• Danrix's POV •
"Tsk, sabi ko naman sa 'yo eh! Tignan mo, halos parehas kami ng sinasabi ni Cole? Tsk, ang sa akin lang kasi, 'wag ka magpakatanga d'yan, obvious na pre! Tsk, eh ikaw na rin naman nagsabi mula d'yan sa bunganga mo na hindi mo siya kayang makitang may kasamang iba, diba? Tama ba? Sagutin mo ako!" tapik niya sa akin sa balikat .
"Tsk, oo nga." masungit na sabi ko.
"See? Edi inamin mo rin." iiling-iling na sagot niya habang tumutungga ng beer.
"Pero hindi ko alam kung pano nangyari 'yun pre. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko naramdaman 'yun nung makita ko siyang kasama si Janris. Nakakaasar!" asar na sabi ko kay Collin.
"Alam ko kung bakit." sagot n'ya kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Simple lang pre, kasi nga nasanay ka."
"Eh paanong nasanay nga kasi?" inis na tanong ko sa kan'ya.
"P*ta guardian angel, pigilan mo akong sakalin 'tong kaibigan ko." mahinang bulong niya kaya sininghalan ko siya.
"Alam mo Collin, wala ka ring kwenta kausap eh." inis na sabi ko sa kan'ya.
"Pre, seryoso na ako! Dep*ta ka kasi! Paanong nasanay? Ganito lang 'yun pre, nasanay ka kasing sa tuwing makikita mo si Saella, s'ya lang mag-isa, 'yung tipong mapapansin ka agad n'ya? Nasanay ka kasing walang ibang lalaki sa paligid n'ya maliban sa atin, nasanay ka kasing ikaw ang nand'yan sa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng tulong o 'di kaya malungkot siya. In short, nasanay ka sa kan'ya. Nasanay ka na sa kan'ya dahil panatag ka na kaagad kasama siya. Tama ba ako?" tanong ulit niya.Oo, tama nga si Collin. Bakit napansin niya 'yun samantalang ako? Hindi ko man lang napansin!
"Oo, pero pano nangyari 'yun?" mahinang tanong ko sa kan'ya.
"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Try mo itanong sa sarili mo kung bakit nauwi ka sa gan'yan. Kung bakit nasanay ka sa kan'ya." mahinahong sagot niya sa akin.
"Hindi ko naman siya nagustuhan noong unang kita namin diba? Malabo 'yun Collin." iling niya.
"Sigurado ka ba? Oh baka naman, hindi ka lang aware? Remember 'yung sinasabi ko sa 'yong deal before? 'Yung hindi na natuloy? K*ngina mo kasi eh." natatawang sabi niya.
"Ano 'yun? Bakit ako?" naguguluhang tanong niya.
"Sigurado ka bang hindi mo siya nagustuhan kaagad?" paninigurado niya sa akin.
"Pre, imposible 'yang sinasabi mo, eh galit nga ako sa kan'ya noon diba?" inis na sagot ko sa kan'ya.
"Galit pero nagandahan ka? Na-curious ka sa kan'ya? Sinong linoko mo? Naku Danrix." natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...