Kabuwanan ko ngayon at sobrang laki na ng tiyan ko kaya sobrang tagal kong makalakad.
Excited ako kasi malalaman ko na yung gender ng baby ko, gusto ko kasi na surprise eh.
Always ready na din yung Doctor na magc-cs sa akin.
Yes, I prefer cesarean. One of the reason because hindi ako marunong umire kasi I'm just only a teenager at natatakot ako kaya mas mabuti ng magcesarean nalang ako.
Nakahanda na rin yung mga gamit ko at gamit ni Baby na dadalhin namin incase na maglalabor na ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo Zoey ? " tanong ni Tita Soleil sa akin ng nadatnan niya ako sa living room.
"Ok po naman Tita .." sagot ko naman, umupo si Tita sa tabi ko at hinawakan yung umbok ng tiyan ko.
"Nakakamiss din ang feeling na maging buntis ."nakangiting sabi ni Tita habang hinahaplos niya yung tiyan ko.
"Namangha ako sayo Tita kasi nakaya mong alagaan ang mga anak mo kahit hindi naman magkalayo ang mga agwat nila. " sabi ko kay Tita, napangiti naman si Tita
"Taking care of them is the biggest achievement of my life Zoey. Kung ano man ang naranasan niyo ni Cohen ngayon mas masaklap yung sa amin. Iniwan ko ang tito Kol mo noon akala ko kasi yun ang makabubuti sa kanya syempre natakot din ako hindi ko alam na nagdadalang tao na pala ako noon at yun ay si Derek, mag a-apat na taon na si Derek noon ng makita't makasama niya yung Daddy niya, marami pang dumaan na pagsubok bago kami nagkabalikan ng Tito Kol mo at sa puntong yun ay dumating si Quinton sa buhay namin, pitong buwan pa lang si Quinton noon ng masundan siya ni Knoxx pero hindi ako nagsisisi kasi mas lalong tumibay yung pamilya namin after 2 years sumubok ulit kami nagbabasakali na mabiyayaan kami ng babaeng anak but it's Cohen, masaya pa rin kami at tanggap namin ni Kol na puro lalaki yung mga anak namin, oo mahirap alagaan ang apat kasi nga sobrang napakakulit lalong lalo na si Quinton at Cohen. Kaya kung ano man ang problema niyo ni Cohen magiging maayos din kayo just give him time to adjust. " nakangiti namang kwento sa akin ni Tita
"Sige po Tita, salamat..." sabi ko naman, hinahaplos ni Tita yung tiyan ko.
"Sana Tita maging babae yung anak namin ni Cohen ." dagdag ko pang sabi
"Sana nga pero boy or girl, ok lang sa amin ng Tito mo. Mamahalin at aalagaan namin ang una naming apo." sabi pa ni Tita kaya napngiti ako saka nagyakapan kami ni Tita.
Napansin ko naman na nakatitig si Cohen sa amin kaya lang ng mahuli ko siyang nakatingin sa amin ay bigla nalang itong umiwas ng tingin.
Anong oras na pero hindi pa rin kumakain si Cohen ng pananghalian kaya na isipan ko na puntahan ito sa kwarto niya.
Hindi na ako kumatok pa, binuksan ko lang ang pintuan saka nadatnan ko si Cohen na may binabasa ng mapansin niya ako ay agad niya itong itinago sa ilalim ng unan niya .
"Anong oras na hindi ka pa kumakain ng pananghalian.." sabi ko agad sabay lapit kay Cohen umupo ako sa kama paharap sa kanya.
"Hindi ako gutom. Ikaw kumain ka na ba ? " tanong pa nito sakin
"Oo, pero light lang bawal na kasi akong kumain ng marami sabi ng Doctor. " sagot ko naman, tumango lang si Cohen saka humiga ito sa kama.
"Matutulog lang muna ako.." sabi niya pa saka tinalikuran ako.
Hindi ko gusto na lalabas yung baby ko tapos nag-aaway kami ng Daddy niya...
Humiga ako sa tabi ni Cohen saka niyakap ko ito from behind ..
"Don't make this hard for me Cohen. We're about to become a parents, ayoko na nagtatampo ka sa akin. Please, huwag muna akong iwasan.." sabi ko kay Cohen agad naman itong humarap sa akin
"Then Marry me .." hindi ako makasagot sa sinabi nito.
