"Oh tapos anong nangyari?" Tanong ni Kira.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant na madalas naming puntahan. Nag-yaya silang mag-lunch at ako ang napag-diskitahan nilang pag-usapan. Pinakuwento pa nila sa akin 'yung tungkol sa amin ni Michael. Wala naman akong nagawa kung hindi ay magkuwento.
"Ikaw isa kang malaking chismosa! 'Yon na 'yon. Wala nang kasunod." Sabi ko at sinubo ang kanina ko pang nasa kutsara na pagkain.
"Ay! Tapos na? Ano ba 'yan." Sabi n'ya at nakasimangot na kumain.
"Hala!" Napatingin naman kami kay Tily na biglang sumigaw.
"Bakit?" Tanong ni Evie.
"Yung sapatos ko! Nakanganga na!" Natawa naman kami nang kunin n'ya ang sapatos at ipakita sa amin. "May event pa ako mamaya e'!"
"Then, just buy a new one." Suhestiyon ni Lexi.
"Hindi ko binibili ang oras, Alexandra. May pupuntahan pa ako mamaya at ayokong mag-aksaya ng oras!" Sabi ni Tily.
"Fine, fine." Sabi ni Lexi at animo'y nag-isip.
"Oh! I have an idea." Biglang sabi n'ya.
"Ano?" Tanong ni Nica.
"Michael-kilala ako na gumagawa ng sapatos, malapit lang dito." Sabi n'ya at kinindatan ako.
"Ah ganoon ba? Oh, Harry kana para maayos na 'yang sapatos mo." Sabi ko at kinindatan din si Lexi.
"Pinagsasabi n'yo?! Mamaya ko na 'to pagagawa. Malapit lang namann daw dito sabi ni Lexi e'." Sabi ni Tily.
Tumango naman kami at sumandal. Bigla namang tumunog ang phone ko at may nag-pop na text message. It's from Michael.
From: Architect Ford.
Hey, can we meet?
Kumunot naman ang noo ko at nag-isip ng itatype.
To: Architect Ford.
Why?
From: Architect Ford.
I just want to show you something.
Something? Ano naman kaya 'yon?
To: Architect Ford.
Okay. But, I'm at lunch with my friends.
From: Architect Ford.
I'll just pick you up there later just text me where and when. Anyway, I need to attend a meeting. See you later, love.
Palihim naman akong napangiti nang mabasa ang text n'ya. Napailing na lang ako at bumuga ng hangin.
"Hala s'ya. Ngumingiti mag-isa ang loka-loka." Biglang sabi ni Kira at tinuro pa ako.
"Bakit?! Bawal?" Tanong ko at inirapan s'ya.
Tinawanan n'ya lang ako at bumalik sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nagkan'ya-kan'ya na kami dahil may kailangan pa kaming mga puntahan. Sakto namang paglabas namin ay nakita ko ang kotse ni Michael na nakaparada malapit sa resto. Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko at
binigyan ako ng nang-aasar na tingin.Inirapan ko na lang sila at lumapit kay Michael. "I have a car." Sabi ko.
"Oh, okay then just follow." Tumango naman ako at pumasok na sa kotse ko.
Mabilis lang ang naging byahe at nagtaka ako nang makitang sa...... nasa sementeryo kami. Kahit nagtataka ay bumaba pa rin ako ng kotse at sumunod sa kan'ya. Nilibot ko naman ang paningin sa paligid at naglakad pasunod sa kan'ya.

YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.