Chapter 18

151 5 1
                                    


 Danrix's POV  


Lumipas ang isang linggo na puro lang kami training pagkatapos ng klase. Hindi rin namin madalas makasabay sila Amy at Saella pag kumakain, busy daw kasi sila sabi ni Aj. Kung anong dahilan, hindi ko alam.


"Oh, nasaan na naman sila?" tanong ni Collin kay Aj ng makarating sila sa table namin.


"Absent silang dalawa eh, pero excuse raw." malungkot na sabi ni Eliza.


"Bakit naman absent sila?" tanong ni Paul.


"Ewan ko nga eh, nakaleave raw sila eh." kibit-balikat na sagot ni Maris.


"Hindi nagpaalam sa inyo?" biglang tanong ko kaya nagulat sila sa akin pero agad din naman akong sinagot.


"Hindi nga eh, noong mga nakaraang araw pa sila busy, hindi naman namin alam kung anong pinagkakaabalahan ng dalawang 'yun. Masyadong mailap pagdating sa sarili eh." sabi ni Aj.


"Baka may importanteng gagawin o 'di kaya, baka bumalik sila ng Spain?!?!" gulat ngunit malungkot na tanong ni Eliza.


"Magpapaalam naman ata sila sa atin kung babalik na sila diba Eliza, diba? Deserve naman ata natin malaman kahit 'yun man lang, baka busy lang talaga sila." masungit na sabi ni Aj.


Hindi na ulit kami nag-usap pa tungkol sa pag-alis nila Saella. Gusto ko mang itanong sa kanila kung galit ba siya sa akin pero pinili ko nalang manahimik, baka kasi wala lang din silang alam dahil hindi nga naman makuwento si Saella at baka asarin na naman nila ako na may gusto ako sa kaniya. Dep*ta.


"Okay, team. Malapit na ang event kaya inaasahan ko kayong ibibigay ninyo ang buo ninyong kakayahan para sa paglalaro. Naiintindihan niyo ba?" tanong ni coach sa amin pagkatapos naming mag training.


"Yes coach! Kami pa ba? Mga varsity ata kami ng school for 5 years?" mayabang na sagot ni Collin at nagtawanan naman kami.


"Basta, ang gusto ko lang ay 'wag ninyong kalimutang mag-enjoy sa laro. Alam ko namang malalakas talaga kayo." nakangiting sabi ni coach.


Pagkatapos ng training namin, dumiretso narin ako sa condo ko para makapagpahinga. Sa parking lot pa lang, nakita ko na agad na naka-park ang kotse ni Saella. Tinignan ko lang 'yun sandali bago naglakad. Umakyat na ako agad sa unit ko dahil sa pagod.


Pagkatapos ko kumain at maligo, ay humiga narin ako agad. Tinignan ko ang social media ko sandali at nakita ko ang iilang messages doon nila Collin, kapatid kong si Denice, si Amy at... si Gwen.


Kinausap ko lang sandali sila Collin at Denice bago kausapin si Amy.


@ameliamswei: Hi Danrix! Pinapasabi pala ni Sae na pa check na lang 'yung sasakyan niya. Salamat :)


Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon