Chapter 35

122 3 0
                                    

 

 Saella's POV  


[Bes, nandito na kami sa LMU, napaka-tagal mo naman!] Amy said, obviously getting annoyed.


"Ito na, malapit na ako. Pumasok na kayo. Kita na lang tayo sa room." 'yun lang at binaba ko na ang tawag.


I am currently driving and dealing with the traffic, palibhasa'y Monday at maaga ang pasok namin ngayon dahil balik classes na kami, nasanay kasi akong tanghali na nagigising dahil tanghali rin naman ang pasok. After a couple of minutes, nakarating din ako sa parking lot. Finally!


I went outside my car after turning off the engine and walk straight to the gate. Halos takbuhin ko na ang distansya nito hanggang sa 4th floor ng building namin. My first class will start in 8 am and it's already 8:05 for Pete's sake! Gosh! Sana maunahan ko ang prof!


Nagmadali akong pumasok sa building namin pero napaka-tagal ng elevator! Sobrang dami pa ng mga nag-aabang din katulad ko. I have no choice but to use the stairs. Argh! Why does my Monday morning look like hell already?


Mabilis kong tinakbo ang stairs at nang na sa ikalawang palapag pa lang ako, napapagod na ako at pinagpapawisan na.


"Gosh! This building has centralized aircon but I'm hella sweating!" sandali akong tumigil sa ikalawang palapag at hinanap ang panyo ko.


"Ah, Miss. Excuse me." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses sa akin mula sa likuran.


"Danrix!" gulat na sabi ko nang humarap at halos mabitawan naman niya ang mga papel na hawak niya sa gulat din sa akin.


"A-ah, ikaw pala 'yan." nahihiyang sabi niya habang umiiwas ng tingin sa akin.


"Ah oo, saan ka pupunta?" tanong ko sa kan'ya nang mapansin na siya lang ang mag-isa.


"Ah, dadalhin ko 'to kay Ms. Mobles, pinapasuyo niya. Ikaw? Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin.


"Ah eh, na late kasi ako ng dating." nahihiyang sabi ko.


"Ah, sige na bilisan mo na. Bye." sabi niya bago ako tinalikuran at lumiko sa kanan kaya naiwan akong nakamaang habang tinitignan siyang maglakad palayo. Bakit ang awkward? Naiilang ba siya? The heck, puro kami 'ah!' Wtf!


I don't know but after what he said to me last time, hindi na kami nagkausap o nagkita man lang kahit parehas naman kami ng condo. I don't know but it also feels weird and awkward kapag nagkikita kami or nag-uusap. I don't understand what he said before, hindi ko maintindihan iyon, mayroong sinasabi ang puso ko tungkol doon pero hindi ko kayang aralin ito, I don't know if I will be able to accept whatever he feels for me.


"I'm sorry Miss, I'm late." paumanhin ko nang makapasok sa room namin.


Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon