Chapter 3

149 9 0
                                    

Kinabukasan, pumunta na kami sa NBS para bumili ng mga kailangan namin bukas. Ganito talaga kami bumili ng mga gamit.
Araw bago yung pasukan. Mas maluwag kasi ang NBS kapag malapit ng mag-umpisa yung klase dahil halos lahat sila tapos na bumili ng mga gamit.

Nandito ako sa book aisle na halos lahat ay about sa Med Field. Naghahanap ako ng mga extrang libro para may ma-review ako kahit konti. First day of class kasi binibigay yung books namin kaya gusto ko bumili ng ibang libro.

"Mag-dodoctor ka?" Muntik kong mabitawan ang mga dala ko nang may biglang magsalita sa gilid ko.

"Ay, palaka!" Tinignan ko ng masama si Michael nang bigla s'yang sumulpot.

"Wow, I guess, I'm a palaka now." sabi n'ya.

"Bakit bigla kang sumusulpot?! Kakagulat ka e!" Inis na sabi ko kay Michael.

"I'm here for a couple of minutes now, you're just very busy choosing books." Kaswal na sabi n'ya.

"Oh, okay." Sabi ko at binaling ulit ang atensyon ko sa mga libro.

"So magdodoctor ka nga." Sabi n'ya, napalingon naman ako sa kanya.

"Obvious ba?" Sarkastikong tanong ko.

Ngumiwi naman sya. "Ikaw?" Tanong ko.

"Architecture." Sagot nya.

"Then, why are you here?" Takang tanong ko.

"Cause I saw you here." Simpleng sagot nya.

Tumango naman ako. Pero hindi parin nagbabago ang expression sa mukha nya. Seryoso pa din. Hindi ba talaga s'ya marunong ngumiti?

"I can sense that you're fascinated with books." Saad nya.

"Yeah." Sagot ko at kinuha ang huling librong nagustuhan ko.

"I have to go, see you around." Sabi ko at iniwan na sya sa book aisle at pumunta na sa cashier para magbayad, sunod-sunod kaming magkakaibigan sa pila.

"Addie, nakita ko kayo ni Michael kanina. Ikaw ah, pa-deny deny kapa, totoo naman palang humaharot kana." Bulong sakin ni Kira.

"Nag-usap lang humaharot na? Malisyosa ka rin e." Sagot ko sa kanya.

Binigyan naman nya ako ng nakakalokong ngiti. Nang matapos kami sa NBS umuwi na rin kami dahil wala na rin naman kaming gagawin sa mall.

"Girls, what do you think?" Tanong ni Lexi at pinakita samin ang isang red and black sleeveless dress.

"Then, mag-susuot na lang ako ng denim jacket." Dagdag pa nya.

"Or this one?" Tanong n'ya at may kinalkal nanaman doon sa mga binili n'ya kanina.

"Oh, this one! What do you think?" Sabi n'ya at may hinihila nanaman galing sa paper bag n'ya.

Natawa naman kami dahil sa inaasta ni Lexi. Namimili kasi s'ya ng isusuot para bukas, bumili pa ng bagong damit ang loko. Akala mo naman makikipag-fashion show kung makapili ng damit.

"Hoy, Alexandra! School ang pupuntahan natin bukas! Hindi, fashion show!" Saway sa kanya ni Kira. Tinignan naman sya ng masama ni Lexi.

"Bakit ba? I'm just choosing damit oh!" Sagot nya kay Kira.

Natawa naman kaming lahat sa inaasta ni Lexi. Dinampot ko naman yung mga paper bag na pinag-lagyan ng mga binili ko kanina. Buong maghapon lang kaming nag-cellphone at nagbasa ng konti. Kaka-park ko lang ngayon ng kotse ko sa parking ng school. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na. Papasok na sana kami sa College Building pero naabutan namin sila Harry na papasok din.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now