Chapter 50

1 0 0
                                    

Today it's Tito Kol's birthday at nandito kami ngayon sa Cebu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Today it's Tito Kol's birthday at nandito kami ngayon sa Cebu.
Buti nalang at hindi isinama ni Cohen si Cynthia
Meron kasi silang vacation house dito at saka may malawak din silang lupain na maraming tanim na iba't-ibang klase ng gulay at prutas pero mas malawak yung sa amin sa Scotland.

Kahapon lang kami dumating na meet ko na rin yung dalawa pang kapatid ni Tita Soleil, si Tita Selena at Tito Skandar pati na ang mga anak nito na pinsan nila Cohen.

Sa may bakuran nakahanda yung mga handa para sa birthday ni Tito, gusto ko sanang tumulong kaso lang ay masama ang pakiramdam ko noong isang araw ko pa ito nararamdaman ayoko sana na sumama kaya lang ay nagpumilit si Tito Kol ayaw niya kasi na maiwan ako sa Mansion dahil wala akong makakasama.

Dumating rin ang parents ni Kenny kanina at kamukhang kamukha siya sa Daddy niya, mababait naman ang mga ito.

Nasa may guest room ako ngayon kanina pa ako nakahiga sa kama wala kasi akong gana na gumalaw galaw o di kayay lumabas ang gusto ko lang ay humiga ng buong magdamag.

Minamasahe ko yung ulo ko ng biglang bumukas yung pintuan kaya napatingin agad ako doon.

It's Cohen ...

Kaya agad kong itinakip yung kumot sa mukha ko at saka ako gumilid ng higa.

Hindi ko alam pero simula noong masama yung pakiramdam ko ay parang lagi akong naiinis sa kanya.

"Pinapatanong ni Mommy kung gusto mo bang magpatingin sa Doctor ngayon ? Diyan lang daw sa may health center. " narinig kong sabi nito

"Hindi, huwag na.. gagaling rin ako. " sagot ko naman habang nakatakip pa rin sa buong katawan ko ang kumot.

Naramdaman kung humiga ito sa tabi ko kaya hindi gumalaw.

"Sasamahan nalang kita kung ganoon.." narinig ko pang sabi nito, hindi ako sumagot naiinitan na ako kaya tinanggal ko na yung kumot sa pagkakatakip sa mukha ko saka ako tumagilid paharap kay Cohen na ngayon ay nakapikit.

Hinawakan ko ang mukha nito kaya napadilat ito at tumagilid ng higa paharap sa akin.

"Kailan ba ako papatawarin ni Noah ?" tanong ko kay Cohen agad namang hinawakan ni Cohen yung kamay ko.

"Sana naman ay matanggap na niya ako bilang ina niya, inaamin ko sa tuwing nakikita ko si Noah at si Cynthia ay nagseselos ako. Sinubukan ko naman eh pero hanggang ngayon ayaw niya pa rin akong patawarin. Hindi ko alam kung makakaya ko pa o babalik nalang ako sa pinanggalingan ko mukhang ayaw niya naman akong kasama. " naiiyak na dagdag kong sabi sa kanya hindi pa rin kumibo si Cohen nakatitig lang ito sa akin

"Eh , ikaw ba ? Napatawad mo na ba ako ? " mahinang tanong ko ss kanya sabay tulo ng luha ko.

Hindi ito sumagot sa halip ay bumangon ito at tumayo saka lumabas sa kwarto at iniwan ako.

Sunod sunod na tumulo yung luha ko, sobrang hirap ko ba talagang patawarin ?



It's been two months since nakauwi na kami galing sa Cebu hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong patawarin ng dalawa.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Wala na rin kasi akong kakampi sa mansion kasi bumalik na sa States si Mamita at si Kenny.

Nandito ngayon sina Quinton at Knoxx kasama yung mga fiance nila syempre bumibisita sila kay Tito Kol at Tita Soleil.

Na we-weirduhan din ako kay Cohen simula noong lagi akong binibisita ni Leight dito sa Mansion ay parati nalang itong galit sa akin, hindi naman ako nangingialam sa kanila ni Cynthia.

