Chapter 37

122 3 0
                                    


 Saella's POV 


"Starting...? The hell? Starting of what?" I asked while whispering, getting annoyed and bothered at the same time because of his sudden actions, nagugulat ako sa mga kilos niya ngayon. Pero walang sinagot ang leche! Tumawa lang siya habang kumakain. Argh! He really knows how to pissed me off!


"Hoy bes! Baka isumpa mo na 'yang kinakain mo!" biglang tawag sa akin ni Amy kaya napabalik ako sa katinuan.


"W-what?" I asked, pero tinawanan niya lang ako bago ituro ang pagkain ko. I looked at my food at nagulat pa ako nang makitang halos mapuno na ang tinidor ko ng pasta sa kaka-ikot nito.


"Easyhan mo lang kasi." natatawang bulong sa akin ni Danrix kaya sinamaan ko siya agad ng tingin nang makalayo s'ya sa akin at bumalik sa kinakain n'ya habang umiiling na tumatawa.


"Gusto mo bang isaksak ko sa 'yo 'tong tinidor ko?" inis na tanong ko sa kan'ya pero lalo niya lang akong tinawanan kaya nakitawa na rin ang mga kasama namin. Argh! SO ANNOYING!


"Hatid na namin kayo sa building n'yo." nakangiting yaya sa amin ni Danrix pagkatapos namin kumain kaya lahat napatingin sa kan'ya, including me.


"Hala! Himala ata ito Danrix!" sigaw ni Aj. Ano bang nakain kasi nito?


"Shut up Aj." tatawa-tawang iling niya bago naunang tumayo at lumingon sa akin.


"Ano?" I asked, nagtataray.


"Tsk, tumayo ka na d'yan." utos niya sa akin habang nakalahad ang kamay. I stared at his hand, thinking if I should hold it or not, but instead, I looked at his face with so much annoyance before I stand, not minding his offer.


Nagpahuli ako sa kanila sa paglalakad, I kept on thinking what the hell is Danrix acting now. I mean, nung huli naming pagkikita which is kahapon lang, mukhang iniiwasan niya ako at naiilang pa siya, tapos ngayon? What the hell is wrong with him? Nalason ba siya, o na-engkanto, o hindi naman kaya... naumpog ang ulo at walang maalala?


Nahinto ang pag-iisip ko nang may mahagip ako mula sa kalayuan. I'm sure that he's a guy, one of the guys that I saw noong championship na nakapalibot kay Ms.P, he's wearing a black clothes, but this time, he's not wearing any cap anymore. I think he's about 5'9 tall and I can sense that he's observing us. Ito na nga ba talaga ang sinasabi ni Janris? Humahanap na ba talaga sila ng paraan?


Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako at nangilabot sa mga naisip. I mean, I can fight, I know may laban ako kung sakali man, pero I don't know what will I do pag nadamay ang mga kaibigan ko. I don't want them to suffer and be included on whatever mission I'm doing.


"Huy, ang bagal mo." nagulat ako sa biglang salita at paghawak sa pulsuhan ko ni Danrix. I don't even know na mabagal ang lakad ko at mas nahuli na sa kanila.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon