☀️ 16

49 9 0
                                    

Chapter Sixteen

MAHINANG napamura si Sunshine nung marinig ang sige sige na pagtunog ng doorbell, may kasama pang hampas sa gate niya. Kung sino man iyon ay parang gusto niya 'tong patayin, hindi pa tumunog ang alarm clock niya ay kaagad nang nagising ang kaniyang diwa.

"TAO PO! PABILI NG GIN!" Sinubsob niya ang mukha sa unan nung marinig ang boses ng kaibigang si Gabrielle, pinilit niyang matulog ulit at hindi ito pinansin ngunit patuloy na umalingawngaw sa bahay niya ang tunog ng doorbell at hampas sa gate niya. Inis na inis siyang bumangon at padabog na pumunta sa labas ng bahay nito.

Kaagad na bumungad kay Sunshine ang tatlong kaibigan na mukhang tuwang tuwa pa sa ginagawa, si Gabrielle ay patuloy na pinipindot ang doorbell, si Airelle naman ay malakas na hinahampas ang gate at si Killani ay nagpipindot rin ng doorbell; pero sa mga kapitbahay niya. Mabilis naman itong tumatakbo paalis habang tumatawa.

Bakit nandito ang mga 'to? Hindi pa maliwanag sa labas.

"Hoy, tumigil nga kayo! Dini-disturbo niyo ang mga natutulog na tao!" Sigaw niya at pinapasok na ang mga kaibigan. "Hay, nako! Ang tagal mo kaming pinaghintay sa labas." Nakasimangot na sabi ni Killani.

"Bakit ba kayo nandito? Mga disturbo kayo." Masungit na sabi niya. "May gin ka ba?" Tanong ni Gabrielle, binatukan niya naman ito. "Hindi pa kayo nadala sa nangyari dun sa bar? Nag mukha kayong sabog." Umirap siya at dumerecho sa kusina.

"Charot lang, nandito kami para kumain!" Masayang sagot nito. "Oo nga! Yaya, go make us some food!" Sulpot ni Airelle kaya kaagad niyang kinuha ang kutsara at tinapon 'yun sakaniya.

"Ginawa niyo na akong babysitter, tapos gagawin niyo pa akong yaya! Ano kayo, feeling VIP?" Masungit niyang sabi ngunit lumuto parin ito ng agahan, sila nalang ang ipapa-hugas niya ng mga plato.

"Mukhang masarap 'yan a." Sabi ni Killani mula sa likod niya, lumuluto kasi siya ng Pesto Chicken Pasta para kaagad na mabusog ang mga ito at hindi na siya kukulitin. Bibigyan niya rin si Lance ng linuto niya.

Kung noon ay puro fast-food sila, ngayon ay iniba na niya. Duh, kung gusto niyang asawahin ang binata dapat lang na marunong ito lumuto.

Sa loob ng walong taon ay hindi siya nag tangkang kumerengkeng sa iba, ayaw rin naman nitong mag hanap ng iba para lang malimutan ang binata. She doesn't want to hurt someone by making them as her rebound.

Deep inside her heart, she knows that her feelings never changed. Despite of the years they spent apart, time healed them, pain made them grew in ways where both of them are ready to fight for love again. Finding someone was like finding a replacement for Lance.

"Sunshine." Napabalik siya sa ulirat nung binanggit ni Killani ang pangalan niya. "Sorry, nadala ako sa bango ng linuluto ko." Sabi niya at mahinang tumawa. "Wow bango! Ano iyan-------yuck green! Mukhang healthy, allergic ako diyan." Napairap siya sa sinabi ni Airelle.

"Green nga utak mo e, hindi rin 'yan healthy." Sulpot ni Gabrielle. "Dun na nga kayo! Matatapos na ako dito." Pagtataboy niya dahil hindi siya makagalaw ng maayos, sumunod naman ang mga ito sakaniya.

Kaagad siyang napa-iling nung umalingawngaw sa buong sala ang musika, rinig na rinig rin niya ang tawa ng mga 'to. Swerte nalang nila pag walang sumugod sa bahay niya at mag reklamo, ang iingay pa naman ng mga kaibigan niya. Lumipas ang ilang minuto at napataka siya nung nanahimik ang mga kaibigan niya.

Pag ang mga 'yan ay tahimik, siguradong may kababalaghan itong ginagawa.

Pinatay niya na ang stove at linagay muna ang pagkain sa lamesa, nag lagay rin siya sa isang tupperware dahil ibibigay niya 'yun maya maya kay Lance. Pag punta niya sa sala ay hindi niya nadatnan ang mga kaibigan, kaagad siyang lumabas sa bahay dahil baka kung ano na naman ang ginagawa ng mga 'to sa kapitbahay niya. Pero wala rin siyang nakita.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon