☀️ 5

53 11 0
                                    

Chapter Five

Maagang nagising si Sunshine dahil may pasok ito, lagpas alas dose na siya natulog dahil ang tagal niyang gumawa ng project kaya kahit pag open manlang ng phone ay hindi niya nagawa.

"Pokpok!" Napailing iling nalang ako nung makita si Gleisey sa kabilang hallway na papunta sa akin, ke-aga aga.

"Nice watch!" Sabi niya at hinawakan ang relo ko, sinuot ko to ngayon dahil gusto ko, sayang pag hahayaan ko lang dun na naka-display sa kwarto.

"Bigay ni Lance." Simpleng sabi ko.

"Birthday gift? E yung gift ko, nabuksan mo na ba?" Napatingin ako sakaniya na parang nagtataka.

Baka alak yung binigay.

"May gift ka pala?" Tanong ko.

"Well duh? Sila nga may gift ako pa kaya?"

"Ano ba binigay mo, alak?"

"Hindi."

"Ano?"

"Bra." Hahampasin ko na sana siya nung umilag ito.

"Bra nga gift ko, ayaw mo pa nun? Pero liniligawan ka talaga ni Lance?" Uminit bigla yung pisngi ko, lumingon muna ako sa paligid baka may nakarinig e.

"Oo, at hinaan mo nga boses mo!" Saway ko.

"TALAGA LINILIGAWAN KA?"

"GLEISEY!" Sigaw ko at tinakpan ang baba niya, walang hiya!

"Ano ba pokpok, ang baho ng kamay mo! Nangangamoy love life e, allergic ako diyan."

"Ikaw nangangamoy ng ampalaya!"

"Excuse me? It's bitter gourd!" Sabi pa nito at nag flip hair.

"Sana all sosyal parin kahit bitter."

"I know right? With Gleisey, everything is possible." Sabi niya ng nakangisi.

"E bakit hindi ka pinili?" Pang-aasar ko.

"Gusto niya sa low standard e."

Ay kapal.

"Si Fred oh!" Sabi ko at tinuro ang ex M.U niya na papasok na sa room niya.

"Hoy pokpok tumigil ka nga!" Saway ni Gleisey, napatawa ako sa mukha nito. Parang natatae!

"FRED! HI KA NAMAN KAY GLEISEY, BESTFRIENDS KAYO DIBA?!" Natatawa kong sigaw, napahinto naman si Fred at napatingin dito; umiwas siya kaagad at bumalik sa ginagawa niya.

"OO NGA BFF BAKIT DI MO AKO PINAPANSIN?!" Napatigil ako sa pag tawa nung sinakyan ni Gleisey ang trip ko.

Parang di umiyak kagabi a.

"Ay affected? Kapal muks a, siya na nga yung nang-friendzone e." Nakasimangot na sabi ni Gleisey nung hindi siya nito pinansin.

"Hayaan mo na, pokpok ka remember?" Sabi ko, kaagad na kaming pumasok sa kaniya-kaniyang classroom dahil nag ring na yung bell, maya-maya ay papasok na si maam. Sayang nga dahil ako lang yung walang kasama mula sa barkada, may elective kasi kami. Lahat sila napunta sa foods.

Ako napunta kay Lance, ay char sa electricity pala.

Nanahimik na ang mga kaklase ko nung pumasok na si maam, nakinig nalang ako kahit lumilipad yung utak ko kung saan saan. Ang boring naman kasi e, tapos next subject nami ay Math. Jusko! Ano ba naman si principal, pinag sama ang Science at Math sa umaga.

"LINDZA! Stop day dreaming, wala ka sa bahay mo!" Bigla akong napabalik sa ulirat nung binanggit ni maam yung apelyido ko.

"Po? Akala ko second home namin to?" Biro ko at lahat naman na kaklase ko ay tumawa, nakita kong uminit ang mukha ni maam at nakakuyom ang kamao nito.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon