Madaling araw na pero sobrang hot at napaka energetic pa rin ng mga tao.
Ako nga ay hindi ko na mabilang kung ilang cups na ng beer yung naubos ko.
Sumasali ako sa sayawan ng mga kaibigan ko pero dahan dahan lang akong gumalaw kasi nga kahit naghilom na yung sugat ko sa labas ng katawan I know deep inside ay hindi pa magaling.
Nagsayawan din kami ni Cohen at nasisiguro ko na medyo tinamaan na sa kalasingan si Cohen dahil sa sobrang dami rin ng nainom nito.
"I love you Zoey .." bulong pa nito habang nagsasayawan kami.
"I love you more Cohen.." malambing ko naman nasabi saka naghalikan kami ni Cohen, napabitaw lang kami sa isa't isa ng lumapit si Quinton sa amin at binigyan pa kami ng beer tinanggap naman namin ito .
Kinabukasan ay hapon na ng magising ako wala na si Cohen sa tabi ko suka ako ng suka sa loob ng banyo dahil nga sa dami nga ng nainom ko. Kagabi lang ako nakainom ulit ng marami kaya tinamaan talaga ako.
Nasa ganoon ako na posisyon ng maabutan ako ni Cohen agad niya akong nilapitan saka inilalayan na makatayo.
"My head hurts so bad.." sabi ko kay Cohen, kumapit pa talaga ako kay Cohen dahil para akong nawalan ng lakas mg sumuka ako.
"You need to take a shower para mahimasmasan ka... " sabi pa ni Cohen
"I can't, wala akong lakas .." sagot ko naman sobrang hina talaga ng katawan ko at sobrang sakit din ng ulo ko parang mabibiyak.
"Umiikot yung paligid ko.." dagdag ko pang sabi kaya mas lalong humigpit yung paghawak ni Cohen sa akin
"Let me shower you .." sabi pa nito at yun nga pinaliguan niya ako at tinulungan niya pa akong bihisan yung sarili ko.
"Si Noah ? " tanong ko kay Cohen ng biboblower niya yung buhok ko.
"Na kay Zarriyah at Knoxx pinasyal muna nila saglit.." sabi pa ni Cohen tumango lang ako.
Pati sa pagbaba ay naka alalay pa rin si Cohen sa akin, nadatnan namin si Quinton , Kennedy at Tita Soleil sa may living room.
"You still look so wasted kahit bagong ligo ka.." sabi pa ni Quinton sa akin at tawang tawa pa ito, inirapan ko ito.
Si Kennedy naman ay minamasahe ni Tita Soleil yung ulo niya. Hang over din ..
Pinaupo ako ni Cohen sa may sofa.
"Anong gusto mong kainin ? " tanong pa nito sa akin, umiiling ako agad
"Ayoko kumain, isusuka ko lang. " sabi ko kay Cohen tumango lang ito.
Agad namang inilapag ni Quinton yung dalawang aspirin at tubig.
"Drink that para mawala ang hangover mo .." sabi pa ni Quinton kaya sinunod ko agad ang sinabi niya tumabi si Cohen sa akin at minamasahe niya ulo ko mukhang effective naman kaya humiga ako sa lap nito.
Mayamaya lang ng umepektibo ang gamot na ininom ko ay parang nahimasmasan ako, bumangon ako sa pagkakahiga ng dumating na sina Zarri at Knoxx kasama yung Noah ko.
"Oh, my baby .." sabi ko agad namang ibinigay sa akin ni Zarri yung anak ko.
"I'm so sorry baby, hindi kita naasikaso kanina.." sabi ko naman kay Noah saka hinalikan ko ito sa noo.
"Zoey, before you breastfeed Noah, magpump ka muna para makalabas yung mga alak na nahalo sa gatas mo." paalala naman ni Tita Soleil sa akin
"Sure Tita, salamat sa paalala.." sabi ko naman, tumango lang si Tita Soleil kaya mukhang pagod yung baby ko dahil nakatulog agad ito sa mga bisig ko.
Inilagay ko na si Noah sa crib nito para makatulog ng mahigpit saka ako muling umupo sa tabi ni Cohen at hinalikan ko ito sa pisngi kaya parang kinilig ito.
"Yung supresa mo sa akin, hindi mo nagawa kagabi .." bulong pa nito saka inakbayan ako papalapit sa kanya, napangiti naman ako ng maalala ko yun.
