It's our last day here in Coron and we did everything as planned. It's just 5am and here I am walking on the seaside while waiting for the sun to rise.
My friends are still sleeping and I woke up early and I can't sleep again so I just decided to walk around 'cause I have nothing to do. I sat on the sand and just stared at the sea. It feels so chilly out here and I'm starting to get cold.
"Coffee?"
I looked up and saw Michael holding two cups of coffee. I smiled and took the one he's giving me. He also sat beside me and stared at the sea.
"What are you doing here? It's so early." I said and sipped on the coffee he gave me.
"I woke up early and I couldn't sleep." He said still not looking at me.
"Paano ka naman napadpad dito?" Tanong ko.
"I heard the door of your room and the main door open. I knew it's you and this is the only place you will surely go in this island." Sabi n'ya kaya napatango-tango na lang ako.
In fairness, dumadaldal na rin si Michael at ngumingiti na rin s'ya on a daily basis. Dati kasi kapag kakausapin s'ya it's either isang salita lang ang sasabihin n'ya o' 'di kaya ay sasagutin n'ya pero hindi na ulit s'ya magsasalita kung hindi mo s'ya kakausapin.
"Madaldal ka pala 'no." Sabi ko sa kan'ya. Tumaas ang kilay n'ya at humarap sa akin.
"Hindi ako madaldal." Sabi n'ya at umiwas ng tingin.
"Tss." Asik ko at binalik ang tingin sa dagat.
"Wow." Napatayo ako at lumapit pa lalo sa dagat.
Sunrise na at napakaganda n'yang tignan. Kitang-kita rin ang reflection ng araw sa dagat na mas lalong dumagdag sa kagandahan nito. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Michael. Hinawakan n'ya ang bewang ko at inusog palapit sa kan'ya. Narinig ko naman s'yang natawa at umiling.
"Your eyes are sparkling." Natatawang sabi n'ya.
"Ang ganda." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kan'ya.
"Let's go? I'm hungry." Sabi n'ya.
Tumingin naman ako sa kan'ya at tumango dahil nagugutom na rin ako. Pumunta kami sa kainan doon at s'ya na ang nag-order ng kakainin namin. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pinicturan ang sunrise. Pinost ko rin ito sa IG story ko.
Titigilan ko na sana ang pagcecellphone pero nacurious ako bigla nang makitang may naka-post sa IG story ni Michael. Nagulat naman ako nang pagbukas ko ay mukha ko ang naroon. Ang unang picture ay noong unang beses kaming magsiswimming dito at nagpipicturan lang kami nina Tily. Boomerang 'yon at sa akin ang focus. May emoji pang may matang puso ang nakalagay doon.
Ang pangalawa naman ay nasa clear boat kaming dalawa at nakatalikod ako. Hawak ko pa ang buhok ko at parang itatali ko 'to. My love. 'Yan ang nakalagay sa baba ng picture na 'yon. Ang pangatlo naman ay noong nagsnorkeling kami. Magkahawak ang kamay namin at ako nauuna. May nakalagay rin doon na Je T'aime Mon Amour.
Ang pang-apat na picture naman ay nasa kwarto ako at natutulog. Balot na balot ako at mukha ko lang ang nakikita. Bahagya naman akong natawa dahil sobrang halata ng mataba kong pisngi. Sleep tight, my love. Nagtaka naman ako dahil pumasok pala s'ya sa kwarto namin noong isang gabi.
Pinindot ko naman ang susunod at stolen picture 'yon sa speed boat at nililipad ng hangin ang buhok ko. Namangha naman ako dahil noong nakasakay kami sa speed boat ay inis na inis ako dahil hindi ako makapagpicture dahil ayaw umayos ng buhok ko. Samantalang si Michael ay parang walang kahirap-hirap na kinuhanan ako ng litrato doon nang hindi halatang sabog ang buhok ko.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.