☀ 1

117 14 0
                                    

Chapter one

"Doctora Lindza, pwede bang ikaw muna ang mag che-check up sa next patient? I have to do my rounds." Kumunot ang noo ni Sunshine sa sinabi ng kasama, kakatapos niya lang sa isang surgery and it's almost 12 am, sinong matinong tao ang nagpapa-check up sa ganitong oras? Dapat may appointment! Ano siya pa special? Mag rebisco nalang kaya siya.

"Di to pwede..." Sabi niya.

"—Pinagtagpo pero 'di tinadhana~"

"Gaga, hindi ang kanta mag rounds ka na dun!" Sabi niya at binatukan ang kasama, inayos niya ang lab coat na suot suot at nag alcohol muna bago umalis para i-check up ang pasyente. Pero kaagad na napakunot ang noo niya nung walang may nadatnan sa room.

"Tangina, inindian ako?" Sambit niya at nilibot ang buong kwarto nagbabaka-sakaling makita ang pasyente na nagtatago kung saang sulok man.

"Hello?" Tawag niya ulit sa kwarto na walang katao tao, tumaas ang balahibo niya sa ideyang may sasagot sa kanya kahit wala namang tao. Mama, nakakatakot yun. Muling kumunot ang noo niya nung may nakitang sticky note sa lamesa.

What kind of a hospital is this? Does a patient needs to wait 5 minutes to be checked up? Useless, definitely won't recommend this hospital.

Aba gago to ha! Sino bang ta-tanga tanga na magpapa-check up sa ganitong oras? Sana dumeretso siya sa emergency room, usually wala ng available na doctor sa gantong oras kaya hindi na pwedeng magpa-check up.

Feel special siya? Twice siya?

Padabog na bumalik sa reception area si Sunshine at kinausap ang nurse dun.

"Saan na yung VIP na yun?"

"V-VIP?" Naguguluhan na tanong ng nurse sa kanya kaya bigla siyang napairap ng mata.

"Yung Very Impatient Person 5 minutes lang naman late umalis kaagad, ako na ngang nagmama-gandang loob dito para i-check up siya sa gitna ng gabi." Nakatulala lang ang nurse sa kanya habang pinapakinggan ang mga rants ni Sunshine.

"A-ahm..."

"Ahm lang? Alis na nga ako." Dagdag niya sa nurse.

Pumunta siya sa kanyang office para iligpit ang mga gamit niya at nag log out muna bago pumunta sa parking lot para umuwi. Bwiset kasi na Eulina! Inom ng inom di naman pala kaya, tas sasabihin sakin na di siya makakapasok ngayon. Kung di ko lang yun kaibigan! Edi ako yung sumalo ng mga emergency operations. Alam namang Health Care Chief Executive Officer ako, may iba pa dapat akong pagkaka-abalahan.

Napatingin ako sa phone ko nung nag ring yun.

"Good midnight Doctora Ganda!" Napailing iling nalang ako sa bungad sakin ng secretary ko or let's say Chief Governance Officer.

"It's late, why did you call?"

"You have an urgent and very important meeting this 6 am."

"Ha? Ba't ang aga naman?"

"Kaya nga po important e."

"Para san daw at bakit urgent talaga?"

"It's the Merrit Pharmaceutical Company, doctora." Napa-break ako kaagad nung marinig ang kompanya, di kaya...

"We have our own resources in pharmaceutical products." I said in a duh tone.

"Kaya nga po kita tinawagan ngayon dahil sabi ng source natin na we cannot provide you any longer daw, at mukhang masaya naman ang dad mo dahil oras na daw para mag trade sa Merrit."

May ano ba sa Merrit na yun? Sila lang naman ang 1st sa ranko na pharmaceutical company worldwide, nothing special about that.

"Can no longer provide? Useless, bakit naman?"

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon