COLLEGE WEEK FAIR (01)
__________
• Danrix's POV •
"Hoy pre! Ano na? Mago-opening remarks na wala ka parin!" sigaw ni Collin nang tawagan niya ako.
"Tinatamad ako pumasok pre, wala pa naman tayong laro ngayon." sagot ko, tinatamad pa kasi akong bumangon.
"Loko ka ba? Pre ngayon na darating si Ms.P, kasama rin mga magulang natin! Ano sasabihin namin?" inis na tanong niya kaya natigilan ako. Sh*t! Oo nga pala!
"Oo na, papasok na ako. Hintayin niyo na lang ako sa loob." I said, bago patayin ang tawag at bumangon ng tinatamad.
Hindi ko na binilisan ang kilos ko dahil late narin naman ako. Mas inayos ko na lang ang pag-aayos ng sarili ko. Ewan ko ba, pero noong malaman ko na roon na ulit papasok si Gwen sa LMU, nawalan ako ng ganang pumasok. Ayaw ko na kasi siyang makita, lalong ayaw ko na linalapitan niya ako at kinakausap. Nakakainis kasi na hindi niya maintindihan 'yung mga pinagsasabi ko sa kaniya. Lagi niya pa ring pinipilit 'yung sarili niya sa akin.
Bakit ako? Hindi ko naman pinilit ang sarili ko sa'yo nung sinabi mong ayaw mo na diba? Tapos ngayon, babalik ka kung kailan mo gusto? Kung kailan ayos na ako? Kung kailan masaya na ako? Kung kailan hindi na kita kailangan? Damn you Gwen!
Nagsuot lang ako ng plain black t-shirt at nakalabas ang chain na kwintas ko, fitted black jeans at puti kong Nike shoes bago kinuha ang susi ko at bumaba sa lobby para pumunta sa parking.
Pagkarating ko sa parking, nandoon pa rin ang kotse ni Saella. Chineck ko pa muna 'yun kung may nagbago man lang, pero ganoon pa rin ang itsura noon kung paano ko 'yun nakita noong isang araw, Lunes.
Pumasok na ako sa kotse ko at mahinahong nag-drive. Hindi ko na pinansin ang oras. Nang marating ko ang parking lot ng LMU, nagpabango lang ako at sinuot ang shades ko, lalabas na sana ako nang biglang mag-text si Collin.
From: Collin
Pre pakyu! Joke, sa cafeteria kami kasama sila Aj, dito ka na dumiretso. Ingat sa daan at baka matangay ka na naman! haha. :))
Pakyu ka rin Collin!
Nang mabasa ko ang text niya ay linagay ko na ang phone ko sa bulsa ko pati na rin ang wallet ko. Hindi naman kailangan ng bag kaya hindi na ako nagdala.
Binilisan ko ang lakad ko at hindi na pinansin ang mga kumakaway sa akin. Ewan ko ba, pero tamad na tamad talaga ako. Nang marating ko ang cafeteria, agad na pumukaw sa mga mata ko si Amy! Nagmadali akong umupo sa table namin at nginitian siya. Pero si Amy lang ang nakita ko. Wala si Saella. Wala pa rin siya? Puta, ano naman ngayon Danrix?!
"Ang pogi mo naman Danrix! Partida simple lang suot mo niyan ah!" bati sa akin ni Amy habang ngumingiti, nginitian ko lang siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Indefinitely Part of You (Season 1)
FantasySaella, a brave princess and a fighter of Kingdom of Eliaseah is living a life strangling with their cruel and tight rules made only for the royalties like her. A princess with a dark past resulting in her losing her parents because of death and tha...