• Danrix's POV •
"There you are Danrix! Kanina pa kita hinahanap!" Gwen said nang sumulpot sya bigla sa likuran ko ng hindi ko napapansin. Hindi ko naman siya pinansin at hinabol si Saella para makausap. Alam ko kasing kanina pa sya nakatingin sa amin ni Gwen habang mag kausap kami.
Lumayo ako sa dancefloor at hinanap sila ni Amy pero hindi ko makita. Maya maya pa ay may humawak sa balikat ko kaya awtomatiko akong napalingon at nakita ko na naman si Gwen na nakangiti sa akin.
"Oh, come on! We're having fun right? Sino ba kasing hinahanap mo? Nandito na ako oh!" she said, laughing. Hinila ko siya sa medyo madilim at walang taong bahagi ng bar.
"Would you please shut up? Ano pa ba ang gusto mo? Nag-usap na tayo, hindi ba? Hinayaan na kitang solohin ako kanina diba? I'm not going to go back and make it up with you anymore!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Why? Dahil ba may bago ka na Danrix? Dahil ba may kalandian kana ulit? Ganoon na ba ako kabilis palitan? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ako lang?" she asked, nangingilid ang mga luha.
"I am not flirting with anyone, wala rin akong bago. Kaya tigilan mo na iyang pagpupumilit mong pumasok ulit sa buhay ko dahil hindi ko na hahayaan na mahulog ulit ako sa isang katulad mo!" I shouted before walking away.
Umupo ako sa table namin at dire-diretsong uminom ng mga alak doon.
"Oh? Bakit mag-isa ka lang?" Collin asked.
"Eh sa wala akong kasama diba?" walang kwentang sagot ko bago ulit uminom.
"Teka, nandito na si Amy diba?" Eliza asked.
"Nandito na sya?!" gulat na tanong ni Collin.
"Oo, dumaan sya dito eh, hindi ko nga alam kung bakit nagmamadali sya." Eliza answered him.
"Teka, nasaan naman si Saella?" Aj asked.
"Hala! Bumaba siya sa dancefloor kanina ah? Kasama lang namin 'yun, bakit nawala?" kinakabahang tanong ni Eliza.
"Kasama na ata ni Amy, baka umuwi na 'yun." sagot ko bigla, nagulat naman silang lahat.
Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive at nakauwi ng maayos. Basta ko nalang binagsak ang katawan ko sa higaan ko nang makapasok sa ako sa unit ko.
Whole weekend passed by so quickly. Napansin ko rin na hindi ko nakita si Saella o maski nakausap man lang. Simula noong Sabado ko pa nakita ang sasakyan niya sa parking lot pero hindi ko siya nakita ni anino man lang.
Maaga pa nang makarating ako sa LMU kaya tinawagan ko si Collin para tanungin kung nasaan na siya. Maya maya pa ay dumating narin siya kaya nagdesisyon na kaming pumasok ng sabay sa campus. Sila Winston at Paul ay ipinatawag sa office, may meeting daw sila.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...