Nang matapos kaming mag-enroll nagyaya akong pumunta sa Dakasi na malapit sa school. "Hintayin muna natin 'yung pinsan ko. Gusto ko kasing makilala ni Addie e." Sabi ni Harry.
Nginisian n'ya lang ako at bumaling sa mga kaibigan namin. Pumayag naman sila kaya wala akong nagawa kung hindi umupo muna sa bench.
"Oh ayan na s'ya!" Sabi ni Harry at inakbayan ang pinsan nya.
Tumayo naman kami at paglingon ko sa pinsan n'ya nagulat pa ako nang bahagya s'yang tumagilid at nakita ang likod na part ng suot n'yang jersey.
"You?!" Inis na tanong ko.
Nagtataka naman akong tinignan ng mga kasama ko. "What?" Walang ganang tanong nya.
"Mag-kakilala kayo?" Tanong ni Harry.
"Oo! S'ya yung nakakaimbyernang bumangga sakin kanina sa labas ng Admin! Wala pa ngang pakialam e!" Inis na sabi ko.
"I'm sorry, I was in a rush a while ago." Kaswal na sabi nya.
"Yeah, whatever." Sabi ko at inirapan sya.
"Addie this is my cousin, Michael Sebastian Ford." Pakilala ni Harry, I just gave him a sarcastic smile and rolled my eyes.
"And Michael this is my friend, Addison Nadine Aldridge." Nakangising sabi nya.
Tinanguan naman n'ya ako pero tumalikod na ako para maunang maglakad. Naririnig ko pa si Harry na isa isang pinapakilala ang mga kaibigan namin sa pinsan nya. Pagkarating namin sa Dakasi si Edward at Caleb na lang yung nag-order para samin. Treat daw nila.
Kinuha ko na lang yung cellphone ko para naman may magawa ako habang nag-aantay. Panay rin ang pag-cecellphone nila Lexi at Kira kaya wala akong makakausap. Nasa isang mahabang table kaming lahat. Nasa gitna ako ni Kira at Lexi habang nasa harap ko si Harry, nginingisian naman n'ya ako.
"Ano?!" Inis na tanong ko.
"Sungit mo naman! Akala ko pa naman magugustuhan mo 'yung pinsan ko." Sabi nya.
"Kung hindi mo s'ya pinsan baka magustuhan ko pa." Pang-iinis ko sa kanya.
"Sama mo naman! Ayaw mo sa lahi namin?!" Sabi n'ya.
"Ano bang lahi n'yo?!" Natatawang sabi ko.
Ngumisi naman s'ya bago magsalita. "Lahi ng mga gwapo!" Mayabang n'yang sabi.
"Kapal!" Sabi ko, sumama naman ang mukha n'ya.
"Ikaw na nga nireretohan mang-iinis kapa?!" Sabi nya.
"Ayoko nga e." Sabi ko.
"We'll see." Sabi nya at nginisian ako.
Pagkatapos namin sa Dakasi umuwi na rin kami. "Addie!" Sigaw ni Tily pagpasok namin ng condo.
"Hmm? Bakit?" Tanong ko.
"Kailangan mo daw pumunta ng school bukas sabi ni Coach." Sabi ni Tily.
"Ha? Bakit?" Takang tanong ko.
"May try-out ng volleyball bukas and kailangan nandoon yung Captain. E sino ba yung Captain? Ikaw diba. Kaya kailangan mo pumunta doon bukas." Sabi ni Tily.
Tumango naman ako. "Ako lang ba pupunta ng school bukas?" Tanong ko.
"No, tayong lahat." Sabi ni Evie nang bigla syang sumulpot.
"Bakit?" Sabay na tanong ni Lexi at Kira.
"Kailangan nandon ang Captain at leaders and members ng iba't-ibang sports at clubs." Sabi ni Evie. Tumango naman ako at umupo sa couch.
![](https://img.wattpad.com/cover/211031910-288-k739173.jpg)
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
JugendliteraturDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.