☀️ 6

49 12 0
                                    

Chapter Six

“Nak, sinong nag-hatid sayo?” Bungad ni mom nung nakapasok ako, shit! Susunduin pala dapat ako ni dad ngayon.

“Hehe uhm...” Tinignan niya ako ng masama.

Hindi ko alam yung sasabihin ko, jusko.

“Hinatid ako ng gusto ko, mom.”

“Yieeee! Ang tanong, gusto ka ba?” Kung alam mo lang mom.

“Nanliligaw nga e.” Prenteng sagot ko, kaagad niya akong binatukan.

“Walang hiyang bata to! Ba’t hindi mo inimbeta dito sa bahay, papakainin ko pa sana ng hapunan.” Ngumuso ako, hindi man lang ako inayang kumain.

“Pagod na yun ma, maraming ginawa e. Next time; aayain ko siya dito.”

“Yieee! Excited na akong makita yung binabaliwan ng anak ko. Oh siya, magpahinga ka na dun sa kwarto mo.” Tumango nalang ako at yinakap siya bago pumunta sa kwarto ko, kaagad kong kinuha yung cellphone ko at binuksan yung wifi. Kinuhanan ko ng litrato yung relong suot suot ko at pinost yun sa IG story ko with a caption a day well spent.

Oo, nagpapansin ako. Kaagad akong napangiti nung may na receive akong message, pero kaagad yun nawala nung si Gleisey lang pala.

Gleisey_sing si si¯ako na nakilala kita69
Ba’t ako naiingit kahit may relo naman ako?

Napatawa ako sa sagot niya.

Sunshine
Kasi wala kang Lance Merrit.

Gleisey_sing si si¯ako na nakilala kita69
Duh, siyempre hindi naman yan gamit. Umamin kana?

Sunshine
Hindi pa...

Gleisey_sing si si¯ako na nakilala kita69
Ikaw bahala, out muna ako.

Hindi ko na siya rineplyan at tinignan yung notifications ko.

Lance_M sent you a request

Aba, kaagad kong tinignan yung account niya at hindi private! Ang dami niyang followers ha, in fairness mga 6,999. Finollow back ko kaagad siya para ako yung ika-7,000 yieee! Napalaki ang mata ko nung may picture siyang nakadapa sa kama, top less at nakatingin sa camera ng patagilid. Nag comment nga ako.

Sunshine
Ang sarap siguro maging kama.

Kaagad siyang nag-reply.

Lance_M
What the fuck, Sunshine? Reply to my messages.

Tinignan ko ang mga messages ko at ngayon lang nakita na nag message pala siya, nagcha-chat siguro ako kay Gleisey kanina kaya hindi ko manlang nakita.

Lance_M
Just got home.

Sunshine
Mabuti naman kung ganon.

Lance_M

What are you doing?

Sunshine
Tutulog na ako maya maya, mag-aayos lang ako.

Lance_M
Same, sleepwell baby girl.

Sunshine
Ikaw rin, sweetdreams.

Lance_M
Bye, goodnight.

Sunshine
Kiss ko?

Lance_M
:-*

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon