☀️ 10

48 11 0
                                    

Chapter Ten

            Lumipas ang ilang araw at naibalik na nga yung letter na may perma ng principal, nang dahil dun ay naging abala ang bawat antas ng baitang sa pag gawa ng kaniya-kaniyang booths. Ang SHSC at HSSC ay tinuon ang pansin sa venue ng University week’s evening ball, bawat governor ay nabigyan ng mga gawain.

Kasalukuyang nasa stage si Sunshine kasama ang ibang HSSC at nag a-assemble ng mga gamit sa stage, Si Gleisey ay nasa baba at sinasabi kung saan ilagay ang mga decorations. Si Sunshine naman ay kasama ang mga lower years na inaayos ang mga lamesa at upuan, siguradong abala rin sina Killani sa pag gawa ng mga booths.

“Oh HSSC, lunch muna tayo. Kanina pa kayong nagtatrabaho diyan, nice venue!” Napatingin ang lahat nung pumasok ang vice chairman kasama ang buong SHSC na maliit lang kumpara sa HSSC.

“Thank you!” Sagot naman ni Gleisey, kaagad na lumapit si Sunshine kay Lance at yumakap dito.

“Ang lambing natin a.” Lance said. “Bawal ma-miss ang jowa?” I sarcastically asked.

“Syempre, pwede.” Sabi niya at hinalikan ako sa gilid ng labi. “Omg, nangangamoy pag-ibig dito. Allergic pa naman ako.” Napairap ako sa sinabi ni Gleisey.

“Tawagin ko si Fred e.” Pang aasar ko.

“Wala akong pake, oh hi! Nandito ka na pala.” Sabi niya at lumapit sa lalaki na nakasandal sa pader at halatang may hinihintay, kaagad niyang binigay ang Iced coffee na hawak hawak nito kay Gleisey at umalis na sila.

May tinatago ang pokpok.

“Allergic daw sa pag-ibig, amp.” Sabi ko. “We’re having lunch together with SHSC, if that’s okay with you?” Lance asked. “Ano ka ba naman, syempre oo.” I answered.

Umalis na kami dun at sama sama kaming lahat na sumakay sa kotse ni Lance, tutal hindi naman sila ganoon ka dami at SUV ang dala ni Lance.

“Hindi parin ako makapaniwala, crush mo noon jowa mo na ngayon bossing; astig!” Napatawa ako sa sinabi ng vice chairman na si Karl.

“Crush niya ako?” Tanong ko. “Nako nako, sobrang crush ka niyan. Naalala  ko nung grade 7 ka at grade 9 kami, sobrang curious kung ano ba daw ang pangalan mo nung malaman niya; palagi ka na niyang hinahanap at—”

“Gusto mong lumakad papuntang KFC?” Pananakot ni Lance. “Sabi ko nga e, joke lang!” Sabi ni Karl at may pa peace sign pa.

Maya maya ay nakarating narin kami sa KFC, kaagad kaming humanap ng mauupuan at sinabi na yung mga orders namin kay Lance.

“My treat!” I said and all of them cheered. “No, my treat.” Lance insisted.

“Ako na ang babayad, love.” Sabi ko ulit. “Nope, ako na.” Tinignan ko siya ng masama. “Ako ang babayad, LANCE.” I said and sweetly smiled. “Sabi ko nga, wag mo lang ako tawagin sa pangalan love.”

Binigay ko sakaniya ang 1,500 ko at pumunta na siya sa counter para mag-order.

“Paturo ako.” Sabi ni Karl. “Saan?” Nagtatakang tanong ko. “Kung paano mo na i-crushback si bossing.” Napatawa ako.

“Hindi ko rin alam e, depende nalang siguro sa babae.” Sagot ko at nag kibit balikat, ngumuso naman ito.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik narin si Lance kasama ang isang staff, linahad niya na ang mga pagkain isa isa. Napanguso ako nung hindi niya ako binigyan.

“Nasaan na yung kakainin ko?” Nakangusong tanong ko. “Nandito oh.” Sagot niya at tinuro ang sarili.

“Eyyy, bossing walang ganyanan. Respeto naman sa hindi kina-crushback.” Sabi ni Karl.

“Charot, eto oh.” Sabi niya at linapag ang pagkain sa harap ko, kaagad siyang umupo sa tabi ko at sabay na kaming kumain. Ang iba sakanila ay nag-uusap parin habang kumakain habang kami naman ni Lance ay nanatiling tahimik.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad rin kaming bumalik sa eskwelahan dahil marami pa kaming tatapusin, lumipas na nga yung ilang araw at bukas na magsisimula ang University Week kaya siguradong late na kami uuwi mamaya.

