☀️ 7

50 12 2
                                    

Chapter Seven

@
Napahinto ako nung nakita si dad na seyosong nakatingin sa labas ng bintana habang si mom naman ay nakangiti sa akin.

“D-dad, hi.” Nauutal na sabi ko.

“Meron na palang prinsipe ang nag-iisang prinsesa ko tapos hindi ko pa alam.” Seryosong sabi ni dad.

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko, parang na mental block ako bigla. Si dad yan e, protective mula nung bata pa ako. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

“Dad kasi---”

“Invite him tomorrow.” Sabi niya at umakyat sa taas, nakanguso akong tumingin kay mom na parang tatawa.

Mom naman e!

“Sundan mo dun nak, lambingin mo. Parang ikakasal ka na sa paningin niya e, OA ng dad mo.” Natatawang sabi niya kaya napailing iling nalang ako bago pinuntahan si dad sa balcony.

“Daddy ko~” Malambing na sabi ko at nakitang ngumuso ito.

Kita mo lang, ang lambot.

“Sunshine naman kasi e, bakit hindi mo sinabi?”

“Sasabihin ko naman po.”

“Kailan pa, anak? Pag 2 years na kayo?”

“Hindi naman dad, I’m sorry.”

“Sige na nga, hindi kita matiis e. Basta ipakilala mo siya samin bukas.” Tumango nalang ako at yinakap siya bago tumungo sa kwarto ko.

Kaagad kong tinext si Lance.

To: Merri(me) t
Gusto kang makilala nina dad bukas.

Kaagad siyang nag-reply.

From: Merri(me) t
Ayos! Hingin ko na kaya kamay mo?

To: Merri(me) t
Gago ka ba, wala kang kamay?

From: Merri(me) t
Meron naman.

To: Merri(me) t
Bukas, dinner with the fam ha?

From: Merri(me) t
Excited na akong makita sina mom and dad!

To: Merri(me)
Magulang ko yun, ulol.

From: Merri(me) t
So? Magulang ka na rin yun.

To: Merri(me) t
So mo mukha mo, sosohin kita diyan e.

From: Merri(me) t
Bukas sa CR.

To: Merri(me) t
Gago ka, matulog ka na nga diyan!

From: Merri(me) t
Sige love, goodnight ily.

“AHHHH!” Sigaw ko at gumulong gulong sa kama habang yakap yakap ang cellphone ko, shet I love you daw. Napatingin ako ulit sa cellphone ko nung nag-vibrate yun.

From: Merri(me) t
I like you;-)

Issa prank, joke lang yun gaiz!

Makatulog na nga!

SA KABILANG dako ay nakaupo si Lance sa kama at napahawak sa buhok, kahit anong biro niya ay hindi parin maitatanggi ang katotohanang nine-nerbyos siya. Napatawa ang binata nung mapatingin sa cellphone at nakitang hindi parin naka-reply ang sinisinta.

Sabi ko gusto kita, pero ang sinisigaw ng puso ko ay mahal kita.

Simula palang nung grade 8 ka.

KINAUMAGAHAN ay pumasok si Sunshine na nakabusangot, hindi parin siya nagre-reply sa message ng ka-ibigan, ewan ba kung bakit siya naiinis e ano yung ma e-expect niya? Na masasabi ni Lance na ‘mahal kita’ kung nakilala nila yung isa’t isa noong isang linggo pa. Pumasok ng nakatulala, umupo ng nakatulala, hindi maintindihan yung line-lesson dahil nakatulala.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon