Dahil sa condo na rin naman ako uuwi ngayon sabay na kami ni Lexi paalis ng bar. Nagpresinta pa si Michael na s'ya na lang daw maghahatid sa akin pero tumanggi ako. 10pm na at kakapasok lang namin ni Lexi sa kotse n'ya.
"Lexi, may dapat ba akong malaman?" Tanong ko sa kan'ya. Natigilan naman s'ya sa tanong ko.
"I'll just let you know when I'm ready." Sabi n'ya at pinaandar na ang kotse.
Tahimik lang kami buong byahe at para bang ang lalim ng iniisip n'ya. Hininto muna ni Lexi ang kotse n'ya sa tapat ng isang convenience store. Taka ko naman s'yang tinignan.
"I'll just buy coffee. You want to come with me?" Tanong n'ya pero umiling ako.
"Dito na lang ako." Sabi ko at tumango muna s'ya bago tuluyang lumabas ng kotse.
Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa makapasok s'ya. Bigla namang tumunog ang cellphone ko.
"Hmm?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag.
"How's Lexi?" Tanong ni Michael.
"She's fine, I think? Why?" Tanong ko.
"Hindi daw sinasagot ni Lexi yung mga tawag ni Harry." Sabi ni Michael kaya kinuha ko ang cellphone ni Lexi na nakapatong sa Driver's seat at tinignan 'yun.
48 messages galing kay Harry at 15 Missed calls.
"I see. Just tell Harry she's fine." Sabi ko at binalik na ang cellphone ni Lexi sa pwesto nito kanina.
"Alright, I lo-" Hindi na natuloy ni Michael ang sasabihin dahil pinatay ko na ang tawag.
Sakto namang lumabas na ng Convenience Store si Lexi at mabilisang pumasok sa kotse dahil umaambon sa labas. 10:30pm na nang makarating kami sa condo at naabutan naming nagmomovie marathon sila. Binati lang saglit ni Lexi yung mga kaibigan namin at dumiretso sa kwarto nila. Binigyan naman nila ako ng nagtatakang tingin.
"Anong meron doon?" Tanong ni Nica na tinuro pa ang pintuan na pinasukan ni Lexi. Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa tabi ni Tily.
"Is it just me or is Lexi acting strange?" Kunot noong tanong ni Kira sa amin.
"Akala ko nga ako lang ang nakakapansin." Sabi ni Kira. I just exhaled and shrugged my shoulders.
"Matutulog na ako. I'm tired." Paalam ko at pumasok sa kwarto namin ni Kira.
Kinabukasan, maaga kaming nakarating ng school at nagtataka na rin ako dahil ang tahimik ni Lexi.
"Anong nangyari kay Lexi kagabi? She's really weird." Tanong ni Nica habang naglalakad kami papunta sa Center Gate ng College Building.
"She doesn't want to tell me." Sabi ko. Tumango na lang s'ya at binaling ang tingin sa dinadaanan namin.
Pagdating namin doon ay naabutan naming kumpleto na ang mga kaibigan naming lalaki dahilan para magtaka kami.
"Ang tagal n'yo." Sabi ni Andrei. Tinaasan naman s'ya ng kilay ni Kira.
"Ang aga pa kaya." Sabi n'ya pero ngumiwi lang si Andrei.
Binigyan ko naman ng nagtatakang tingin si Michael dahil nakakunot ang noo n'ya habang nakaatingin sa cellphone.
"Hey, what's wrong?" Tanong ko.
Binalingan naman n'ya ako at parang ngayon n'ya lang napansin na nandito na kami.
"Si Hailey." Sabi n'ya at binulsa ang cellphone.
"What about her?" Tanong ko.
"She can't go to her class today. She drank too much last night and can't handle herself. She shoul've just followed me." Inis n'yang sabi.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.