"Mamayang gabi nalang bago tayo matulog.." bulong ko naman pabalik kay Cohen kaya lumapad ang ngiti nito saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Nasa ganoon kaming posisyon ng bumalik si Quinton galing sa kwarto niya at may bitbit na USB.
"Alam niyo ba kung anong nangyari kagabi ? " nakangiti pa nitong tanong sa amin.
Nagkatinginan kami ni Cohen saka ito umiling.
"Quinton set up a cctv camera every corner yesterday kaya lahat ng nangyari sa party kagabi ay kuha ng cctv .." paliwanag naman ni Knoxx saka ito umupo sa tabi ni Zarri.
"At ngayon gusto ko na panoorin niyo ang mga kababalaghang nangyari kagabi .." sabi pa ni Quinton saka isinaksak niya yung usb sa flat screen tv at may pinindot pa siya at yun nga nagsimula yung video sa laro na beerpong.
Tawang-tawa pa rin kami ng tawa, nung si Kennedy na yung gumawa ng twist ay agad itong nagtakip ng unan sa mukha.
"Definetly Tita Kendall would love to watch this .." asar pa ni Quinton kay Kennedy
"Shup ut Quint, whatever happened last night no one will know.." sabi pa ni Cohen agad namang tinanggal ni Kennedy yung unan sa mukha niya saka tumingin kay Cohen
"Totoo ba ang narinig ko ? Pinagtanggol mo ako ? What a Miracle ! " hindi makapaniwalang sabi ni Kennedy kay Cohen
"Oh come'n ! Shut up ! " sabi pa ni Cohen saka binato niya si Kennedy ng isa pang unan nakita naman ito ni Tita Soleil kaya pinagsabihan niya si Cohen.
Tawa kami ng tawa ng makita ko sa tv kung gaano kagaling sumayaw ni Cohen kagabi. At kung gaano rin ka obvious na kinilig ako.
Nanlaki din yung mata ko ng makita ko sa video na nakikipaghalikan si Kennedy kay Jack sa bandang gilid ng garden.
"You shit .." sambit naman agad ni Kennedy
"Akala mo hindi nakuha ng camera ko ? May pang blackmailed na ako sayo.." sabi pa ni Quinton, inis na inis at hiyang hiya naman si Kennedy.
Nakita rin sa video yung nagsasayawan kami lahat, kapartner ko si Cohen at mukhang lasing na lasing na kami.
Nakafocus sa amin yung camera kaya kitang kita kami ni Cohen pati na yung mga kaibigan ko.
Nabigla ako ng bigla nalang akong bumulagta sa sahig.
Napatingin ako kay Cohen..
"Did I just passed out ? " tanong ko kay Cohen, tumango naman ito saka tumawa.
"Holy crap ! My god nakakahiya ! " sabi ko sabay takip ko sa mukha ko
"Don't be Zoey, hindi lang ikaw." sabi naman ni Knoxx kaya napatingin ulit ako sa video kung saan lasing lasing si Kennedy saka bigla itong tumalon sa pool.
"And now that's definetly a wrap ! " natatawa pang sabi ni Quinton saka nag high five pa sila ni Knoxx, napansin ko naman na tumayo si Kennedy saka biglang sinabunutan si Quinton.
"You shit Quint. Hiyang hiya na ako.." inis na inis na sabi ni Kenny saka mas hinila niya pa yung buhok ni Quintin na tawang tawa pa rin.
Napatigil naman sila ng dumating si Mamita.
"Anong bang nangyayari sa inyo ? " tanong ni Mamita sa kanila
"Nothing Mamita, naglalaro lang kami.." sabi naman ni Quint
"Hindi na kayo bata para maglaro ang tatanda niyo na." sabi naman ni Mamita sa dalawa.
"Sorry, Mamita.." they said in unison
"Kenny dear, your mother called me hindi mo daw sinasagot yung tawag niya. " sabi pa ni Mamita kay Kennedy
"I forgot to bring my phone with me.." paliwanag naman ni Kenny saka ipinakuha niya sa katulong yung phone niya sa guest room na tinutulugan niya.
"And now, where's my great grandson ? May pasalubong ako sa kanya.." masigla namang sabi ni Mamita masaya akong makita na mahal na mahal nila yung anak ko.

BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...