I have two charities na pinupuntahan every weekends kasi nabo-bored na rin ako sa bahay. Yung isang charity ay collaboration kami ni Leight. Since Edward died kasi lahat ng naiwan na ari-arian niya ay iniwan niya sa akin at sa pamilya niya. Yung sa parte ko ay naisipan ko na i.donate nalang sa mga charities, meron din kasi akong own money eh, since nag-e.invest naman ako at tsaka may 25% din ako sa lahat ng negosyo namin sa Scotland kaya ok lang na hindi na ako magtrabaho pa hanggang sa tumanda ako. Nagpagawa din ako ng isang cash card para kay Noah at makukuha lang niya ito kapag nasa labing walong taon na siya.

Pagkarating ko sa dining area ay ako nalang pala ang hinintay ng lahat kaya bumati ako sa lahat saka umupo na sa tabi ni Noah.

Nagdasal muna kami bago kumain..

Hindi ko gusto yung amoy sa mga pagkain kaya napatakip ako sa bibig ko agad namang napatingin si Zarri sa akin.

"Ok ka lang ? " tanong nito kaya tinanggal ko yung kamay ko saka tinanguan si Zarri

Kaunting rice lang yung kinuha ko saka isang fried chicken ng matapos na ko ng kainin yun ay uminom na ako ng tubig saka ay tumayo na napatingin naman sila sa akin.

"Mauuna na po ako, busog na po kasi ako.." sabi ko sa kanila

"Sobrang kunti lang ng kinain mo, umupo ka at kumain ka ulit .." utos pa ni Cohen sa akin hindi ako nakinig saka ay naglakad na ako palabas ng dining area, kakalabas ko lang ng may humablot sa braso ko.

"Ano ba ... ? Hindi ka ba makaintindi ? Sinabi ng busog ako, gusto mo spellingin ko pa ? " naiinis na sigaw ko kay Cohen

"Huwag na huwag mo akong sisigawan, nasa puder kita .." galit pa nito na sabi sa akin saka higpit na hinawakan yung braso ko

"Pwess, aalis ako ! " sigaw ko naman na sabi sa kanya, nanlilisik sa galit si Cohen sa akin

"Sige umalis ka, diyan ka naman magaling. Iiwan mo na naman kami , iiwan mo na naman si Noah.." galit na sabi nito saka ako itinulak kaya bumagsak ako sa sahig.

Napahawak ako sa tiyan ko kasi may nararamdaman akong sakit, napatingin ako sa may legs ko, I saw blood.

Nag-angat ako ng tingin kay Cohen saka ito napatingin sa may legs ko , umiyak na ako dahil sa sakit.

"Mom, Dad .." narinig kong sigaw ni Cohen, napayuko ako dahil sa kakaiyak agad akong dinaluhan ni Cohen.

"Oh God, I'm sorry, I didn't know.." sabi nito hindi ko siya kinibuan, nagsilapitan naman sila lahat sa amin.

"What did you do ? " narinig kong sigaw ni Tito Kol kay Cohen

"Let's take her to the hospital.." agad namang sabi ni Zarri, si Knoxx na yung bumuhat sa akin.

"Stay awake Zoey, don't close your eyes .." laging paalala ni Zarri sa akin nasa tabi ko kasi siya, si Quinton yung nagmaneho sa kotse.

"Zarri, hindi ko alam.." naiiyak na sabi ko kay Zarri

"Sshhhh don't cry too much let's just hope na walang mangyaring masama sa baby mo." sabi ni Zarri sa akin

Pinupunasan naman ni Sofia yung luha ko.

"Nakasunod lang sila Dad sa atin.." narinig kong sabi ni Knoxx kay Quinton.

Pagdating sa hospital ay dinala agad ako sa emergency room. Family doctor agad ng mga Hale ang dumalo sa akin.

"Please save my baby .." iyak na sabi ko sa Doctor

"I will do the best that I can.." sabi naman ng Doctor kaya medyo nakahinga ako ng magaan.

Hindi ko talaga alam na buntis ako, kung alam ko lang sana nag-ingat ako sa mga pinanggagawa ko.

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon