Chapter 47

113 3 0
                                    


BIRTHDAY OUTING (02)

__________

 Danrix's POV 


"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you! Happy Birthday pre!!!" kanta ni Collin nang makalabas ako ng kwarto ko.


"Salamat pre." natatawang sagot ko sa kan'ya, paano kasi ay mukhang kagigising n'ya lang at naka-abang na agad sa pintuan ko.


"Pwede ko na ba ibigay regalo ko?" nakangiting tanong niya sa akin.


"Ayos, may regalo ka na ngayon ah? Sige pre!" masayang sabi ko habang nakalahad ang mga kamay sa kan'ya.


"Now na?" tanong niya sa akin at masaya naman akong tumango, hindi kasi 'to nagbibigay ng regalo sa akin pero mukhang masasapak ko ata siya nang bigla siyang lumapit lalo sa akin at... ngumuso! Ang dep*ta!


"T*ngina mo pre!" sigaw ko habang umaatras.


"Luh, ki-kiss na nga kita eh! Ayaw mo nun? 'Yun nga regalo ko eh, minsan na nga lang mag regalo, tatanggihan mo pa!" nakabusangot niyang sabi. Ang kupal talaga! Dep*ta!


"G*go, bakla amp*ta! Tabi nga d'yan, maligo ka na hoy, ang baho mo! Mahiya ka naman sa akin, naligo na ako!" natatawang sabi ko nang lampasan siya at maglakad papuntang kusina.


"Hoy! hindi ako bakla 'no! Biro lang eh! Sa mukha kong gwapo? Bakla? Tsk! Never, and oo, maliligo na ako! Maka-baho ka naman!" inis na sabi niya bago ko narinig na pumasok siya sa kwarto n'ya at isinara ang pinto.


Natatawa akong naglakad papuntang sala at sumilip sa bintana. Tahimik pa ang labas kahit tirik na ang araw. It's already 8 am, pero mukhang mga tulog pa ata sila, palibhasa'y mukhang mga late natulog. Inis na inis nga ako dahil ang katabi kong villa ay ang villa nila Aj na sobrang ingay kagabi! Mukha atang ayaw nila mag patulog!


"Pre, ano agenda natin ngayon?" biglang tanong ni Collin sa akin na noon ay kalalabas lang mula sa kwarto n'ya at pinupunasan pa ang basa niyang buhok.


"Water activity tayo ngayon pre, nagpatulong ako kay Bash kahapon." masayang sagot ko habang naglalakad papuntang pintuan at akmang bubuksan iyon pero nagulat ako ng bigla pumihit ang door knob nang hindi ko pa man nahahawakan, bumukas at iniluwa ang dalawa pa naming kaibigan.


"Happy birthday Danrix, pare!!!" pasigaw na bati sa akin ni Paul at Winston bago tumuloy sa loob.


"Thank you mga pre!" masayang sagot ko sa kanila.


"K*ngina, napuyat ako sa ingay nila Aj kagabi!" sagot ni Paul.


"Paano pa kami? Katabi lang namin villa nila! Bakit ba ang iingay ng mga 'yun?" tanong ko sa kanila.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon