☀️ 19

44 9 0
                                    

Chapter Nineteen

KUMUNOT ang noo ni Sunshine nung may nakitang pigura sa labas ng kaniyang gate, kakauwi niya lang galing sa mall kasama ang mga kaibigan. Hinatid siya ulit ni Gleisey sa kompanya para makuha ang sasakyan at gamitin ito pabalik sa bahay niya. Natagalan sila ng lubusan dahil ang dami pa nilang pinuntahan na boutiques, ang aarte kasi nina Gleisey at Kassandra. Bumili narin siya ng pagkain mula sa KFC para ibigay sa binata, hindi niya nalang pinansin ang pigura sa labas ng bahay nito at pumarada na.

"Oh, Lance." Gulat na sabi niya nung makita ang binata sa labas ng bahay nito. "I waited for you." Napangiti siya.

"Naayos mo na ba ang mga damit mo? We're leaving early tomorrow." Tanong niya habang lina-lock ang sasakyan, pagkatapos ay kaagad siyang pumunta sa binata para yakapin ito.

Kung may makakita man sakanila, iisipin ng mga 'to na mag-asawa sila.

"Yeah, tapos na. Ikaw ba?" Sagot ni Lance at hinalikan siya sa noo, sa mga oras na iyon ay umiinit ang puso niya dahil sa pinapakita ng binata. "Hindi pa, mag-aayos palang. Pasok ka sa bahay ko, binilhan kita ng pagkain." Sabi ni Sunshine at pinapasok si Lance sa loob ng bahay nito.

Nakita niyang inikot ng binata ang tingin sa kabuuan ng bahay niya. "Welcome to my humble abode?" Patanong na sabi niya. "You have a beautiful home." Napangiti si Sunshine dahil sa sinabi nito.

"Thank you, I also love your house." She said. "I won't stay there for long, bumili lang ako ng bahay dito para hindi na ako mahirapang mag pabalik balik sa kompanya." Nawala ang ngiti sa labi nito at nakaramdam ng lungkot, just by the thought of him being away makes her sad.

"Talaga?" Tanong niya. "I have my own condo." Napatango tango si Sunshine. "Hindi na kita makikita kung ganon?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa binata, linagay nito ang dala dalang KFC sa lamesa.

"I'll leave the house anytime soon, but that doesn't mean I'm leaving you too."

"What do you mean?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "We'll someday build our own home." Uminit ang mukha niya dahil sa sinabi nito.

Hindi pa nga pinapakasalan, tapos may plano nang gumawa ng sariling pamilya.

"Do you really plan on doing that?" Tanong niya. "Do you remember what I said before? I have two goals, first is to become a pharmaceutical scientist. Do you know the other one?" Napako siya kinatatayuan nung maalala ang sinabi sakaniya ng binata noon.

"To marry me?" Bulong niya at yumuko. "Damn right, baby." Sabi ni Lance at inangat ang tingin niya, hindi nito alam ang sasabihin sa binata.

Is he really going to marry her?

"I waited Eight years for you and shit, I'm not waisting anymore time so I could marry you."

Tinignan niya si Lance sa mata, at nung makita na seryoso ito ay nag diwang ang puso niya. Hindi niya akalain na nandito siya ngayon, sa harap ng binata; pagkatapos ng walong taon na hindi sila nagkita. He waited for her, just like how she did with him.

It was a small chance, waiting for someone with no assurance. It was hard for her to face a new day without him. Waking up, riding a car, eating and looking at the sky; all of those reminded her of him.

Sa tuwing pumupunta sila sa Bar of Bachelors ay palagi itong tumitingin sa taas, nagbabaka-sakaling makita siya. Sa tuwing pupunta siya sa kubeta ay nananalangin muna ito, nagbabaka-sakaling maabutan ang binata na nakasandal sa pader.

Pero wala e, kahit anino nito ay wala.

"If only fate didn't separate us...we would have made it." Bulong niya. "But it also brought us back to each other." Sabi ni Lance at yinakap siya.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon