Chapter Thirteen
"Shat?" Ang aga aga, ganiyan kaagad ang bungad sakaniya ng kaibigang si Gabrielle. "Ano ba! Ke-aga aga 'yan kaagad ang gagawin mo, de bale nang mabigo ako basta wag lang masira ang atay ko." Napasimangot naman ito dahil sa sagot ni Sunshine.
"Nagtatanong lang naman ako." Sabi ni Gabrielle at nagkibit balikat sakaniya. "Mukhang masaya ang iba diyan a." Sulpot ni Killani at tinaasan siya ng kilay.
"Sino? Sino? May nadiligan na ba?" Tanong naman ni Gleisey at lumingon lingon pa sa paligid habang nakatapat ang kamay sa noo na para bang may hinahanap.
"Anong nadiligan ang sinasabi mo diyan, pokpok ka talaga!" Sabi ni Airelle at binatukan ang kaibigan. "Masyado kang mapanakit ha! Kaya ka minumulto e, ghosted!" Pang-aasar ni Gleisey, napa-iling iling nalang si Sunshine dahil sa mga kaibigan niya.
Kasalukuyang nasa field sila dahil may faculty meeting hanggang sa hapon kaya wala silang klase, hindi ni Sunshine maiwasang mapangiti ng mag-isa habang iniisip ang mga nangyari sa nakaraang araw. Sa ilalim ng palubog na araw silang nagparamdam ng pagmamahal sa isa't isa.
Hindi sa sekswal na pamamaraan, ang puso nilang dalawa ay tumitibok ng magkatugma. Ang kahel na tinakpan ang buong kalangitan, mga halaman na sumasayaw sabay sa malakas at makalma na hangin. Dalawang tao na nagmamahalan, yakap yakap ang isa't isa at labing nakadikit, ipinapahayag ang pag-ibig na walang makakapigil.
Sakit na lumihis dahil sa yakap ng lalaking nagdulot rin ng sakit. Siya lang, si Lance lang ang gamot sa sugat niya.
"Guys! Sorry, sakin siya muna." Napabalik siya sa ulirat nung may humigit sa braso niya at kaagad siyang kinaladkad sa parking lot. "Hoy! Wag mong itanan ang kaibigan ko!" Binatukan naman ng mga kaibigan niya si Gleisey.
"No! Sunshine! Wag mo 'kong iwan!" Madramang sigaw ng kaibigan, hindi niya alam kung matatawa ba siya o mahihiya dahil kay Gleisey.
"Nababaliw na ata ang kaibigan mo." Napatawa siya sa sinabi ni Lance. "Baliw na talaga 'yan walang pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao sakaniya." Sagot niya.
"Well that's good, some girls are so arrogant because a lot of people compliments them. Nasabihan lang na maganda, naging hambog na." She can't help but to agree with him. "Tumpak ganern! Kaya nga maraming naghahabol diyan e, walang ka-arte arte. I mean, maarte naman pero minsan lang."
Naalala niya ang mga ginawa ng kaibigang si Gleisey, hindi niya nga inaasahan na maging kaibigan niya ito dahil sa mukha palang kaagad ka nang matatakot. She doesn't look approachable, but she's the best bitch you could ever ask for!
Same with the pokpok squad, para sa iba mga bad influence ito. But they don't know how their friendship works, people just need to stop being so fault-finding! Mga feeling malinis.
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong niya. "Sa langit, gusto mo?" Nakangising sagot ni Lance. "Hoy, ayaw ko pang mamatay!" Sabi niya at tinampal ito sa braso.
"Patay na patay ka nga sakin e." Napa-irap siya. "Hambog." Bulong niya at nag-krus ng dibdib.
Naisipan nalang ni Sunshine matulog pag samantala dahil wala naman itong ideya kung saan siya dadalhin ng kasintahan, kung hindi niya lang 'to kilala siguradong kakasuhan niya ito. May tiwala naman siya kay Lance kaya nagpabaya nalang ito kung saan man siya dalhin, lumipas ang ilang minuto at naramdaman niya na niyuyugyog siya ni Lance.
"We're here." Sabi ng kasintahan kaya gumising na ito at tumingin sa labas ng bintana. "Sa amusement park mo pala ako dadalhin, hindi mo man lang sinabi."
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Aba. "Dahil girlfriend mo ako?" She answered, stating the obvious. "Naks! Kinareer mo na ang pagiging girlfriend a." Umirap siya sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Promises Under the Sunset
Teen FictionHer loud laugh sent sparks of joy in his heart instead of feeling annoyed and that intrigues him, at a young age, there's no doubt that this girl is gorgeous. Her tanned skin shines under the striking light, for him, she's the one who stood out the...
