The next morning medyo late na kami nakarating sa school kaya hindi na namin tinuloy ang balak naming mag-review sa library dahil malalate kami. Malapit na kasi ang Exams and hindi pa kami nakaka-review. Buong araw akong hindi pinansin ni Michael dahilan para magtaka ako.
"Bakit hindi ako pinapansin ng pinsan mo? Anong meron?" Tanong ko kay Harry habang naglalakad kami papunta sa Parking.
"Bakit, miss mo?" Nakangising tanong n'ya. Nginiwian ko naman s'ya.
"Hindi ba pwedeng nagtataka lang?" Sabi ko.
"Tss, aminin mo na kasi." Panunuya n'ya pa pero umiling-iling lang ako.
"Sagutin mo na lang yung tanong ko." Inis na sabi ko.
"Aba! Malay ko! Ba't 'di mo s'ya tanungin!" Sabi n'ya at nagpaunang maglakad sakin.
Sinulyapan ko naman si Michael na naglalakad sa likod namin at kung hindi ako nagkakamali ay nakatingin s'ya ng diretso sakin habang nakakunot ang noo. Nang mahuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya ay umiwas s'ya ng tingin at umiling. Binaliwala ko na lang 'yun at dumiretso sa kotse ko. Pero bago pa ako makapasok ay biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hailey?" Takang tanong ko nang masagot ang tawag n'ya.
"Punta ka dito, Ate. Review tayo." Aya n'ya.
Tinignan ko naman si Michael na ngayon ay nakatingin pala sakin habang nakasandal sa pinto ng kotse n'ya bago sumagot.
"Bakit? Malapit na rin ba ang exams n'yo?" Tanong ko.
"Yeah, I don't want to review with my friends kasi. Wala akong maiintindihan e'." Sabi n'ya.
"Hmm, sige. Ngayon na ba?" Tanong ko.
"Yes sana." Sabi n'ya.
"Ok I'll go." Sabi ko at pinatay ang tawag.
Nagchat ako sa gc namin na mamaya pa ako uuwi. Hindi ko na inantay ang reply nila at pinaandar na ang kotse ko. Nakita ko ang kotse ni Michael na nasa likod ko gamit ang side mirror ng kotse ko. Dahil hindi tinted ang sasakyan n'ya ay nakita kong nakakunot ang noo n'ya habang nagdadrive dahilan para magtaka ako.
Problema nun?
Nang makarating ako sa bahay nila ay hinarang pa ako ng guard sa gate nila pero nang ibaba ko ang bintana ay nginitian ako ng guard.
"Ay! Kayo pala Ma'am. Sige, pasok na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am Hailey." Nakangiting sabi n'ya kaya ngumiti din ako at kumaway bago itinaas ang binatana.
Pagbaba ko sa kotse ay nagulat ako dahil nakita ko si Michael na nakatayo sa tapat ng pinto ng kotse ko at tinignan ako ng walang ekspresyon na pinapakita.
"What are you doing here?" Tanong n'ya.
"Bakit? Bawal na bang bisitahin si Hailey?" Tanong ko at sinara na ang pinto ng kotse ko.
"May sinabi ba ako?" Sarkastiko n'yang tanong na nagpataas ng kilay ko.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah? Ba't mo ba ako sinusungitan?" Tanong ko sa kan'ya pero bumuga lang s'ya ng hangin at umiwas ng tingin.
"Wala." Sabi n'ya.
"E' 'di wala!" Sabi ko at nagpaunang maglakad pero hinila n'ya ang braso ko at hinarap ako sa kan'ya.
"Tumuloy ka ba kahapon?" Tanong n'ya na nagpakunot ng noo ko.
"Hindi! At ano naman? 'Yun ba yung dahilan kaya ang sungit sungit mo?!" takang tanong ko. Sasagot pa sana s'ya pero biglang nagsalita si Hailey.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.