☀️ 4

54 11 0
                                    

Chapter Four

“Mom I need to buy some things for my projects, punta akong mall.” Sabi ko kay mom habang lumuluto siya sa kusina.

“Do you have money?”

“Yes mom, gagamitin ko ang savings ko.”

“Char lang nak, take my credit card. Sumabay ka nalang din kay daddy mo.” Insakto namang bumaba si dad.

“Daddy koooo~” Tumakbo ako papunta kay dad at yinakap siya ng mahigpit, napatawa naman si mom sa inasta ko.

“Lumalaki, maslalo nagiging baby ah.” Biro ni dad at niyakap rin ako.

“Sana all may abs.” Sabi ko at tumawa siya, tumatanda ata ng paatras ang magulang ko.

“Dahil dito nagawa ka diba babe?” Tanong ni dad kay mom na biglang namula.

“Respeto sa single~” Kanta ko.

“Mag syota ka kasi, babe pwede mo ihatid si Sunshine sa mall? May bibilhin e.”

“Of course, pero may kaylangan muna akong iwan sa corporation.” Binigay na ni maam ang baon ni dad sakaniya at namaalam na kami.

“How’s school nak?”

“Mahirap pero kaya naman dad, bakit?” Tumingin ako kay dad, ang gwapo naman ni daddy parang teenager parin. Ang ganda ng lahi namin hihi.

“You’re graduating already.”

“Yes dad, I’m aware.”

“Look outside.” Tumingin naman ako sa labas ng bintana at tumambad sa akin ang malaking Lindza Hospital Corp.

“The corporation will be passed down to you years after you graduate in college Sunshine.” Kumunot ang noo ko.

“I know dad, what are you implying?”

“I’ll train you hard nak, kayanin mo ha?” Natakot ako bigla.

“Of course dad.” Napangiti si dad at hinalikan ako sa noo nung naka park na kami.

“I’m just going to drop off my papers, ihahatid kita kaagad sa mall.” Tumango ako at lumabas na kami sa kotse.

“Good morning Mr. Lindza!” Napataas ang kilay ko, si dad lang ang babatiin nila? Naningkit bigla ang mata ko nung nakitang pinaglalawayan ng mga babae si dad.

Parang masisira ang araw ko a.

“Excuse me po, may nadiligan na si dad at ako bunga nun! BACK TO YOUR WORKS!” Nakangiti kong sabi sa una pero kaagad silang bumalik sa kaniya kaniyang trabaho nung medyo tinaas ko ang boses ko sa huli.

Imposibleng di nila kilala so mom, sumbong ko sila.

“Mas nakakatakot ka pa sakin, nak.” Sabi ni dad, dalhin ko kaya si Gleisey dito? Tignan natin, pagkatapos namin ay kaagad akong hinatid ni dad sa mall.

Ang lonely naman, mag isa lang ako dito. Inaya ko nalang sana si Gleisey pero siguradong hangover yun ngayon, kakabalik lang rin ni Killani mula sa business trip kasama ang magulang niya kaya siguradong jetlagged yun, hindi nga naka-attend ng birthday ko e. Date time with me, myself, and I. Hindi ko tuloy maiwasang ngumuso habang bumibili.

“Diba ikaw si Sunshine? Kaibigan ni Gleisey?”  Not again.

“Yep, why?” Tanong ko sa lalaki.

“Pwede mo ko retohin?”

Kapal.

“P-Retohin ko kaya pagmumukha mo? Kapal e!” Nakakainis! Padabog kong kinuha ang mga binili ko sa counter at umalis na dun, gamitin ba na naman ako para makalapit kay Gleisey.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon