☀️ 18

49 9 0
                                    

Chapter Eighteen

HINDI maalis-alis ang malapad na ngiti sa mukha ni Sunshine, bagong araw na ang haharapin ngunit hindi parin ito maka-get over sa nangyari. Paano ba naman, first in Eight years laplapan 'yun. Maaga siyang gumising para lumuto ng Adobo dahil ibibigay niya 'to kay Lance bago dumerecho sa kompanya.

Dumungaw si Sunshine sa bintana ng sasakyan para tignan kung nakaalis na ba ang binata, at oo nga; hindi niya nakita ang kotse nito na nakaparada. Kaya nagmaneho nalang ang dalaga patungo sa kompanya ni Lance, sumasabay ito sa himig ng musika dahil sa sayang nadarama.

Kahit namamaga ng maliit ang labi ay hindi nito pinagsisihan ang nangyari kahapon, labis siyang nangungulila sa binata at kahit ano man ang mangyayari sakanila ay tatanggapin niya ito ng buong puso. Mabuti nalang at may GPS dahil hindi alam ni Sunshine ang ruta patungo sa kompanya ni Lance, hindi pa naman ito nakapunta doon.

Kaagad siyang pumarada sa parking lot nung makarating na, pagkapasok nito sa kompanya ay may ilan sa mga nagtatrabaho ang bumati sakaniya. "Good morning madam, do you have an appointment with Mr.Merrit?" The receptionist talked with professionalism.

"No, I'm just here to drop off something." Sunshine answered. "Please wait for awhile, madam. Can I get your name?"

"Sunshine Lindza." Nanlaki ang mata ng receptionist na akmang tatawag sa telepono. "I apologize, Mr.Merrit's office is on 7th floor. The secretary will be there to accompany you, have a good day Madam Lindza."

"Thank you." Sabi niya at dumerecho na sa elevator, pagkarating sa ika-pitong palapag ay lumabas na siya. Napataas ang kilay nito nung hindi manlang siya pinansin ng secretary.

"Is Lance inside?" Tanong niya. "Bakit?" Parang gusto niya matawa ng sarkastiko dahil sa sinabi nito.

"I want to see him." Simpleng sagot niya. "Isa ka ba sa mga babae niya? Well I'm sorry to say but my baby boy is busy." Umirap siya sa sinabi nito.

'Wag niya akong inaano.

Tinalikuran niya nalang ang sekretarya at tumungo sa pintuan kung saan ang opisina ni Lance, pero bago pa ma 'to makapasok ay may isang kamay na marahas siyang hinigit pabalik. "He's busy nga! Hindi mo maintindihan?" Muntik na siyang napangiwi sa matinis nitong boses.

Kung paano 'to naging sekretarya, ay hindi niya alam.

Agresibo niyang tinaboy ang kamay nito. "Don't touch me." Seryosong sabi niya at pumasok, kaagad namang napatingin si Lance sa gawi nito.

"You're here." Sabi ng binata na ikinatango niya lang. "I can't believe that you hire secretaries like her, so unprofessional; tinawag ka pang baby boy sa harap ko." Nakasimangot na reklamo ni Sunshine.

"Are you jealous?" Nang-aasar na tanong ni Lance, tinignan niya naman ito ng masama. "Pag sinabi kong oo, anong magagawa mo?" Pagtataray niya.

"Ganyan ba talaga ang sekretarya mo? Hindi manlang ako binati, hindi manlang ako tinanog kung may appointment ba ako. Pinagkamalan pa ako na isa sa mga babae mo." Naiinis na pag patuloy niya.

"Tatanggalin ko nalang, love. Wag ka nang magalit diyan." Uminit ang mukha niya dahil dito, akala ni Sunshine ay de-depensahan nito ang sekretarya.

"Pero...ganiyan ba talaga ang mga sekretarya mo?" Tanong niya. "No, she was hired yesterday." Napatango tango siya sa sagot ni Lance.

First day ngayon tapos matatanggal na, so sad.

"Hindi naman ako magtatagal, pumunta lang ako dito para ibigay 'tong Adobo." Sabi niya at linahad ang styrofoam food container na kaagad namang kinuha ng binata. "Luto mo?" Nakangiting tanong nito.

Promises Under the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon