tw: depression, death, mental health issues etc.
The next day I went straight to our office because I have a meeting with Ford Builders regarding our project. I wore a black long sleeve fitted dress and stilletoes.
I just did a natural makeup look and let my hair down since it's not that sunny today. Pagpasok ko sa lobby ng office ay nakita ko si Harry na kabababa lang ng kotse n'ya. Binigyan naman n'ya ako ng nakakalokong ngiti at lumapit sa akin.
"Good morning, Addison my friend." sabi n'ya at inakbayan ako.
"Wala akong pera, tigil-tigilan mo ko." Sabi ko at inalis ang pagkaka-akbay n'ya sa akin.
"Sus! Ikaw mawawalan ng pera?! Baka 'yung bangko pwede pa pero ikaw? Duda ako." Nanunuyang sabi n'ya.
Inirapan ko na lang s'ya at naglakad papunta ng elevator. Nauna akong pumasok ng elevator at tumabi pagpasok n'ya.
"Ito naman! 'Di naman kita uutangan! Nag-gogood morning lang e'!" Inirapan ko na lang s'ya at hindi na pinansin.
Pagdating namin ng conference room nandoon na si Joseph at Shawn. Binigyan ko naman ng nagtatakang tingin si Harry nang makitang wala si Michael rito.
"Namimiss mo?" Tanong n'ya.
"No! Nagtataka lang ako, nasaan ba s'ya?" Tanong ko.
"Sus, kunwari ka pa." Nakangising sabi n'ya.
"Sagutin mo na lang 'yung tanong ko." inis na sabi ko.
"May meeting s'ya kasama nila Mom at Dad." sabi n'ya at umupo na.
Sumunod naman ako sa kan'ya at umupo sa dulong bahagi ng mesa.
"Do you have the new design of the project in Pampanga?" Tanong ko sa kanila.
"Yes, Miss Aldridge. Architect Ford already send it to us via e-mail, first thing in the morning since he's not able to attend our meeting today." sabi ni Joseph habang inaayos ang projector.
Nag-umpisa naman na ang meeting at namangha ako sa laki ng pagbabago ng design. Sobrang ganda, no wonder Michael is an in-demand and famous Architect. Pinabago ko 'to sa kan'ya two days ago but he still managed to make it beautiful.
Buong meeting akong bored na nakatingin sa projector at paminsan ay humihikab pa. Maya't-maya rin akong tumitingin sa relo ko. Ewan ko ba kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko ngayon.
Whenever I'm attending a meeting I always tend to be responsive and attentive pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-tamad at atat na atat lumabas ng conference room.
Dahil ba wala si Michael- stop! Eww, no! Umayos ka nga, Addison! Kulang ka lang sa tulog! Michael, Michael ka d'yan!
"Problema mo? You look bored. Miss mo si Michael 'no?" Kunot-noo ko namang nilingon si Harry.
"No, I'm just sleepy." Sabi ko at sumandal sa swivel chair.
"Weh? Parang-"
"Shut up." Putol ko sa sasabihin ni Harry at lumingon na lang sa projector.
Nang matapos ang meeting ay naisipan kong pumunta ng Ford Builders sa hindi ko mawaring dahilan. Pagdating ko sa building ay pumasok ako agad sa loob at akmang papasok ng elevator pero nagulat ako nang biglang bumukas ang elevator at nakita si Michael na nakatayo doon.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo n'ya nang makita ako. Humakbang naman s'ya palabas ng elevator at hinarap ako. Napalunok naman ako nang maamoy ko ang pabango n'ya.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.