• Elaine's POV •
"Mom? What are you doing here?" gulat na tanong ko kay Mommy nang makapasok sa office niya sa LMU.
"Elaine?" gulat na tanong niya sa akin.
"What are you doing here Mom? I thought may aasikasuhin ka?" nagtatakang tanong ko pa rin sa kan'ya.
"I... I just ca-came here." mahinang sagot niya.
"Have you heard the news? It's not safe here Mom, bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko pa rin.
"I just said, kararating ko lang Elaine." seryoso pero mariing sagot niya.
"So naabutan mo 'yung nangyari kanina?" tanong ko pa rin.
"W-what happened?" litong tanong niya. Seriously Mom?! Ako nga na sa Bulacan nalaman, ikaw pa kaya? You're really acting weird!!!
"'Yung nangyari sa parking lot Mom." seryosong sagot ko at nakita ko naman siyang natigilan.
"Elaine, umuwi na tayo. I heard about that." yaya niya bigla sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya, I stalked her from behind. I am really noticing how weird she is right now. Nang makita ko kasi siya sa office niya, parang hindi siya mapakali at parang may tinatawagan sa cellphone niya. While we are walking towards the gate of LMU, napansin ko ring wala man lang s'yang securities na kasama which is really unusual especially now.
"Mom, where are your guards? Bakit ikaw lang ang mag-isa?" takang tanong ko habang sinusundan pa rin s'ya ng lakad mula sa likod.
"I had to do some errands, and hindi ko naman na sila kailangan." mabilis niyang sagot.
Weird. I know everywhere she goes, parati siyang may kasamang guards. At ngayong kung kailan delikado sa labas ng LMU, saka pa siya walang kasamang guards? Hinayaan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa parking lot, pero hindi pa kami nakakarating sa kotse ni Mommy, nakita ko na si Danrix na mabilis na naglalakad mula sa malayo.
"Mom, mauna ka na. May pupuntahan lang ako. Susunod ako. Nandito naman ang sasakyan ko." paalam ko sa kan'ya bago pumihit patalikod pero hinawakan niya ako sa kamay dahilan ng pagkatigil ko.
"Anak, it's not safe here. Sumabay ka na." sabi niya.
"Mom, kaya ko ang sarili ko, pupuntahan ko lang si Danrix. Susunod ako sa 'yo Mom." sabi ko bago agawin sa kan'ya ang kamay ko.
Mabilis akong naglakad para habulin si Danrix, I want to know kung anong nangyari dahil hindi ako nakasama sa kanila kanina at dumiretso ako sa loob ng LMU dahil nakita ko ang sasakyan ni Mommy kanina rito sa labas.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasiSaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...