Chapter 7

117 9 0
                                    

"I knew it!" Sabi ni Lexi pagpasok n'ya sa kwarto. Taka ko naman s'yang tinignan.

"You know what?" Takang tanong ko.

"I know that your not okay. Anong nangyari? Tell me." Sabi ni Lexi at umupo sa tabi ko.

Bumuga ako ng hangin at tumingin sa kanya. "I'm fine." Sabi ko.

Pinanliitan naman n'ya ako ng mata. "Really? Don't fake it Addie! I know your not. Kaibigan mo ko, you can tell me anything. Come on!" Sabi n'ya.

"Wala, nanghihinayang lang ako. Ang dami ko nang napuntahang audition pero hindi ako pumasa. Sa sampung in-audition ko, eleven ang binagsak ko." Sabi ko.

"Maybe it's not just the right time. Ano kaba?! It's their loss not yours. Imagine hindi nila tinanggap ang ganyan kaganda at ka-talented!" Sabi pa ni Lexi.

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. "Effort ahh!" Natatawang sabi ko.

"Ikaw na nga binuboost yung confidence pagtatawanan mo pa." Sabi n'ya kaya mas lalo akong natawa.

"Basta Addie nandito lang kami para sayo okay? We're just one call away." Sabi ni Lexi bago lumabas ng kwarto. Gumaan naman ang loob ko dahil sa sinabi ni Lexi.

Nagpalit na lang ako ng damit at lumabas. Nasa living room silang lahat kaya pumunta na lang din ako doon. Nanonood sila ng Hello, Love, Goodbye kaya nakinood na rin ako. Hindi ko na naumpisahan ang movie kaya pagdating ko doon ay sad scene na at malapit na rin matapos.

"Hoy Lexi! Bakit naiiyak ka dyan?!" Natatawang tanong ni Evie. Inirapan naman s'ya ni Lexi. Natawa naman kami sa inasta n'ya.

"Paano kasi naalala nanaman n'ya yung ex n'ya." Sabi ni Nica.

"He's not my ex!" Pagtanggi ni Lexi.

"Ay oo nga pala! Pinakilig ka lang pero 'di jinowa." Pang-aasar ni Kira.

Natawa naman ako dahil binato ni Lexi ng unan si Kira. "Okay lang yan! Ako nga nag-alarm pero nakasilent eh!" Sabi ko at tumawa.

Inirapan naman ako ni Lexi. "Addie! Yelo kaba?!" Inis na tanong sakin ni Lexi.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi ang sarap mong ihampas sa pader!" Inis na sabi ni Lexi. Natawa naman kami dahil sa sinabi n'ya.

"Sige! Hampas mo ko kay Evie!" Sabi ko. Binato naman sakin ni Tily yung unan na hawak n'ya. "Peste!" Inis na sabi ni Evie.

Matagal bago humupa ang tawanan namin at binaling ang tingin sa TV. Kinabukasan, sabay sabay kaming pumunta ng school at saktong kadarating lang din nila Caleb pati si Michael. Mabilis namang natapos ang morning class ko at nang lunch break ay nagchat si Kira sakin at sinabing sa labas daw kami ng school mag-lunch.

Sabay kami nila Caleb at Edward na pumunta sa labas ng school. Pagdating namin doon nakita agad namin sila Kira. Kasama din nila si Michael. Nagulat naman ako nang biglang umakbay sakin si Harry.

"Addison my friend! Pautang naman! Naiwan ko yung wallet ko sa kotse eh!" Sabi ni Harry. Inalis ko naman ang pag-kaakbay n'ya sakin.

"Hoy! May utang ka pa sakin diba?!" Sabi ko. Hinarap naman n'ya ako sa kan'ya at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Ayaw mo nun! Binigyan kita ng isang core memory!" Madramang sabi ni Harry.

Inirapan ko naman s'ya at tinulak. "Core memory mo mukha mo!" Natatawang sabi ko.

"Dali na! Babayaran kita sa parking!" Pamimilit n'ya pa.

"Ayoko nga! 'Di mo naman babayaran eh!" Asik ko.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now