"I want us to be a family Zoey, a real family. I want my baby to bare my last name and I want you too to be a Hale. Ilang months nalang at gra-graduate na ako Zoey, may nakahanda ng posisyon sa akin sa kompanya. I'll work hard hindi na ako aasa sa parents ko. I'll be a better father and a husband to you if you marry me. " seryosong sabi ni Cohen napahawak ako sa mukha nito.
"I can't ... " naiiyak na sabi ko kay Cohen
"But why ? I don't understand .." sabi pa ni Cohen .
"Because I'm not ready Cohen, I'm just a teenager, I need to finish my study first. Please don't pressure me in that marriage you asked for. " malungkot na sabi ko kay Cohen
"Then I will wait until you are ready ..." seryoso namang sabi nito wala akong nagawa kundi ang tumango kahit wala namang kasiguraduhan.
Cohen and I just cuddled hanggang sa makatulog kami.
Nagising lang kami ng gisingin kami ni Tita para kumain na ng hapunan.
Masaya naman si Tita ng malaman niya na nagkaayos na kami ni Cohen.
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Cohen patungo sa Dining area kung saan naghihintay yung mga pamilya niya.
Napangiti ako ng makita na kumpleto yung magkakapatid at syempre nandito rin ang fiance ni Derek na si Alexandra.
"Ba't ang saya mo yata Cohen ? " agad namang sabi ni Knoxx kaya napatingin ako kay Cohen ang lapad ng ngiti nito kaya napatawa ako ng mahina.
"Naka score siguro .." sabi naman ni Quinton at nakipag appear pa kay Knoxx.
"Tumigil nga kayong dalawa .." sambit naman agad ni Derek, napatingin ako kay Alexandra napangiti ito.
Inaaalayan naman ako ni Cohen na makaupo bago siya tumabi sa akin ng upo. At yun ay nagsimula na kaming kumain.
Puro kompanya lang ang pinag-uusapan nila. Madali lang akong natapos kumain kasi nga limit lang ang pagkain na kinakain ko mas more on liquid ako ngayon.
Maaga kaming dalawa ni Cohen na nagpahinga parang nakulangan kami sa tulog namin kaninang hapon.
3:18 am ng magising ako dahil humihilab yung tiyan ko. Naglakad ako ng pabalik balik sa loob ng kwarto namin ni Cohen.
I inhale and exhale nawawala kasi yung sakit pero after a minutes ay bumabalik ito.
Kahit naka on yung aircon ay pinagpapawisan ako.
"Zoey, ok ka lang ba ? " napalingon ako kay Cohen ng magsalita ito
"Sorry, nagising ba kita ? " sabi ko naman agad na bumangon si Cohen saka nilapitan ako.
"May masakit ba sayo ? " nag-aalalang tanong nito
"Masakit lang ang tiyan ko.." nahihirapan ko naman na sabi agad namang nagbihis si Cohen ng pants niya at saka damit.
"Gigisingin ko lang si Mommy mukhang manganganak ka na." kalmado namang sabi ni Cohen saka lumabas ito.
Napahawak ako sa may mesa ng mas sumakit ito.
"Oh god Zoey, sobrang sakit na ba ? " napatingin ako sa may pintuan, it was Alexandra nakaroba itong tumakbong papalapit sa akin nasa likod naman niya si Derek.
"Kaya ko pa naman.." sagot ko lang saka kumapit ako ng mahigpit sa mesa, iniaalayan naman ako ni Alexandra.
"Ihahanda ko lang yung kotse .." sabi naman ni Derek saka umalis na ito.
Agad namang dumating si Quinton at Knoxx na nag-aalala yung mga mukha.
"Pakihawakan muna siya, magbibihis lang ako. Sasama ako sa hospital ." sabi pa ni Alexandra agad namang lumapit yung dalawa sa akin.
"Take a deep breath Zoey.. " sabi pa ni Knoxx tumango naman ako.
Mayamaya lang ay nakabalik na si Cohen kasama si Tita at Tito.
"I already called the doctor, naka ready na yung labor room for Cesarean section.. " sabi naman ni Tita
"Kaya mo bang maglakad pababa ? " alalang tanong sa akin ni Cohen, tumango naman ako.
Bumalik naman si Alexandra na nakabihis na...
"Yung gamit namin ni Baby .. " sabi ko kinuha naman ito ni Alex saka tinulungan siya ni Knoxx.
Si Cohen naman at Quinton yung umalalay sa akin pababa kung saan yung kotse na hinanda ni Derek.

BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
Storie d'amorePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...