• Danrix's POV •
"May pupuntahan lang ako." paalam ko nang lumabas si Saella.
Tumango lang sila at umalis naman na ako. Susundan ko si Saella at hihingi ng tawad sa kaniya personally, 'yung walang pilitan at 'yung kami lang. Baka kasi kaya siya nagwalk out ay dahil galit pa rin siya sa akin. Kinakabahan ako habang nag-aantay sa labas ng comfort room ng girls. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya pagkatapos mag sorry, ayaw ko naman maging awkward. Pero nang makita ko siyang lumabas at magtanong sa akin, alam ko na may problema siya. Halata kasi sa mga mata niya 'yung nararamdaman niya kahit umiwas siya ng tingin sa akin.
Nagsabay nalang kaming lumakad pabalik ng cafeteria. Kahit na nauuna siya sa akin, alam ko na malalim 'yung iniisip niya, kaya hindi na lang ako nagsalita.
Pagkabalik namin, tahimik pa rin siya at hindi man lang nakikihalubilo sa iba, ako man din ay tumahimik nalang at nagbaba ng tingin kahit na nakikita ko pa rin ang mukha niya. Maya maya pa ay napansin ko na tumingin siya sa akin at nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya, nagtatanong kung okay lang siya gamit ang titig ko. Ngumiti lang siya at umiwas ng tingin sa akin. Halata talagang may problema siya.
I don't know but, I hate seeing people hurt or sad. I don't want to even see people suffer because it can easily break my heart. I have a soft side whenever I see people living their lives with problems, dahil naniniwala ako na everybody deserves a happy and peaceful life. Even if I don't know them personally, I want to do something to make them feel better. And that's what I want Saella to feel, kahit hindi naging maganda ang pagkakakilala namin sa isa't isa.
Kaya bago kami umalis ay binulungan ko na siya telling that it is okay for me to hear her problems out, to make her feel that she's not alone and I'm willing to listen whatever problem she's facing. Pagkatapos noon ay kumaway nalang ako sa kanila at sumunod nasa mga kaibigan ko.
Buong klase akong tahimik at nakikinig nalang sa prof namin. Paminsan-minsan ay nakikitawa ako sa tropa. I set aside all the worries I feel for her para hindi maapektuhan ang pag-aaral ko.
After 3 subjects, wala na kaming klase dahil hindi pumasok ang prof namin para sa huling subject kaya maaga kaming nag dismissal. 4:30 pa lang ay nagpaalam na ako sa tropa na mauuna na ako sa parking lot para makauwi, kailangan ko pa kasing magreview para sa chemistry namin bukas. Naglalakad ako sa parking lot nang biglang makita ko si Saella na mag-isang naglalakad ng mabagal papunta sa sasakyan niya. Mukhang hindi pa rin siya okay, matamlay pa rin ang mukha niya. Kaya imbis na dumiretso ako sa sasakyan ko ay naglakad ako ng mabilis papunta sa kaniya.
"Saella," I called her kaya nagulat siya.
"Oh? Bakit?" nakakunot noong tanong niya sa akin.
"A-ah, uuwi ka na?" nahihiyang tanong ko.
"Yeah." she answered.
"Ikaw lang mag-isa?" I asked.
"Oo, may pupuntahan si Amy eh mauuna na ako umuwi. May kailangan ka ba?" tanong niya. F*ck! Mag-isip ka Danrix!
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...