Chapter 53

113 4 0
                                    


tw// mental illness


 Park Eun Ae's POV 


"Anong wala kang nahanap, Gordon?" sigaw ko nang makapasok ako sa kuta ng mga bantay ko.


"Manim, wala talaga akong nahanap na sinasabi ni Ann, walang kung anong flag sa bahay ng lalaking iyon. Masyado rin s'yang alerto, mahirap pasukin ang bahay n'ya." sagot ni Gordon na siyang inutusan kong pumasok sa bahay ng Janris na iyon.


"Babo! Huwag mong sabihin sa akin na nahuli ka na naman?" pasigaw na tanong ko sa kan'ya.

*Translation: Stupid!*


"Pasensya na Manim, mahirap talaga silang banggain. Nahuli niya ako kanina, pero hindi niya nakita ang mukha ko. Sinabi niya na tumigil na raw tayo dahil hindi natin sila kilala. Hindi kaya totoo talaga ang sinasabi ni Ann, Manim?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Isa kang hangal, Gordon! Binabago mo ang usapan! Ano't nahuli ka na naman? Mahirap silang banggain, eh isa lamang silang mga bata kumpara sa mga edad, maging sa mga katawan ninyo! Pero hindi niyo sila matalo? Napaka-walang utak nin'yo pag-dating sa ganito, sinasayang ko lang ang pera ko sa mga katulad ninyo." galit na sabi ko.


"Manim, sinusunod lang naman namin ang utos nin'yo na bantayan sila, hindi namin gusto ang saktan sila lalo na at kaibigan din naman sila ng iyong anak. At ngayon lang naman ako ulit nahuli sa nakalipas na mga araw na binabantayan ko sila." sagot sa akin ni Gordon.


"Bahala kayo! Basta kailangan ninyong ipaalam sa akin kung totoo nga ba ang sinasabi ni Ann tungkol sa mga iyon, hindi ako naniniwala sa kan'ya. Alam kong may saltik sa ulo ang babaeng iyon." sabi ko bago nagmartsa palabas ng kuta nila.


Naging kaibigan ko si Ann labing tatlong taon na ang nakakalipas. Ako ang tumulong sa kan'ya na makaligtas laban sa mga kamay ng mga taong gusto siyang patayin noon. Nagkaroon siya ng sakit sa utak dahil sa mga nangyari sa kan'ya. Wala akong alam sa nakaraan n'ya at kung bakit siya gustong patayin noon, tinulungan ko na lang s'ya na umahon mula sa kahirapan at mamuhay ng tahimik at patago.


"Mom, bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ni Cole nang makapasok ako sa loob ng aking mansyon.


"I just visited my bodyguards earlier, son. Why are you still up? It's already 3 am, ah?" tanong ko sa kan'ya pagkatapos bumeso.


"Kakauwi ko lang galing Palawan, Mom." he answered.


"Oh I see, ang ate? Nakauwi na rin ba?" I asked again.


"Mamayang hapon ang balik niya, Mom. Hindi ba sinabi niya iyon sa iyo?" he asked.


"Oh, yeah. I forgot! Silly me. Sige na anak. You go to your room and rest now. I'm sure pagod ka sa flight mo." I said before kissing him on his cheek. I stayed at my sofa for a while while drinking my tea.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon