Naka-upo ako ngayon sa couch nila sa sala habang inaantay na bumaba sina Michael. Para bang nawala ang pagka-lasing ko sa nangyayari ngayon. 2am na at mamayang 5am ang flight ko papuntang New York.
Sa eroplano na lang ako matutulog tutal matagal-tagal naman ang byahe. Inutusan ko na lang si Nikki na s'ya na lang ang mag-ayos ng gamit ko dahil hindi ko na magagawa 'yon.
Nasa taas pa sina Mrs. Ford, Michael at Hailey. Bumaba na ako dahil ayokong maka-gulo sa kanila habang pinag-uusapan pa nila ang mga gagawin para kay Mr. Ford.
May nakatingin naman sa aking maid na may hawak na tray ng pagkain at mukhang nag-aalinlangan na lumapit sa akin kaya nginitian ko s'ya at lumapit na ako ng kaunti.
"Ma'am Addison." Tawag n'ya sa akin.
"Yes?"
"Pwede po bang kayo na lang po magbigay nito kay Ma'am Hailey? Kanina pa po kasi iniutos ni Sir Michael 'to sa amin pero hindi naman po kami maka-punta sa kwarto ni Ma'am Hailey kasi sinisigawan at pinapaalis n'ya po kami. E' hindi pa po s'ya kumakain mula nung umuwi s'ya." Sabi niya. Halatang nahihiya s'ya dahil nakayuko s'ya at kagat n'ya ang labi.
"Oo naman. Sige, ako na magdadala sa kan'ya." Nakangiting sabi ko at kinuha ang tray.
Nagulat naman ako nang makitang nanginginig ang kamay n'ya. "Bakit ka nanginginig?" Tanong ko.
"Kinakabahan po kasi akong lumapit sa inyo, Ma'am Addison. Para po kasing..."
"Kasing?" Tanong ko.
"Parang ang sungit niyo po kasi." Nakayukong sabi n'ya.
Natawa na lang ako at umiling. Sanay na ako sa impression na 'yan ng mga tao sa akin. People I work with often tells me that they thought I wasn't nice as I am and I guess the resting bitch face kind of throws them off.
"Don't worry. I'm not." Sabi ko at ngumiti.
Naglakad naman na ako papunta sa kwarto ni Hailey at iniiwasang mapunta sa kwarto nina Mrs. Ford dahil ayokong maging distraction sa kanila at nirerespeto ko ng privacy nila. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto ni Hailey ay may naririnig akong paghikbi at sigawan kaya mas inilapit ko pa ang tainga ko sa pinto.
"Bakit kasi hindi mo nakita 'yon, Kuya?! E' 'di sana kasama pa natin si Dad ngayon!" Dinig kong sigaw ni Hailey.
"Hailey, alam mong may limit ang kakayahan ko at sa piling tao lang gumagana 'yon." Mahinahong sagot ni Michael.
"Pero bakit kay Ate Addie may nakita ka?! Bakit kay-"
"Hailey, don't even go there."
Inilayo ko na ang tainga ko nang matapos ang pag-uusap nila. Wow, Addie. Privacy pala ah. Nagulat naman ako nang bumukas ang pinto at tumambad doon si Michael. Mukhang nagulat din s'yang makita ako dito.
"K-kanina ka pa ba d'yan?" Tanong n'ya.
"Huh? Ah, h-hindi. K-kararating ko lang." Nakayukong sabi ko.
"May kailangan kaba?" Tanong n'ya. "Wala, a-ano ibibigay ko lang 'to kay Hailey." Sabi ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita s'yang nakakunot ang noo. "You're not supposed to do that." Malamig n'yang sabi.
"I know. Pero, nakiusap sakin 'yong maid n'yo. Pinapaalis daw s'ya ni Hailey kapag binibigay n'ya 'to e'." Sabi ko. Bumuga s'ya ng hangin at tumango.
"Nasa loob s'ya. When you need anything just call me." Sabi n'ya at naglakad na paalis.
Bumuga muna ako ng hangin bago kumatok sa kwarto ni Hailey. "Ano ba! I said get out! Don't you understand that I want to be alo-"
Natigilan naman si Hailey nang buksan n'ya ang pinto at makita ako. "Alone." Pagtuloy n'ya sa sinasabi kanina.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.