“Nasan na yung sukli ko?” Tanong ko kay Lance nung bumaba na yung SHSC. “Akin nalang, please?” Nag puppy eyes ito. “Kung maka asta ka, parang wala kang pera.” Sagot ko. “Gusto ko pera mo e.” Sabi niya naman.

“Gold digger ka?” I joked. “Hindi, pero kaya kong kukutkutin kweba mo.”

Nanlalaking mata ko siyang binatukan, mabuti nalang at kaming dalawa yung nandito. Umiiral na naman kasi ang pagiging manyak, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko sa lalaking ‘to.

“Keep the change nalang.” Sabi ko at ngumiti naman siya. “Thank you, baby.” Sabi niya at hinalikan ako, hihiwalay na sana siya nung hinawakan ko ang panga niya.

Nang dahil dun ay maslalo siya naging agresibo at pinalalim ang halik, napangisi ako. I tugged his hair and licked his lips, dominating the situation; I allowed myself to enter his means of access and explored every part of it. Escaping my mouth, was the tiny moan when Lance bit my bottom lip.

“Once you started it, you can’t go back.” I sat on his thigh, facing him. “Talk, kiss, tongue.” I whispered. “Damn, roger that baby.” He said and slammed his lips onto mine.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

“Ate, dumudugo yung labi niyo.” Namula ako sa sinabi ng grade 7 student, napatingin naman sakin si Gleisey na ang sama ng tingin pero nakangisi naman.

“Ah wala lang ito.” Sabi ko at ngumiti.

“Pokpok ka talaga, halika nga. Punta tayo sa clinic.” Sabi ni Gleisey at kinaladkad ako. “Wag na, ano yung idadahilan ko?” Nag-aalalang tanong ko.

“Ano sa feeling?” She asked. “Mesherep.” Sagot ko at inipit pa yung buhok sa likod ng tenga ko. “Pokpok ka.” Natatawang sabi ni Gleisey.

Wala tuloy akong choice kundi ang magpa-kaladkad sakaniya, kasalanan ko naman e.

Nauhaw ako bigla.

“Nako, iha! Anong nangyari sa labi mo?” Bungad ng school nurse. “Kinagat po ng malaking insekto.” Sagot ni Gleisey. “Bakit namamaga?” Tanong ulit ng nurse at sinuri ang labi ko. “Hindi po kasi mawalay yung insekto, pinilit niya nalang na tanggalin.”

I mentally clapped, galing ng kaibigan ko.

Pagkatapos nun ay binigyan niya ako ng ice pack para mabawasan daw yung swelling, napapailing tuloy ako. Kaagad kaming bumalik sa main theater ng university, dun kasi namin ihe-held ang event. Malaki kasi at convenient sa mga estudyante, may aircon rin.

“Hindi ako makapaniwala.” Sabi ni Gleisey. “Bakit naman?” I asked. “Namana mo talaga sakin yung pagiging pokpok mo.” Sagot niya at umaktong umiiyak, umirap ako.

Lumipas ang ilang oras at natapos na nga yung lahat, inayos narin namin yung mga gamit para sa catering nung dinaan ng truck ang mga gamit para bukas. Napatingin kami kay Killani nung pumasok ito habang nakasuot parin ng sports attire, nag-training kasi sila sa volleyball. Ganun rin si Airelle sa baseball, at si Gabrielle sa Arnis.

“Anong nangyari diyan?” Tanong ni Killani at tinuro ang labi ko. “I will call it, unleashing my inner hoe.” Sagot ni Gleisey. “Oh nandiyan na kotse ng malaking lamok.” Sabi ni Airelle habang nakangisi.

Na-gets niya yun?

Kinuha ko na ang bag ko at bumeso muna sakanila bago pumunta sa sasakyan ni Lance. Pagkapasok ko ay kaagad niyang napansin ang namamagang labi ko.

“Anong ngini-ngisi ngisi mo diyan.” Masungit na sabi ko. “Mag so-sorry sana ako kaso nangingibabaw ang pagiging proud ko e.” Umirap ako.

“Akalain mo ‘yun?” Tumigil siya. “Ano?” Tanong ko. “Good kisser pala jowa ko.”

“Nasarapan ka naman?” I joked. “Oo naman, parang vacuum e.” Tangina nito.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon