A/N: Medyo intense pa ito so read at your own risk. Para sa mga bata, huwag gagayahin at huwag hahayaang maimpluwensyahan sa mga actions dito. Fiction lang po ito. :) I just wanted to say thank you sa lahat ng patuloy na nagbabasa, silent ka man o hindi, I appreciate you a lot! Malapit na tayo mag 1k reads, mga benteng giling pa, choz! Salamat at umabot ka rito, so malapit na matapos ang season 1 mga bhiE sana samahan n'yo ako ulit sa season 2.
Happy reading! <3 07/21/20 (i didn't edit this lines bcs i wanted to keep this as a memory)
_____________________
tw//
• Elaine's POV •
"Ann!" tulak ko kay Ann nang iputok niya ang baril kay Saella! Mabuti nalang at nasanggi ko siya!
"El-Elaine?" gulat na tanong niya sa akin.
"Anong ginagawa mo?!" galit na sigaw ko sa kan'ya.
"Umalis ka rito Elaine!" biglang sigaw n'ya sa akin habang may madilim na mukha bago tumayong muli at itutok ang dalawang baril ulit kay Saella na ngayon ay nakahandusay na sa lupa dahil nabaril ang hita niya nang sanggain ko si Ann.
"Ann! Ano ba?!" sigaw ko ulit sa kan'ya habang papalapit kay Saella para tulungan siyang makabangon. "Sae, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kan'ya.
"O-oo, ayos lang...umalis ka...ka na, baka masaktan ka rin niya." nahihirapang sagot niya habang hinahawakan at iniinda ang hita niyang may tama.
"Hindi." matigas kong sagot sa kan'ya bago tumayo at humarap mismo kay Ann para maharangan siya.
"Elaine, umalis ka! Ann tama na!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa likuran ko pero hindi ko siya pinansin at mas lumapit pa lalo kay Ann na ngayon ay nakatutok pa rin sa gawi namin ang hawak niyang dalawang baril.
"Umalis ka Elaine, kung ayaw mong idamay kita!" nanginginig na sigaw niya sa akin.
"Tamang-tama ang timing na ito, para malaman ko sa inyo ang katotohanan mismo. Tutal nandito na rin naman kayong dalawa, edi mas mapapadali ko." malamig kong sabi sa harapan n'ya, tinutukoy silang dalawa ni Mommy.
"'Wag ka ng makialam Elaine!" sigaw niya sa akin bago mas lalong itutok sa akin ang baril.
"Sabihin mo sa akin Ann, ikaw ba ang dumukot sa akin?!" galit na sigaw ko sa kan'ya.
"Manahimik ka-"
"SAGUTIN MO AKO!!!" malakas na sigaw ko sa kan'ya. "Ikaw ba?!?!"
"Oo!!! At wala kang pake kung ako!" sigaw niya pabalik sa akin.
"Bakit Ann?!? Bakit mo ginawa sa akin 'yun?!?" galit na sigaw ko sa kan'ya.
"Dahil kayo! Kayo ng pamilya mo ang sumira sa amin! Kayo ng angkan mo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay namin!!!" nanginginig na sigaw niya sa akin habang nakatutok ang dalawang baril sa amin ni Saella.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...