Chapter 04

196 7 1
                                    


• Danrix's POV 


This is it again! Pasukan nanaman, hindi naman sa tinatamad ako pero, college na kasi ako kaya kinakabahan ako. I don't know what to expect sa college kaya kailangan ko na mag-aral ng todo.


After ko maligo at magbihis, bumaba na ako kaagad para mag-breakfast.


"Good morning Mom, where's Dad?" I asked my Mom nang makita siya sa kitchen.


"Good morning anak, your Dad left na kanina pa for work. Let's eat na tatawagin ko lang kapatid mo." my Mom answered.


After we ate breakfast, umalis narin ako kaagad kasi baka malate ako sa usapan namin ng tropa.


[ Collin Calling... ]

"Oh?" sagot ko kaagad.


[Hoy! Nasaan ka na?] sermon niya kaagad sa kabilang linya.


"Putcha I'm driving pre! Malapit na ako, ibaba mo na!" sigaw ko nang biglang mag go signal 'yung traffic light.


Pagkarating ko sa parking lot, marami ng mga sasakyan ang naka-park. Hinanap ko sila Collin kasi may usapan kaming lahat na sabay-sabay kami papasok. Gladly, may sarili kaming parking space so hindi kami nahihirapang mag-park. Nakasandal silang tatlo sa kanya kanyang sasakyan ng bumaba ako pagkatapos mag-park.


"Grabe pre! Walang kupas ah, late parin!" bungad ni Winston kaagad sa akin habang pinapaikot pa 'yung susi niya sa daliri.


"Traffic kasi diba?" masungit na sabi ko.


"Tara na oy, lilibre mo kami Danrix kasi hinintay ka namin pre." sabat naman ni Paul. Demanding amputa!


"Oo nga! Sinigawan mo pa ako sa tawag, peltukan kita diyan, e!" dagdag pa ni Collin. Arte.


"Oo na! Dami ninyong sabat." sagot ko nalang bago pindutin ang button ng susi ko .


Habang papasok kami sa main gate ng LMU, hindi na kami nagulat kung madami na namang magbubulungan tungkol sa amin habang papasok sa loob. Medyo nabigla lang ako kasi hindi ko inaasahang mas madami pala dito sa building ng college kaysa sa building namin sa senior high dati. Ngingitian ko nalang sila, para naman maganda impressions.


"Ako talaga ang gwapo mga pare. Tanggapin niyo na lang." bulong samin ni Collin habang naglalakad sa pathway.


"Matindi 'to men! Baka magka-jowa na ako dito!" pa bulong na sigaw ni Winston na hindi ko naman alam kung pa bulong pa ba iyon o hindi, kasi parang may nakarinig. 


"Ako Winston pwede ako! I love you!" sigaw ng babae nang medyo nakalayo na kami. Agad namang na asar ang gunggong! Sigaw ka pa ah!

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon