☀️ 12

41 10 0
                                    

Chapter Twelve

Hours turned to days, days turned to weeks, nababaliw na si Sunshine dahil lumipas na ang dalawang linggo; hindi parin nagpaparamdam ang kasintahan sakaniya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait sa tuwing nag o-over think, kasalanan niya ba? Mababaw ba siya?

Baka ang hirap niyang pakisamahan, baka ang hirap niyang mahalin. Hindi niya alam kung paano siya natitiis ni Lance, baka ako ang problema 'yan ang palaging pumapasok sa isip niya.

Maybe I was too irrational? Maybe I was too sensitive.

Alam niya naman na may kasalanan rin siya pero putangina lang! Nasasaktan siya sa mga nangyayari, parang walang katapusan ang pag-aaway nila ng kasintahan. Siya pa mismo ang nagsabi na ayaw niyang matapos ang araw ng hindi sila mag kabati, pero napapabayaan niya na ito.

Kahit isang hi lang sana.

"Tulala ka naman." Napabalik siya sa ulirat nung marinig ang kaibigang si Gleisey, lahat sila ay pag samantalang nasa coffee shop para mag catch up. Kakatapos lang kasi ng 2nd quarter exam nila.

Pilit siyang ngumiti. "Ah, wala lang 'to kulang lang siguro sa tulog." Sagot niya sa kaibigan.

'Yan naman palagi e, hindi naman siya pinapansin ng nobyo kaya pilit ya nalang ilihis ang atensyon sa pag-aaral niya. She should separate studies from personal life, ayaw niyang magkaroon ng distraction. Although mabigat parin ang damdamin niya at pilit naman nitong pinapagaan ang nararamdaman niya.

"Hindi parin kayo bati?" Tanong ni Airelle. "Hindi, e." Sagot niya at umiwas ng tingin.

"Parang siya pa ang babae sa inyong dalawa, real talk." Sulpot naman ni Killani. "Sayang, wala akong gin." Sabi ni Gabrielle at nagkibit balikat.

"Gaga, nasa coffee shop tayo! Kung gusto mo, espresso ang i-shat natin para madagdagan ang pagka-bitterata ni Sunshine." Napailing iling siya sa sinabi ni Gleisey.

"Nako, sparring lang sa Arnis ang katapat ng nobyo niyan." Sabi ni Killani. "Syempre mahilig ka kasi sa stick e diba? Crush mo stick na, barbie pa." Binatukan naman ni Killani si Gabrielle dahil sa sinabi nito.

"Ang bilis ng panahon, mag thir-third quarter na. Malapit na ang prom, malapit narin silang maghiwalay." Napalaki ang mata niya sa sinabi ni Gleisey. "Hoy, wag naman ganiyan." Sabi niya at kumatok ng ilang beses sa lamesang gawa sa kahoy.

"Ah basta ang alam ko lang ay...masarap sa pakiramdam ang maging single." Sabi ni Killani. "Kaya ka pala humihingi sakin ng ka-chat a."  Pang-aasar ni Gabrielle.

"Ipokrito karing babae ka." Sabi ni Sunshine kay Killani. "Kagaya ng jowa mo?" Kaunti nalang talaga, masasabunutan niya na si Gleisey.

"Bakit kaya nandun ulit si Maam Tara sa school? Akala ko nakuhanan na 'yun ng licensya." Napataka rin siya, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa bata na hindi niya alam kung nakaratay parin ba sa ospital.

"I'm not even surprised, a dirty person doesn't play clean we all know that." Nakangising sabi ni Gleisey at sumimsim sa iced coffee nito.

Bagong problema na naman ba?

ANG KATAPUSAN ng linggo ay lumipas na kaya'y balik aral na naman sila, prenteng nakaupo si Sunshine sa upuan nito habang humihintay sa guro. Ang mga kaklase niya ay tinatapunan siya ng nakakatakang sulyap dahil tahimik ito sa nagdaang linggo.

She can't just act all happy when she knows that deep inside, a heartrending feeling has been staying within her for weeks now. Sunshine tried to keep herself busy and divert her attention to numerous things hence; to lift up the weight on her shoulders but it won't just go away.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon