Chapter Nine
“Oh shat, sige pa!” Sigaw ni Gleisey at inabot yung shot glass kay Sunshine na nag-uumpisa nang mainitan dahil sa padali nitong pag inom ng alcohol.
Apat na araw yung lumipas, hindi parin nagpaparamdam si Lance. Ghosted na ba ako ‘nun?
“Oh Primera.” Sabi naman ni Gabrielle at binigay sakaniya ang baso nito.
“Hoy wag niyo ngang inaano yang si Sunshine, pero ito oh San Mig apple.” Sabi rin ni Killani at kumuha mula sa bucket at binigay ‘yun sakaniya.
“Sorry, loyal ako sa Gin.” Napairap si Sunshine ng mata nung sinabi ‘yun ni Airelle.
Ano pa ba yung aasahan natin, edi sa Bar of Bachelors parin ang punta nila. Si Sunshine ay tahimik lang na pinapanood ang mga kaibigan niyang nag-iingay.
“Alam niyo, nag-alcohol ako kaagad nung hinawakan ko ang panga ni Tara, nangati ako bigla shet!” Sigaw ni Gleisey.
“Muntik ko nang sinapak si Lance, akala niya hindi namin nahahalata.” Napangiti ng mapait si Sunshine.
“Hayaan niyo na, ganiyan siya e.” Sabi niya at ininom yung Primera na binigay sakaniya.
“Pokpok naman kasi, halatang nasasaktan ka.” Nakangusong sabi ni Gleisey.
“Alangan namang hihiwalayan ko, mahal ko ‘yun e.”
“Halika nga rito!” Naiinis na sabi ni Airelle at hinigit siya papunta sa bisig nito.
Kaagad na sumiksik si Sunshine sa damit ni Airelle at pinakawalan ang mga luha na kanina niya pang pinipigilan, patuloy na kumikirot ang dibdib niya sa tuwing naaalala ang mga nangyari.
“Gaga ka, naiiyak tuloy ako.” Sabi ni Killani at suminghot.
Patuloy lang sa paghinga ng malalim si Sunshine para pakalmahin yung sarili niya.
“Hindi, okay lang ako.” Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya.
“Yan naman palagi yung linya ng mga nasasaktan e.” Mapait na sabi ni Gleisey.
“Tara, sayaw.” Sabi nila at kaagad na kinaladkad si Sunshine papunta sa harap, nakatayo lang siya dun habang umalingawngaw ang malakas na musika sa buong bar. Unti unti siyang napangiti nung bumago yung music at napuno ng lila na kulay ang buong sulok ng silid.
“Ey ey ey!”Sigaw niya sa kaibigang si Gleisey nung tumalon talon ito, maya maya ay nadala narin si Sunshine. Humawak siya sa bewang ng kaibigan at ginalaw ang katawan niya sa tugtog ng musika.
“Oh, vodka.” Sigaw ni Airelle at binigay yun sakaniya, wala sa sariling kinuha niya ito at ininom. Napangiwi si Sunshine nung maramdaman ang mapait na likidong gumuguhit ng init sa lalamunan niya.
“Tangina ano to, gamot?” Reklamo niya at umaktong nasusuka.
“Gaga wag ka kasing galaw ng galaw, hindi kita maabutan. Lemon oh.” Sabi ulit ni Airelle at inabutan siya ng lemon, kaagad niya yun kinuha at sinipsip. Bumalik siya sa pag-sayaw, headbang dun headbang dito. Sa mga oras na yun ay nakalimutan niya ang sakit, tumigil siya sa pagsayaw at tumayo ng tuwid ngunit biglang umikot ang tingin niya. Bumabaliktad rin ang sikmura niya.
“CR muna ako.” Sabi niya at umalis dun, pagewang gewang siya habang lumalakad, patuloy niyang nakikita ang mga bituin na naglalaro sa paningin niya.
“Tangina, stargazing.” Bulong niya at napahawak sa pader.
Hindi na siya nag abalang mag excuse sa mga taong tinatakpan ang daan niya, pilit niya nalang siniksik ang sarili para makapunta na sa kubeta. Naramdaman niyang may humawak sakaniya ngunit agresibo niya itong binugaw, pagkarating niya sa CR ay kaagad siya lumuhod sa harap ng inidoro at nilabas ang lahat niyang inipon sa tiyan.
BINABASA MO ANG
Promises Under the Sunset
Teen FictionHer loud laugh sent sparks of joy in his heart instead of feeling annoyed and that intrigues him, at a young age, there's no doubt that this girl is gorgeous. Her tanned skin shines under the striking light, for him, she's the one who stood out the...
