COLLEGE WEEK FAIR (05)
__________
• Danrix's POV •
"Uy, bakit ba parang nagmamadali ka ata?" tanong ko kay Saella habang nagmamaneho siya. Para kasi s'yang nagmamadali na kinakabahan ngayon.
"Wala, umuwi na lang tayo." seryosong sagot niya. Bakit ang seryoso niya ngayon? Ang bilis pa magpaandar amp*ta!!!
"Teka lang naman. Dahan-dahan kasi sa pagmamaneho, kinakabahan ako sa'yo eh." singhal ko pero natawa lang siya kaya inis ko siyang tinitigan. Hindi ko talaga maintindihan ang babae na 'to! Kanina lang bago mag-cr mukhang ayaw pa umuwi tapos ngayon nagmamadali umuwi? Tapos kanina parang kinakabahan tapos seryosong-seryoso tapos ngayon biglang tatawa!? 'Yung totoo? Ayos lang ba 'tong kasama ko talaga?
"Huy! Natulala ka na sa 'kin ah?" natatawang gulat niya sa akin kaya bumalik ako sa katinuan at doon ko lang napansing nasa parking lot na kami ng condo.
"Nandito na tayo? Ang bilis naman?" tanong ko sa kan'ya.
"Bilisan mo na d'yan, nananaginip ka ata eh." sabi niya bago bumaba sa kotse n'ya.
Tinulungan ko s'yang iakyat papasok sa unit n'ya lahat ng binili niya at pagkatapos ay umakyat na ako papunta sa unit ko. Hapon na kami nakauwi ni Sae kaya napagod ako. Nagdesisyon na lang muna ako na magpahinga bago maligo. Wala akong ginawa buong araw ng Linggo kinabukasan. Dahil isang buong week pa naman ang fair namin at sa Wednesday na ang laro namin, nagkayayaan na lang kami nila Collin na umuwi sa bahay namin at maglaro sa court ng village namin ng basketball. Doon din kami nag dinner dahil naghanda si Mommy para sa amin.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising para pumasok sa LMU, magsisimula na kasi ulit ang training namin para sa laro namin sa Miyerkules. Nang makarating ako roon ay dumiretso na kami agad sa gymnasium para magpractice bago ulit pumasok para sa event mamayang tanghali.
Tadtaran kami ngayon ng practice dahil malapit na ang laro at isa pa, kailangan naming ipanalo ang laro namin dahil may charity kami na matutulungan kung sakaling manalo kami. Pagod na pagod ako nang matapos ang practice namin kahit tanghali pa lang. Parang nabigla ata ang katawan ko kasi isang linggo kaming hindi nakapag practice dahil sa event last week. Nagpalit lang ako ng damit bago lumabas sa gymnasium kasama sila Collin.
"Pre." biglang tapik sa akin ni Collin ng naka-nguso habang naglalakad kami papunta sa canteen para sana bumili ng makakain.
"Danrix?" tawag sa akin ni Elaine nang makalapit kami sa kan'ya. "Can we talk?" nakangiting tanong niya sa 'kin. Agad ko namang tinignan ang mga tropa ko bago ko siya binigyan ng pilit na ngiti.
"Sige pre, doon lang muna kami sa canteen. Antayin ka namin." sagot ni Winston bago sila lumakad papasok sa loob ng canteen.
"Anong pag-uusapan natin best-friend?" pilit na ngiting tanong ko kay Elaine habang sabay kaming naglalakad papuntang Hyugeso.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...