Chapter Eight
"Na-signan na ba ni sir yung letter natin?" Tanong ko kay Gleisey na nakatingin lang sa akin, binabasa ako.
"Kagabi ko palang nagawa yung letter at ipapasa ko na sa principal's office mamaya."
Pag hindi kasi nireject yung letter na ginawa namin ay matutuloy yung activity, kapag hindi edi walang mangyayari. Kakadating ko lang sa paaralan at nakitang hinihintay ako ni Gleisey sa tapat ng classroom ko.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Oo, bati na kami." Sagot ko ng nakangiti.
"Mabuti naman, akala ko derecho Bar of Bachelors tayo mamaya."
"Sa Saturday lang." Bulong ko at tumawa.
"Ay magandang plano yan pokpok, can't wait!"
"Basta wag kang mag-ala stripper dun, dinadamay mo pa paaralan natin e."
"Sige, pero hindi ako magpa-promise." Napairap ako sa sagot niya.
"At wag kang mang asar ng sobra."
"E ano gusto mo? Manghalik ako ganun?"
Tumaas ang kilay ko. "At sinong hahalikan mo?"
"Secret."
"Sino nga?" Tanong ko.
"Wala. Joke lang 'yun pero feeling ko ikaw na yung iiyak sa susunod." Binatukan ko bigla.
"Wag ka ngang ganyan! Hindi pa ako handa!" Tumawa siya.
"Edi ihanda mo yung sarili mo."
Hindi nalang ako sumagot at pumasok na kami sa kaniya-kaniyang classroom nung nag-ring na, kung minamalas nga naman, may graded recitation pa kami. Hindi pa naman ako nakapag-aral, sa subject pa ni Maam Tara.
"LINDZA!" Maam, apelyido ko lang yan, walang rason para magalit ka.
"Yes maam?" Sagot ko at tumayo.
"Why do you think it is important to have a basic understanding of chemistry in your study of Anatomy and Physiology and in return, your study of Exercise Science?"
Luh, Q and A? Sa iba nga, puro what is Chemistry yung tanong e.
"Anatomy and physiology deal with structures within the human body on all scales, from tissue level to cellular level. These disciplines also investigate how structure informs function, for example, by seeing the glenohumoral joint and determining all the functions it has based on the available attachment points for muscles and tendons. It is also important to beyond the cellular level to the atomic level because in the organization of living things, from atoms to whole organisms, every level below determines the functions of the level above. With an understanding of chemistry, one can appreciate the rate of reaction of certain chemical reactions in the body like ADP to ATP and relate that to the functional capacity of a muscle in a certain situation. A basic knowledge of chemistry is required to ask important question in anatomy and physiology like what factors cause a biologically relevant chemical reaction to speed up or slow down, or why certain chemicals cannot enter cells and why that is important in the function of neurons or how the energy to do things, stored in chemical bonds is released and used. On that note, understanding the chemistry of reactions in the body, at a basic level will help in studying the enzymes and cells that make tissue systems work." Pumalakpak ang lahat ng kaklase ko, si maam naman ay parang sasabog sa galit.
Galit dahil sinagot ko ng matino?
"Sit down!" Aba, ano ako aso? Umupo ako ng nakasimangot at pinanood lang sila na nagre-recite.
BINABASA MO ANG
Promises Under the Sunset
Teen FictionHer loud laugh sent sparks of joy in his heart instead of feeling annoyed and that intrigues him, at a young age, there's no doubt that this girl is gorgeous. Her tanned skin shines under the striking light, for him, she's the one who stood out the...
