Chapter 40

115 3 0
                                    


 Danrix's POV 


"Team, tara na. Nasa labas na raw ang bus." tawag sa amin ni Coach nang makapasok siya sa gymnasium kung saan kami nakatambay lahat.


Mabilis kaming kumilos at naglakad palabas ng LMU, papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang bus sa amin.


"Coach? Tayo lang ba lahat?" tanong ni Collin nang makapasok na kami sa loob.


"Oo, nandoon na halos lahat ng mga sasama. Nauna na sila sa atin." sagot ni Coach.


Madaling araw pa lang kaya wala pang estudyante sa LMU, madilim pa rin nang makaalis kami roon. Pakiramdam ko nga ay mabigat ang mga mata ko, malamang ay dahil kulang ako sa tulog.


Isa-isa kami ng mga hilera ng upuan sa loob ng bus at wala akong katabi kaya malaya akong nakahiga roon at ipinikit muna ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala talaga ako at nagising lang nang huminto na ang bus.


"Pre, eto 'yung pinuntahan ninyo ni Saella?" tanong sa akin ni Paul nang makababa kami sa bus.


"Oo, sinama niya ako rito. Tsk." masungit na sagot ko. Hindi ko alam, pero naiinis ako sa lugar na ito, siguro dahil sa mga lalaki noong pumunta kami rito ni Saella. Hindi ko gusto ang mga nakita bago umalis kaya naasar ako ngayon dahil bumalik na naman kami rito at naalala ko na naman ang mga ngiti ng mga gunggong na 'yun! Buti na lang wala si Saella ngayon!


Sinundan namin si Coach papunta raw sa court kung saan doon idadaos ang programa. Marami ng mga bata sa daan kahit maaga pa, pawang mga sinusundan kami ng tingin habang naglalakad. Nang makarating kami sa court, marami ng mga staffs ng LMU ang nandoon at nag-aayos na lahat ng mga ipamimigay. Marami na ring mga tents na nakatayo para maging silungan.


"Ganito pala pag volunteers pre 'no? Kagulo!" singhal ni Collin nang makasilong kami sa tent.


"Kaarte mo!" natatawang sabi ko sa kan'ya.


"Teka, wala pa si Elaine?" tanong naman ni Paul sa amin.


"Baka parating na 'yun." sagot ko bago ilabas ang cellphone ko at i-text s'ya.


To: Elaine

El, nasaan ka na? Andito na kami.


Pagkatapos ko siyang itext, ibinulsa ko na ang cellphone ko at nagsimula na akong magsuot ng gloves at mask bago nagsimulang tumulong sa mga ibang volunteers. Inayos namin ni Collin ang mga goods at laruan na ipamimigay mamaya sa hilera ng mga lamesa roon habang sila Paul at Winston naman ay tumulong sa mga pagkain na inihahanda sa kabilang tent.


Halos mahigit dalawang oras din kaming tumutulong sa pag-aayos at paghahanda, mamaya pang tanghali magsisimula kaya may ilang minuto pa kami para makapagpahinga.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon