tw//
• Park Eun Ae's POV •
"Manim, wala pa rin kaming balita kay Ann." bungad sa akin ni Gordon nang makapasok siya sa opisina ko sa bahay.
"Hindi pa rin siya bumabalik sa bahay niya?" tanong ko sa kan'ya habang sumisimsim sa baso ng wine ko.
"Hindi pa rin Manim. Ilang linggo na rin." nakayukong sagot n'ya sa 'kin.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa kan'ya. "Hayaan muna natin s'ya." sagot ko sa kan'ya bago siya tapikin sa balikat at lumabas sa loob ng opisina ko.
Naglakad ako papunta sa attic namin sa ikatlong palapag para makapag-isip-isip. Inabot ko ang isang photo album doon at tinitigan iyon.
"Ang gandang bata ni Elaine talaga. Dati itinuturing ko lamang siyang prinsesa ko, hindi ko inaasahang totoo pala iyon." salita ko habang nakangiting binubuklat ang album.
I don't know, but ever since I heard the truth from Ann. Hindi na mapanatag ang loob ko, palagay ko ay napakalaki ng problemang pasan ko lalo na at mukhang mahalaga nga talaga si Elaine sa kaharian nila at ayaw kong maging makasarili. Kahit alam ko na isa siyang royalty, nagulat pa rin ako nang malamang isa siyang prinsesa. Sa mga nakalipas na linggo simula nang malaman ko iyon, palaisipan na sa akin kung sasabihin ko ba talaga ito kay Elaine.
Ayaw kong mawala siya sa akin, natatakot ako na baka pag nalaman niya, iiwan na niya kami para sa tunay niyang pamilya. Pero mayroon sa loob ko na gustong sabihin sa kan'ya ang katotohanan. Ayaw kong maglihim sa kan'ya dahil karapatan n'yang malaman ang totoong pagkatao niya. Totoo ang Eliaseah, nalaman ko na ang tungkol sa lugar na 'yon nang ako mismo ang tumuklas sa espanya. Napatunayan ko na ring totoong prinsesa si Elaine pero ang hindi pa rin malinaw sa akin ay kung bakit siya nasa poder ni Ann noon.
"Anak, gustong-gustong sabihin sa iyo ni Mommy kung ano na ang nalalaman ko, kaya lang natatakot ako anak eh." salita ko habang hinahawakan ang larawan niya.
Hindi ko namalayang pumatak ng sunod-sunod ang mga luha ko sa litrato naming tatlo kasama si Cole. Nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin iyon. If only I could keep you forever, Elaine.
• Elaine's POV •
"I love you abuela and abuelo. I'm excited to visit the Philippines for the first time!"
"We love you too, Sandra Viena. Take care!" Abuela said.
"Come on sweetheart, nauna na si baby Saella sa car." my Mommy said as she held my hand to take me with her before taking a bow at abuela and abuelo.
"Hola baby Saella. Look Mom, she's smiling at me!" I shouted while we were on the road.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasíaSaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...