Chapter 57

109 2 0
                                    


tw// sexual harrasment


 Saella's POV 


I woke up when I felt like someone caressing my legs. Nang imulat ko ang mga mata ko, wala akong ibang makita kundi ang dilim. Nilibot ko ang paningin ko sa lugar pero tanging ng sinag lang ng ilaw mula sa bintana malapit sa akin ang tanging nakikita ko. Kumunot lalo ang noo ko nang subukan kong gumalaw pero nanuot ang sakit mula sa tagiliran ko.


Nakahiga ako ngayon sa isang matigas na higaan, wala akong kahit na anong kumot na nakatabing, tanging unan lamang. Sinubukan kong tumayo pero lalong nangunot ang noo ko nang hindi ko maigalaw ang dalawang kamay ko. Doon ko lang napansin na nakatali ang dalawa kong pulsuhan sa kama.


"Sino ka?!" sigaw ko nang may maramdaman na naman akong humawak sa binti ko. I thought it's just a dream pero hindi pala ito panaginip nang magsimulang umakyat sa hita ko ang gumagapang niyang mga kamay. Sh*t!


Ramdam na ramdam ko ang paghawak niya sa hita ko, pero hindi ko magawang makagalaw dahil bukod sa nakatali ako, ramdam na ramdam ko ang sakit sa tagiliran ko. Mukhang bukas pa nga ata ang sugat nito.


Akala ko ay makakahinga na ako ng maayos nang tigilan n'ya ang paghimas sa akin pero nagkamali ako dahil kinubabawan pa ako ng animal!


He's smelly breath gave me a hint kung sino siya. Siya ang lalaking brusko na nakaharap ko kanina, the one who held my cheeks!


"Maganda ka eh, kaya lang mahirap kang pasunurin. Masyado kang matapang." bulong niya sa akin habang nasa itaas ko parin siya!


"Umalis ka sa itaas ko." mariin kong sabi sa kan'ya pero natawa lang siya! "Umalis ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo." matapang kong utos sa kan'ya. Pero mukhang dumoble lang ata ang tawa niya! Even his laugh irritated the hell out of me!


Out of anger, I kicked him in between his legs making him scream in pain as he fell on the floor. Mukhang nakalimutan ata nila na sandata ko rin ang paa ko.


"Bastos ka!" sigaw ko sa kan'ya habang tumatayo at pilit na tinatanggal ang pulsuhan kong nakatali sa higaan.


Good thing at nakawala ang kabila kong pulsuhan mula sa tali dahil sa kakaikot ko nito, mukha atang hindi mahigpit ang pagkakatali roon, pero ang problema ko ay ang isa pa na hindi ko magawang matanggal kahit pa ginagamit ko na ang isa kong kamay para lang matanggal ang tali. Mierda!!!


"Huwag ka ng tumakas pa!" rinig kong sigaw ng lalaki sa akin, mukhang nakatayo na ang animal!


"Wala kang karapatang sigawan ako!" sigaw ko sa kan'ya pabalik bago siya sipain muli pero sa mukha naman. Napahiyaw s'ya sa sakit pero kaagad ding nakatayo.


"Matapang ka talaga!" sigaw niya sa akin bago ako sigurin at tinulak pahiga ulit sa kama.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon