend . Realm finances of Scots it's one of the important thing that a Queen knows. " magalang ko naman na sagot
"You should also know that Scotland stays Catholic religion no matter what. You shouldn't allow the Protestants to have a reason to steal your soon to be throne. Whatever Scotland wants and needs the Rome will always find a way to support so you must rule in peace. " sabi pa ng reverend sa akin, tumango naman ako.
Madami pa silang mga leksyon na tinuro sa akin at buong puso akong nakinig at inintindi ang lahat ng 'yun.
Nagtagal din ng apat na oras yung meeting kaya madilim na ng makalabas ako sa meeting room.
"Your highness, your dinner is ready." salubong naman sa akin ng isa sa mga lady servant ko kaya tumango lang ako saka tinungo yung Dining area napatigil ako ng makita ko si Cohen at Zia na masayang nagkwe-kwentuhan habang kumakain.
Agad naman akong napansin ni Cohen kaya agad itong napatayo.
"Join us, your Highness .." sabi pa ni Cohen, pilit ko itong nginitian saka ako napatingin sa mga lady servant.
"Kindly please, bring my dinner at my chamber .." sabi ko sa kanila tumango naman yung mga katiwala ko, tumingin muna ako kay Cohen saka ako umalis sa dining area at naglakad patungo sa chamber ko.
Pagpasok ko pa lang sa chamber ko ay dumapa agad akong humiga sa kama.
Hindi ko alam pero nakakapagod din pala na umupo ng apat na oras sa meeting room.Narinig ko naman na bumukas yung pintuan ng chamber ko and it must be my ladies.
"Just put my dinner in my table and you can leave.." sabi ko naman saka ako pumikit, narinig ko naman na nagpaalam ito saka lumabas na.
Mayamaya lang ay narinig ko na bumukas yung pintuan saka sumirado ulit.
Pagod ako para tingnan kung sino yung pumasok.
"You should eat, Zoey.." napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Cohen kahit pagod ay pinilit ko pa ring bumangon saka umupo sa kama.
Agad namang lumapit si Cohen sakin habang dala dala yung silver tray kung nasaan yung hapunan ko.
Inilapag ni Cohen yung tray sa harapan ko."You should eat o gusto mo ako magpapakain sayo.." sabi pa ni Cohen, napahawak ako sa mukha nito at hinahaplos haplos ko ito, napapikit naman si Cohen dahil sa ginawa ko.
"Hindi ako nagsisisi at nakilala kita." sabi ko sa kanya na naging dahilan kung bakit napadilat si Cohen
"Isa ka sa magagandang nangyari sa buhay ko at hinding hindi kita kakalimutan." dagdag ko pang sabi kay Cohen saka hinawakan ni Cohen yung kamay ko at hinalikan ito.
Inilipat ni Cohen yung tray sa may bedside table ko saka ito mas lumapit pa sa akin ng upo.
"I still have days para makasama ka after I crown as a Queen of Scots everything for me will be changed. Hinding hindi na ako yung Zoey na nakilala mo, Cohen.." seryosong sabi ko sa kanya
"Don't say like that hindi pa rin ako uuwi kapag hindi kita kasama.." seryoso namang sabi nito
"Cohen, please.. You know that I can't, I'm about to become a Queen and I need to set aside my feelings and that includes you.." lumungkot yung mukha ni Cohen ng sabihin ko sa kanya ang mga katagang 'yun.
"Cohen, I love you and I really do but you need to understand that I can't be with you." seryoso ko pa ring sabi sa kanya
Hinawakan ni Cohen yung mga kamay ko saka ito pinilit na ngumiti sa harap ko.
"Huwag muna nating pag-usapan 'yan." mahinahon naman nitong sabi kaya tumango ako saka yumakap ako sa kanya.
It feels like home whenever he's beside me...
"I love you, ikaw lang ang babaeng tangi kong mamahalin .." narinig kong bulong ni Cohen sa akin saka hinalikan niya ako sa noo.
Mas hinigpitan ko yung pagyakap kay Cohen.
I'm going to miss him so bad kaya hindi na ako nagpakipot pa ng ayain ako ni Cohen na magtalik kami.
This is between now or never .
BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...