Chapter 23

140 5 0
                                    


COLLEGE WEEK FAIR (04)

__________

 Danrix's POV   


"Una na rin ako mga pre." paalam ko sa kanila bago umalis. Magtatanong pa sana sila pero tinalikuran ko na sila at nagmamadaling umalis.


Wala ako sa mood ngayon dahil sa halo-halong emosyon. Ang gusto ko na lang ay umuwi na.


[Flashback]

"Danrix, pinapatawag ka sa office." biglang tawag sa akin ni Laina nang talikuran ako ni Saella. Sungit masyado eh!


"Bakit daw?" tanong ko.


"Ewan, walang sinabi eh." sagot niya bago ako sinenyasan na sumunod sa kanya.


"Good afternoon po." bati ko nang makapasok sa office.


"Oh, finally, I thought you'll not face me." sarkastikong sabi ni Ms.P. Nakayuko lang ako sa kanya at hindi nagtaas ng tingin. "Can we talk? Sit here." alok niya sa akin ng upuan sa harap niya. Wala na akong nagawa kundi ang umupo roon.


"Bakit po Ms.P?" tanong ko, iniiwas pa rin ang paningin sa kaniya.


"Nothing, I just have to ask you a question." nakangiting sagot niya sa akin. Lalo naman akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Anong tanong naman ba at bakit kailangang ganito pa ka-pormal?


"A-ano po iyon Ms.P?" nauutal kong tanong,, hindi pa rin sya tinitignan ng diretso sa mata.


"About a certain relationship, I guess?" malumanay niyang sabi.


"W-what relationship Miss?" tanong ko, tumikhim naman siya bago nagsalita.


"So, did you and my daughter already talked?" tanong niya sa akin at agad naman akong nagulat at tinignan siya ng diretso sa mata.


"For what reason Miss?" tanong ko, nakita ko naman siyang napangiti bago magsalitang muli.


"To make things up Danrix, come on? You didn't had a chance to talk about your past? I know you both deserve an acceptable reason for you both to settle what's left before." sabi niya.


"I don't think we would be able to talk about our past anymore Miss. And besides, I didn't have a serious relationship with her. Natapos kami ng magkakilala na lang at hindi na magkaibigan pa." seryosong sagot ko.


"But I know you both deserve to end up in a good way, or should I say, come back together?" suhestiyon niya at bigla naman nagkunot ang noo ko habang tinititigan siya. "You know, like what you both used before, your friendship." sagot niya habang nakangiti.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon